celebrity,mompreneurs,businesswomen,business tips,Neri Naig,Neri Naig Miranda,Neri Miranda,Neri Miranda: Paano Nakapundar Ng P13M Resthouse Sa Baguio,celebrity, Neri Miranda, Neri Naig-Miranda, mompreneur, business tips, business ideas,Ibinahagi ni Neri Miranda kung paano siya nakapundar ng farm sa Cavite, Php13-million resthouse sa Baguio, iba pang mga ari-arian at negosyo.
LifeMoney

Mga Diskarte Ni Neri Miranda Kaya Nakapundar Ng Farm Sa Cavite, P13M Resthouse Sa Baguio

Meron din si Neri na mga ari-arian at negosyo sa Tagaytay at Cebu.
PHOTO BYInstagram/mrsnerimiranda

Isa si Neri Naig-Miranda sa mga hinahangaan na celebrity mompreneur dahil sa kanyang mga diskarte, bukod pa sa sipag at tiyaga. Kaya bagay na bagay sa kanya ang pinasikat niyang hashtag na #WaisNaMisis.

Unang sumabak si Neri, na nakilala bilang artista ng ABS-CBN,  sa paggawa at pagbebenta ng gourmet tuyo noong 2015. Ilang buwan iyon pagkatapos ng kasal nila ng musikerong si Chito Miranda sa Tagaytay City, at saka sila nagdesisyon na manirahan sa kalapit na bayan ng Alfonso sa Cavite rin.

Nagkaroon ng maraming suki at reseller ang tinatawag niyang Neri's Gourmet Tuyo, kaya lumago ito. Sumubok pa si Neri ng iba pang negosyo, na ang iba ay nasara na. Pero nanatiling malakas ang gourmet tuyo at naging mas matagumpay ang mga bago niyang negosyo na restaurant, bed and breakfast, events place, accessories, beddings, at beauty salon.

May naipundar din si Neri na farm sa kanilang lugar sa Alfonso, kung saan mas malawak ang kanyang backyard farming. Idagdag pa ang ilang condo units sa iba-ibang lugar at resthouse sa Baguio.

Masaya niyang ikinukuwento ang mga ito sa kanyang social media accounts, kung saan sinasamahan niya ng mga tips at encouragement sa pagne-negosyo.

"Nung bata palang ako, pinangarap ko na talaga na magkaroon ng farm," pagbabalik-tanaw ng ngayon ay mom of two boys (Miggy, Cash) at isang older daughter (Pia). "After 3 dekada, nakuha ko rin."

Dugtong ni Neri, "Hindi madali lahat pero kapag pinagtatrabahuan at pinag-iipunan, hindi imposible. Kaya nyo rin yan! Maniwala ka lang sa sarili mo at humiling lang palagi ng guidance sa Panginoon."

watch now

Negosyo tips ni Neri

1. Gumawa ng dream board

Hindi lang ito para sa pinapangarap na negosyo, bagkus sa kahit anong nais na makamit.

Paliwanag ni Neri tungkol sa kanyang corkboard o bulletin board: "Dito ko nilalagay yung mga goals ko. Kung ano gusto kong makamit at nilalagyan ko ng quota ang sarili ko para mas lalong magsipag.

"Kaya pag may gusto ako na negosyo o property o kahit anong goal ko, piniprint ko talaga tapos pinapaskil ko sa dream board ko. Kapag araw araw mong nakikita yung pangarap mo, pagsisikapan mo talaga hanggang matupad."

2. Gawin ang research

Halimbawa ni Neri ang resthouse nilang pamilya, na kilala rin sa tawag na Baguio Hillside House. Aniya, "Nagsesearch lang ako sa Facebook Marketplace, at nakita ko nga na for sale etong bahay na to."

3. Humanap ng tamang tiyempo

Kuwento pa ni Neri kung paano niya nabili ang resthouse: "Una mas mataas ang presyo. I think 15M ata asking before. Kaya di ako interested. Di kaya, 'tapos bumaba ng 13M. Umakyat kaming pamilya to check the house. Ayun natawaran ko ng 12.5M."

4. Siguraduhin ang kakayahang bumili

Sabi pa ni Neri na hindi isang bagsakan ang pagbili niya ng resthouse. Punto niya, "I checked my financial capability, and asked Chito kung gusto nya maki-invest kase gusto nya rin magkaroon ng bahay sa Baguio."

Pagkatapos, aniya, nagbigay sila ng down payment na kaya lang ng kanilang bulsa at kumuha ng bank loan "for the first time" para mabuo ang kinakailangang pera.

5. Magpatuloy sa pag-aaral

Halos 19 years old si Neri nang pumasok siya sa showbiz noong 2004, at, kalaunan, nahinto sa pag-aaral para bigyan priyoridad ang kanyang acting career.

Pagkatapos magkapamilya, ipinagpatuloy niya ang college sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).

Noong May 2022, nakamit ni Neri ang college diploma mula sa University of Baguio (basahin dito), at hindi nagtagal, sinimulan naman ang kanyang Master of Business Administration (MBA).

Basahin dito para sa small business ideas.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close