
PHOTO BY Instagram/jeanmarc15

Trending in Summit Network
Sampung taon ang hinintay nina Marc Pingris and Danica Sotto sa ikatlong anak nilang ipinagbubuntis ngayon ni Danica.
Ang kanilang panganay na si Mic ay 14 at ang ikalawang si Caela, 10 naman, nang ibahagi nila ang magandang balita noong June 2022 (basahin dito).
Inalala ng retiradong Philippine Basketball Association (PBA) star player kung paano sinabi ng kanyang actress-wife ang pagdadalang-tao nito: "Father's Day no'ng sinabi n'ya. Naiyak talaga ako. Sobrang naiyak talaga ’ko."
Noong araw na iyon, kuwento ni Marc ka broadcast journalist Pia Arcangel, sa isang interview posted sa YouTube channel ng GMA News na kakauwi lang ni Danica sa kanilang bahay.
Napansin niyang tila malungkot ang asawa, kaya tanong n'ya dito, "Bakit malungkot ka?" Sumagot lang daw si Danica ng "Wala lang."
Pagkatapos, sabi ni Marc, "may inabot sa aking sulat" si Danica. Dugtong niya, "No’ng binasa ko, positive. Sabi ko, ‘May COVID ka?’" Napatawa si Marc habang nagkukuwento. "Buntis pala s’ya." Dagdag niya "Wala na sa ’kin kung di umiyak na lang."
Ganoon din daw kasaya ang kanilang mga anak sa pagkakaroon ng bagong kapatid.
Ani Marc sa reaksyon nina Mic at Caela, "Tuwang-tuwa. ’Yung baby girl namin, sobrang iyak n’ya rin. Dahil ang tagal n’yang pinag-pray. Every night, magka-baby na kami. Kung ano ang iyak ko, gano’n din ang iyak ni Caela."
Pagkumpirma ni Marc sa pagkakaroon ng isa pang anak, "Pinaplano talaga namin." Lima nga raw ang gusto niyang anak, pero masaya na siya sa tatlong biyayang binigay ni Lord.
Nang kumustahin ang pagbubuntis ng asawa, sabi ni Marc ay "okay naman" si Danica. Dagdag niya, "Noon lang first month n’ya lang, laging nahihilo. Laging nagsusuka. But now, okay na." (Basahin dito ang saloobin ni Danica sa muling pagbubuntis pagkaraan ng sampung taon.)
Napangiti na naman siya nang ibahagi ang kanyang karanasan sa pagbubuntis ng asawa: "Di ko alam, totoo ba kasi parang ako ’yung naglilihi pag nand’yan s’ya. Sabi nila pag may kinain s’ya [buntis], ’ta’s tinikman mo, ikaw na ang ’yung maglilihi."
Kahit daw sa gabi, aniya, may mga pagkain siyang hinahanap at talagang pinapabili sa kasama nila sa bahay. Kaya hindi na siya nagtaka nitong huling magpatimbang siya at nagdagdag siya ng 12 pounds.
"Kaya nag-start ako mag-training kanina," sabi ni Marc. "Kasi mula nang mag-retire ako, in-enjoy ko talaga. ’Yung mga hindi nagagawa dati no’ng naglalaro ako. Talagang may sukat ’yung kinakain ko.
"Halimbawa, bawal kong kainin ang mga matatamis, gano’n. Bawal akong kumain ng ganito, patikim-tikim lang. But now, nakakain ko s’ya. So nag-enjoy ako. Pero no’ng nag-timbang ako, from 200 lbs, 212 ako ngayon. So sabi ko, ibabalik ko ’yung 200 lbs."
Naniniwala rin ba kayo sa paglilihi hindi lang ng buntis, pero pati na ng asawa ng buntis? Basahin dito ang paglilihi raw ng ilang kalalakihan.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.