embed embed2
  • Sharon Cuneta Proud Makamit Ang Size 10, Goal Ang Size 6

    Gusto namin malaman sikreto ni Megastar sa weight loss
    by Jocelyn Valle .
  • Nagdiwang si Sharon Cuneta ng kanyang 55th birthday kahapon, January 6, 2021, pero tila advance niyang nakamtan ang birthday gift. 

    Dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, nagsimulang mag-post ang actor/singer/presenter sa kanyang Instagram ng mga litratong nakasuot siya ng swimsuit.

    Masaya niyang ibinalita na mas maliit na ang size ng kanyang swimsuit. Ibig sabihin, nagbubunga na ang kanyang pagsisikap na magbawas ng timbang.

    Kuwento ng Megastar sa unang post, “Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8!

    “Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs. 20 doesn’t seem like too much work anymore. Please pray for me. Then WATCH ME. Hah!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat hindi sinabi ni Sharon kung ano ang kanyang weight loss program, nabanggit naman niya ang isang insidente na nagtulak sa kanyang maging seryoso na sa pagpapa-payat.

    “Thank you Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses. Now it’s even helping me lose weight! Nyahaha! Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages.”

    Sa sumunod na post, sinabi naman ni Sharon na halos kapareho ng suot niyang swimsuit ang ginamit niya noon sa pelikula niyang Friends in Love. Naka-tag pa ang dalawa sa costars niya sa 1983 teen romance movie na sina Jackie Lou Blanco at Rowell Santiago

    Bumuhos ang pagbati at page-engayo kay Sharon na ipagpatuloy pa ang hangaring pumayat. Kabilang sa mga well-wishers ang kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan. Kasama rin ang mga kaibigan at katrabaho, tulad nila Jackie Lou, Pops Fernandez, Ryan Agoncillo, Danica Pingris, Sylvia Sanchez, at Mariel Padilla.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroon namang nagkomento ng, “Chubby is the new sexy.” Ang sagot ni Sharon: “Curvy is the right word.” Noon pa man ay bukas na siya sa kanyang weight loss journey (basahin dito).

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles