Valentine’s Day,Smart Parenting Village,valentine's gifts,Valentine's Debate,Parents Speak Up: Mahalaga Ba Ang Makatanggap Ng Regalo Ngayong Buwan Ng Puso?,valentine's day, valentine's gifts, smart parenting village, gifts for wife, gifts for husband,Short answer: it all depends on your love language.
LifeLove & Relationships

'I'm Just A Girl, Standing In Front Of A Boy, Asking Him To Give Her Flowers'

Mahalaga ba talaga ang makatanggap ng regalo sa araw ng mga puso? Smart Parenting Village members speak up.
PHOTO BYCOURTESY OF RAJ BEE AND FAUZIAH MARIE LARIOS PALESTRA

Nakalipas na ang Valentine's Day subalit maingay pa rin na usapin sa Smart Parenting Village (SPV) Facebook community ang kahalagahan ng pagbibigay at pagtanggap ng regalo ngayong buwan ng mga puso.

Kinasasabikan talaga ito ng mga nanay na palaging pagod sa gawaing bahay at pag-alaga sa mga bata.

Umaasa sila na katulad noong courting stage, may sorpresa silang matatanggap mula sa kanilang special someone. Sa SPV, maraming mommy members ang nagpahayag ng frustration dahil wala silang natanggap na regalo. 

"Isa din ako sa mga madalas mag 'sana all' pag may nakikita akong mga posts ng wifeys na sinusurprise ng mga hubbies nila ngayong Valentine's. Sino ba namang 'di maiinggit sa ganon diba?" ang pahayag ng isang mommy.

Mahalaga ba talaga ang magbigay at makatanggap ng flowers on Valentine's Day?

"This is a shallow request from a girl, standing in front of a boy, asking him to give her flowers. Mahirap ang buhay pero kayang mapagaan kahit sa isang pirasong bulaklak lang, kahit hindi mahal," 'yan ang point of view ng isa pang nanay sa SPV.

"Hindi naman nakakabutas ng budget and I'm not expecting naman sa magarbong gift. Simpleng ube halaya lang masaya na ako," bahagi pa ng isa.

Mahalaga nga ba ang makatanggap ng regalo? Ang halaga ng pagbigay at pagtanggap ng mga regalo ay depende sa love languuage ng isang tao. Mayroon daw limang love languages according to the The New York Times Best Seller book, The 5 Love Languages, na isinulat ng pastor na si Dr. Gary Chapman.

Kabilang dito ang words of affirmation, quality time, receiving gifts, acts of service and physical touch. Ang pagbigay at pagtanggap ng regalo ay isa lamang sa limang love languages.

Madalas, magkaiba ang love language ng mag-asawa or mag-partner, at ito ang nagiging dahilan ng frustration ng isa't isa.

"Masyado natin kasi ine-expect sa husband/bf natin kung ano ang sinasabi ng society na 'romantic'," bahagi ni Maggie Lucero Cruz sa SPV.

watch now

"Iba-iba tayo ng love language at kung marerecognize mo ang love language ng asawa mo, marerealize mo na more than the flowers and chocolates ang pwede niyang ibinibigay sa iyo araw araw."

Para sa marami, mas gusto nilang makatanggap ng ibang bagay maliban sa bulaklak.

"I don't like flowers. They wither & die after a few days. Sayang at dagdag kalat lang. Ngayong may mga anak na kami, mas gusto ko gatas at diapers bigas at groceries at siyempre, yung sahod niya," ang paglilinaw ng isang nanay.

Dahil sa pandemya, maraming mga "practical moms" ang nag-share ng mga makabago nilang bouquets: Yakult bouquet, pinakbet bouquet, at cash bouquet. Ang nanay na ito naman ay nakatanggap ng isaw at betamax bouquet!

article image
PHOTO COURTESY OF RAJ BEE

Para naman sa mga pamilyang "quality time" ang love language, mas pinahahalagahan nila ang bonding moments nila bilang pamilya.

"Hindi kelangang mahal ang magmahal. Hotdog lang sapat na," ang bahagi ni Melogen Buhian Urbano.

article image
PHOTO COURTESY OF MELOGEN BUHIAN URBANO

Para kay Nich Lao,"Tamang DIY pizza at fries sa air fryer tapos Netflix nalang with hubby."

article image
PHOTO COURTESY OF NICH LAO

Para sa mga taong "Acts of service" ang love language, pagluluto ang napili nilang regalo.

"Sa akin po, walang flowers pero super OK lang po. Meron namang breakfast na ganito," ang ibinahagi ni Fauziah Marie Larios Palestra.

article image
PHOTO COURTESY OF FAUZIAH MARIE LARIOS PALESTRA

"Words of affirmation" naman ang love language ni Jabee Japer: "Mas kinikilig ako sa love letters dahil pwede ko ulit uliting basahin."

Pang babae lang ba ang Valentine's day?

May reality check naman ang isang daddy na ibinato sa usaping ito: "Napansin ko lang sa culture natin dito sa Pilipinas, ang taas ng expectations ng mga babae kapag Valentine's day. Maraming nagtatampo 'pag hindi sila na-date, binigyan ng bulaklak, chocolates or walang pa-surprise. Is Valentine’s day made for women? Or was it made for love?"

Bilang patunay na ang Valentine's ay para kay mister din, ibinahagi ng mga misis na ito ang kanilang gestures to appreciate hubby.

"Si Hubs sinurprise ko naman ng cake kahapon since may work sya today, pero sya din nagbayad nun. At least naisipan ko syang bilhan ng cake," ang sabi ni Michelle Galicia.

"I made this crochet for him. Hindi expressive ang husband ko pero pinost niya sa FB Story niya," bahagi ni Edhz Laurie.

article image
PHOTO COURTESY OF EDHZ LAURIE

"Flexing my wifey May for her pa-bulaklak to me yesterday. My love language is service, her love language is gifts and time, so ito, sinurpresa niya ako kahapon ng kakaibang bouquet. Nakakakilig din palang makatanggap nito mula sa asawa mo," ang feedback naman ni Daddy Irone Boquiron.

article image
PHOTO COURTESY OF IRONE BOQUIRON

"I knew I wasn't going to get anything for Valentine's day, so you know what I did? I stepped up! I prepped his favorites for dinner. After dinner I handed him the flowers, cake and scotch and guess what?

"My husband was speechless - he cried.

"We never celebrated Valentine's day since we met. He said it was the first time someone ever surprised him for Valentine's Day. This just made my heart melt. I felt like giving myself a pat in the back. It felt so good seeing how happy I made my husband.

"Husbands deserve to be surprised on Valentine's day too. Not only with 'you know what'," ang bahagi ng isa pang SPV member.

Patunay lamang ito na ang diwa ng araw ng mga puso ay hindi makakahon sa regalo, at hindi lamang para sa iilan kundi para sa lahat na minamahal at nagmamahal. This also includes loving yourself, so you can love others more. Tandaan, no one can pour from an empty cup.

Mayroon ka rin bang magandang istorya na gustong ibahagi sa amin? Sumali sa Smart Parenting Village o kaya'y mag-email sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close