embed embed2
  • SSS Nagbabala Sa Mga Miyembro, Pensyonado Laban Sa Online Fixers

    Ingatan ang inyong SSS accounts at huwag ipamigay ang mga password na gamit.
    by SmartParenting Staff .
SSS Nagbabala Sa Mga Miyembro, Pensyonado Laban Sa Online Fixers
  • Pinapaalalahanan ng Social Security System (SSS) na hindi konektado at awtorisado ang anumang social media accounts at pages na nanghihingi ng bayad sa mga miyembro at pensyonado nito kapalit ng paggawa ng kanilang SSS account. Wala ring bayad ang pag-sumite ng kanilang mga aplikasyon sa mga benepisyo tulad ng retirement at mga aplikasyon ng pautang sa SSS online.

    KNOW YOUR SSS WITH THESE STORIES

    Pinapayuhan din ang mga miyembro na ingatan ang kanilang SSS accounts sa mga mapanlinlang na mga indibidwal at siguruhin na lahat ng kanilang gagawing aplikasyon online ay sa pamamagitan lamang ng kanilang My.SSS accounts na maaaring i-access sa www.sss.gov.ph at SSS mobile app.

    Binabalaan din ng SSS ang mga online fixers. May kriminal at sibil na pananagutan ang pagkuha ng mga mahalagang impormasyon at sapilitang paghingi ng kabayaran mula sa mga miyembro at pensyonado ng ahensya. 

    Ang criminal and civil violation na ito ay nakasaad sa Section 17 ng Batas Republika 11199 o ang SS Act of 2018. Meron din itong karampatang multa na aabot hanggang Php5,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa 6 na buwan at maaaring umabot ng 1 taon, o parehong kaparusahan, depende sa magiging desisyon ng korte.

    Bukod dito, ang paggamit ng online fixers ay labag din sa Batas Republika 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

    Upang isumbong ang mga pinaghihinalaang nagsasagawa ng online fraud at mga online fixer, maaaring mag-email ang mga miyembro at pensyonado sa SSS Special Investigation Department sa fid@sss.gov.ph

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    KNOW YOUR SSS WITH THESE STORIES

    Puwede rin magpadala ng mensahe sa alinmang social media accounts ng SSS:

    • SSS Facebook page @SSSPh o i-search “Philippine Social Security System”
    • Instagram account @mysssph,
    • Twitter account @PHLSSS

    Hinihimok din naman sila na sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates," upang makatanggap ng tamang impormasyon mula sa SSS.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles