embed embed2
  • DOH: Tumaas Ng 541% Ang Mga Kaso Ng Tigdas At Tigdas Hangin. Ito Ang Gawin Para Makaiwas

    Bakit kailangang mag-ingat ang mga bata at buntis na hindi pa bakunado.
    by Jocelyn Valle .
DOH: Tumaas Ng 541% Ang Mga Kaso Ng Tigdas At Tigdas Hangin. Ito Ang Gawin Para Makaiwas
PHOTO BY Shutterstock
  • Tumaas ng 541 percent ang mga kaso ng tigdas (measles) at tigdas hangin (German measles, rubella) sa Pilipinas nitong January hanggang February 2023 kumpara sa parehong panahon noong 2022.

    Ito ay ayon sa pinakahuling surveillance report ng epidemiology bureau na sangay ng Department of Health (DOH).

    May naitalang 133 kaso ng tigdas at 8 naman na tigdas hangin para sa kabuuang 141 mula January 1 hanggang February 25 ng 2023. Samantalang 22 kaso lamang noong 2022 ng parehong panahon.

    Karamihan sa mga kaso ng tigdas at tigdas hangin ay mula sa mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula (26), Metro Manila (25), at Calabarzon (20) regions.

    Huling nagkaroon ng measles outbreak noong 2019. Sa loob lamang ng isang buwan, higit 1,000 na ang mga may sakit na tigdas na dinala sa isang ospital pa lamang (basahin dito).

    Madaling makahawa ang tigdas at tigdas hangin

    Parehong mga sakit sa baga at respiratory system ang tigdas at tigdas hangin na sanhi ng magkaibang virus. Mas delikado ang tigdas kapag nagkaroon ng mga kumplikasyon at mauwi sa pagkasawi. Nangyayari ito lalo na kung sanggol ang pasyente at mahina pa ang immune system.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madaling maipasa ang virus mula sa taong may tigdas o di kaya tigdas hangin dahil ito ay airborne. Kung bumahing ang pasyente at hindi siya nakasuot ng face mask, halimbawa, kakawala ang droplets na nagtataglay ng virus at mananatili sa hangin. Maaaring masagap ang virus ng taong nasa parehong lugar, lalo na kung hindi siya nakasuot ng face mask at hindi pa siya bakunado laban sa tigdas at tigdas hangin.

    Kapag nakapasok ang virus sa katawan, kumakapit ito sa cells na matatagpuan sa likod ng lalamunan hanggang sa mga baga (lungs). Dito na makakaramdam ng ilang sintomas ang nahawaan ng tigdas o di kaya tigdas hangin.

    Mga sintomas

    Kabilang sa mga sintomas ay ang mga sumusunod:

    1. Mataas na lagnat, mas mataas sa 38.5-degree Celcius

    2. Sipon na maaaring magsimula kagaya ng regular na sipon

    3. Mapupula at naluluhang mga mata

    4. Tuyong pag-ubo

    5. Masakit na lalamunan (sore throat)

    6. Pananakit ng katawan at kalamnan

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    7. Pagsugat-sugat sa loob ng bibig at pisngi na kulay pula, pati na may bluish white spots sa loob ng bibig sa inner lining ng pisngi

    8. Mga pantal na unang lalabas sa noo malapit sa anit, bandang tenga, at sa itaas ng leeg. Pagkatapos ay kakalat ito sa braso, dibdib at likod, sa tiyan, sa singit, at kahit sa palad at talampakan.

    Bagamat maaaring magamot ang mga sintomas, ayon sa mga eksperto, walang gamot sa mismong tigdas o di kaya tigdas hangin. Maaari namang makaiwas sa mga sakit na ito sa tulong ng bakuna na measles-mumps-rubella (MMR) vaccine.

    Basahin dito kung bakit hindi dapat matakot pabakunahan si baby.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close