embed embed2
Home Remedy Para Sa Sintomas Ng Bronchitis Sa Bata
PHOTO BY Shutterstock/muay26
  • Karaniwan na sa mga bata ang ubuhin, lalo na kung panahon ng pagkakaroon ng sipon. Kaya kadalasang hinahayaan ang kanyang katawan na kusang gumaling. Sa katunayan, pagdating sa sipon at ubo, hindi kailangan agad ng over-the-counter na gamot.

    Pero kung may kalakasan at katalagan na ang pag-ubo, kailangan tignan natin kung sintomas na ito ng mas seryosong kondisyon tulad ng bronchitis. Kailangang mabigyan na ang bata ng karampatang lunas kapag ganito.

    Nagkakaroon ng bronchitis kapag may pamamaga sa malalaking lagusan ng hininga (large breathing tubes) na tinatawag na airways o di kaya bronchi.

    Uri ng bronchitis

    May dalawang uri ng bronchitis: acute at chronic. Acute bronchitis kapag panandalian lang ang pagkakasakit at chronic naman kapag medyo may katagalan.

    Kalimitan, nagmumula ang bronchitis sa viral infection. Pero puwede ring sanhi ang bacteria at mga bagay na nakaka-trigger ng allergy. Kabilang sa mga ito ang alikabok, usok ng sigarilyo, at iba pang usok. 

    Ayon sa Stanford Children’s Health, madaling kapitan ang mga bata ng acute bronchitis. Tumataas pa ang tiyansa nilang magkasakit kung mayroon silang iba pang iniinda, gaya ng:

    Mga sintomas ng bronchitis

    Sabi naman ng Children’s Health, nagsusulputan ang sintomas ng bronchitis kapag pagaling na ang sipon. Maaari ring magkaka-iba ang nararamdaman ng mga batang nagkakasakit.

    Inuubo

    Sa simula, dry cough. Kalaunan, may kasama na ang pag-ubo ng mucus na kulay green o di kaya yellow.

    Nilalagnat

    Mababang lagnat (low-grade fever) lang dapat ang maranasan niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masama ang pakiramdam

    Tila wala sa tamang ayos ang pangangatawan kaya nahihirapan kumilos-kilos. Niriyan ang pananakit ng likod at muscles, pati na ang overall body discomfort.

    Sumasakit ang lalamunan

    Masakit ang lalamunan dahil sa panunuyo at pangangati na dala ng sore throat.

    Naninikip ang dibdib

    Dahil namamaga ang daluyan ng paghinga, sumisikip sa parteng dibdib. Dagdag pa dito ang mucus na nagpapahirap sa paghinga.

    Nasusuka

    Nagiging maselan ang tiyan kaya nasusuka. Kung minsan naman, may pakiramdam na parang sinasakal.

    Nanginginig

    Mainit ang katawan pero nanginginig sa lamig at nagki-chills.

    Hinihingal

    Kaunting galaw at kilos lang, pero parang tumakbo sa paghingal.

    Tumatagal mula isa hanggang dalawang linggo ang mga sintomas ng bronchitis. Pero posibleng magpatuloy ang pag-ubo ng ilan pang linggo.

    Home remedy sa sintomas ng bronchitis

    Upang maibsan ang mga nararamdaman ng bata, makatutulong kung sisikapin ng kanyang magulang o tagapangalaga na gawin ang ilang home remedies:

    • Bigyan ang bata ng higit pa sa normal niyang iniinom. Bukod sa tubig, subukan ang fruit juice, soup, at warm water na may halong lemon at honey. (Bigyan lang siya ng honey kung siya ay 1 year old at pataas).
    • Dagdagan ang unan sa may ulunan ng bata kapag nakahiga sa kama para makahinga siya nang maayos at makatulog nang mahimbing.
    • Gamitan ng warm compress ang parteng dibdib ng bata nang lumuwag ang kanyang pakiramdam.
    • Kung may cool mist humidifier sa bahay, hayaan itong gumana magdamag sa kuwarto ng bata. Malaking tulong ito upang maging maaliwalas ang kanyang paghinga.
    • Tanggalin ang ano mang irritants sa kapaligiran ng bata. Ipagbawal ang paninigarilyo sa loob ng bahay.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Basahin dito kung paano pa bigyan ng cough relief ang bata.   

    Over-the-counter medication

    Gaya nang nabanggit, iwasan ang pagbigay ng over-the-counter drugs para sa ubo lalo na kung 6 na buwan pababa palang si baby. mainam na magtanong muna sa doktor. Subukan ang telemedicine dahil hindi kailangang magpunta sa clinic o ospital.

    Paalala ng mga eksperto mula sa medical sources na huwag na huwag painumin ng antibiotics ang bata. Kadalasan ito ang ginagawa ng marami lalo na kapag may lagnat
    (paracetamol ang pinaka-safe pagdating sa lagnat). Pero ang antibiotic ay prescription dapat at kadalasan ginagamit para sa bacterial infections.

    Iwasan din ang antihistamines na posibleng magpalala ng ubo at ang aspirin na puwedeng magbigay ng side effects. 

    Hindi raw dapat binabale-wala ang bronchitis dahil baka tumuloy ito sa pneumonia o iba pang sakit. Dapat bantayan kung maging grabe ang sintomas na nararamdaman ng bata. Maging alerto, halimbawa, sa pagtaas ng lagnat, hirap sa paghinga, patuloy na panghihina, at pagkakaroon ng dugo sa mucus kapag umuubo. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles