celebrity,Danica Sotto,Danica Sotto-Pingris,Marc Pingris,mother in law,Dina Bonnevie,relationship with in-laws,Marc Pingris: 'Parang Pulis' Noon, 'Sobrang Close' Na Ngayon Sa MIL,celebrity, Marc Pingris, Danica Sotto, Dina Bonnevie, Vic Sotto, in-laws, relationship with in-laws, biyenan,Sabi ni Marc Pingris, parang pulis noon ang nanay ng asawa niyang si Danica Sotto, pero sobrang close na sila ngayon ng mother-in-law niyang si Dina Bonnevie.
LifeLove & Relationships

'Parang Pulis' Noon, Sabi Ni Marc Pingris Sa Kanyang MIL Na 'Sobrang Close' Niya Na Ngayon

Si Dina Bonnevie ang nanay ng asawa niyang si Danica Sotto.
PHOTO BYInstagram/danicaspingris, dinabonnevie

Noong unang magkakilala sina Marc Pingris at Danica Sotto, na 15 years nang mag-asawa ngayon, pareho silang kaka-break lang sa kanilang girlfriend at boyfriend. Kaya wala sa isip nilang pumasok muli sa bagong relasyon.

"Wala pa ako sa ligaw-ligaw. Ang nasa isip ko, basketball talaga," sabi ni Marc sa interview sa kanya ng broadcast journalist na si Pia Arcangel na posted sa YouTube channel ng GMA News.

Kalilipat rin lang ni Marc sa Purefoods team sa Philippine Basketball Association (PBA), kung saan yumabong pa ang kanyang karera bilang manlalaro at binansagang "Pinoy Sakuragi." (Basahin dito ang tungkol sa kanyang retirement.)

Pagbabalik-tanaw ni Marc na pareho sila ni Danica ng pinupuntahan na gym ng panahon na iyon, bandang 2005. Ipinakilala sila ng kanilang trainer. May pagka-suplada pa nga raw si Danica dahil tinanguan lang siya. Hindi niya rin alam na artista ang pinakilala sa kanya. Naging makaibigan sila kalaunan.

Isang araw, nalaman ni Marc na may sakit si Danica. Kaya tinawagan niya ito para dalhan sana ng gamot. Pero ang sagot daw sa kanya ng gymmate: "Sino 'to?" At saka niya naalalang magpakilala sa telepono.

Nagulat naman ang kausap niya na marunong siyang magsalita ng Tagalog. Ang sabi niya naman, marunong siyang magsalita kahit Ilocano. Tubong siyang Pangasinan, pero French ang tatay. Kaya siya'y mestizo at matangkad.

Pagkatapos ng unang pagu-usap sa telepono nina Marc at Danica ay naging mabuting silang magkaibigan. Nagsimula silang lumabas-labas kasama ng iba pang mga kaibigan, hanggang napansin ni Marc na "nahuhulog na ang loob" niya kay Danica. Doon na siya nagtanong, "Puwede ba kitang ligawan?"

Old school panliligaw

Kuwento ni Marc na niligawan niya si Danica sa tradisyunal na paraan. Sinabihan niya ang nililigawan na ipaalam sa tatay nito na dadalaw siya sa taping. Kasama noon ni Danica sa trabaho ang tatay niyang si Vic Sotto, ang sikat na comedian at Eat Bulaga host.

Sabi ni Marc nagdadala siya ng mga bulaklak kapag dadalaw sa taping ni Danica, kung saan naroon din si Vic at iba pang komedyante, tulad ni Jose Manalo. Kaya madalas daw siyang asarin nina Jose.

watch now

Pero si Vic, na kilala rin sa tawag na Bossing, "mabait na tao." Nagpapaalam daw talaga si Marc kapag yayain si Danica na pumasyal, halimbawa, sa Baguio.

Kuwento pa ni Marc na umaakyat siya ng ligaw sa bahay nila Danica. Doon niya nakilala ang nanay nitong si Dina Bonnevie, na isang mahusay sa aktres na kilala sa pagiging prangka. Separated na sina Dina at Vic noong bata pa si Danica at kanyang kapatid na si Oyo Sotto.

(Basahin dito ang mensahe ni Danica sa mga tulad niyang hiwalay ang mga magulang.)

article image
Sina Danica at Marc (kaliwa) kasama si Dina at kanyang asawang si Ilocos Sur representative DV Savellano.
PHOTO BY Instagram/danicaspingris

Napangiti si Marc nang maalala ang mga unang pagkikita nila ni Dina, na kilala rin bilang Miss D. Aniya, "parang pulis" ang tinatawag na niya ngayong Mommy D.

Paliwanag niya, "Lahat itatanong sa ’yo. ‘Saan ka galing,’ blah-blah!" Kaya kinabahan daw siya nang magpunta si Danica sa banyo, at naiwan sila ni Dina, na minsang naging host ng isang talk show.

Hindi makalimutan ni Marc ang tuloy-tuloy na pagtatanong ni Dina sa kanya: Taga- saan ka? Saan ka nanga-aral?’ Pansin niya, "Di pa ako sumasagot, may tanong na." Pero mas nauna raw siyang naging "close" ni Mommy D kaya kay Daddy Vic. Sadya raw tahimik si Vic, lalo na kapag nasa taping.

article image
Sina Marc at Danica kasama si Vic (leftmost), pati ang asawa nitong si Pauleen Luna at kanilang anak na si Tali. Kasama rin ang kapatid ni Danica na si Oyo, asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa at kanilang mga anak.
PHOTO BY Instagram/jeanmarc15

Lahad ni Marc na sa simula lang ang pagiging matanong ni Dina na "hindi lang pulis, sundalo talaga." Pero ngayon daw, "Sobrang close kami ni Mommy D."

Ikinuwento rin ni Marc ang pagiging open at honest, ika nga nagpaka-totoo, kay Danica at sa pamilya nito. Aniya, "Since first day, sinabi ko ang buhay ko sa kanila, especially to Mommy D. Talagang di ako nagtago. Dito ako lumaki. Ito ang trabaho ko. Ito ang pamilya ng nanay ko.

"Sinabi ko rin ’yan kay Danica no’ng nanligaw ako. ‘Alam mo, ito lang ako. Laki akong palenke, kargador ako. Mommy ko, nagtitinda lang kami ng prutas sa palengke. Ito ako.’ Wala akong tinago.

"Marami kasing nanliligaw kay Danica. Anak ni ganito, ni ganyan. Sabi ko, okay lang kung sino ang piliin mo sa ’min. Basta ito ako. Wala akong tatago sa ’yo. Promise ko sa ’yo, mamahalin kita."

Dugtong niya, sabay tawa, "Ang baduy, no?"

Ikinasal sina Marc at Danica noong March 2007, biniyayaan sila ng dalawang anak: Mic, 14, at Caela, 10. Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Danica ang ikatlo nilang anak.

Basahin dito kung paano nireresolba nina Marc at Danica ang mga hindi pagkakaunawaan.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close