Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kasama Ni Sarah Lahbati Ang Kanyang Bunso, Mom, At MIL Sa Bridal Shower

    Sa March 2020 ang kasal ni Sarah sa longtime partner na si Richard Gutierrez at mom sa two boys.
    by Jocelyn Valle .
Kasama Ni Sarah Lahbati Ang Kanyang Bunso, Mom, At MIL Sa Bridal Shower
PHOTO BY @sarahlahbati/Instagram
  • Dalawang taon pagkatapos ng wedding engagement ni Sarah Lahbati sa kanyang longtime partner na si Richard Gutierrez at dalawang buwan bago ang kanilang wedding day ay nagkaroon siya kamakailan ng bridal shower. Una pa lamang daw iyon, aniya sa kanyang Instagram post. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkulay rosas ang parte ng Vivere Hotel sa Alabang, Muntinlupa, kung saan ginanap ang bridal shower. “Lovely pink setup” ang pagsasalarawan dito ng event stylist na si Gideon Hermosa at “pink dreams” naman para sa actress and endorser. Samantala, suot ni Sarah ang white baby doll dress na gawa ni Vania Romoff. 

    Sa isang sulok, o ika nga ni Gideon, sa “fluffy pink corner,” mayroong ilang velvet furniture at rose accents. “She leaves a little sparkle” ang nakapaskil sa dingding, patungkol sa bride-to-be na mommy of two na din.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isa pang sulok ay mayroong bedroom setup, na mas light pink naman ang kulay. 

    More from Smart Parenting

    Hindi napigilan ni Sarah na isama ang kanyang baby boy na si Kai sa kanyang bridal shower. Si Kai, na 2 years old na sa darating na March, ay ikalawa sa dalawa nilang anak ni Richard. Ang kuya na si Zion ay 6 years old naman sa darating na April.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makikita din sa Instagram album post sa ibaba na nag-attend din ng baby shower si Esther Lahbati, ang ina ni Sarah, at si Annabelle Rama, ang kanyang mother-in-law.

    June 2012 nang maging magkasintahan ang ngayong engaged couple. Magkatrabaho sila noon sa GMA-7 drama series na Makapiling Kang Muli, na pinagbidahan ni Richard at leading lady naman niya si Sarah. July 2017 nang ianunsiyo nila ang kanilang wedding engagement, na naganap sa Switzerland, kung saan lumaki si Sarah, na isang Filipino-Moroccan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang bridal shower para kay Sarah ay dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan. Sina Bela Padilla at Coleen ang iilan na kasamahan ng bride-to-be sa showbiz. 

    Pinangunahan ni Bela ang toast para sa kanyang kaibigang ikakasal na. Pahayag niya, “We’re happy that she’s finally seeing such a beautiful, beautiful landscape, and the most beautiful, beautiful family portrait… So, Sarah, be the happiest this year. We love you so much.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles