embed embed2
  • Celebrity Travel, Toddler Version! Hindi Maipinta Ang Saya Nila Na Kasama Ang Pamilya

    Narating na nila ang mga bansang inaasam lang ng karamihan.
    by Jocelyn Valle .
Celebrity Travel, Toddler Version! Hindi Maipinta Ang Saya Nila Na Kasama Ang Pamilya
  • Ang sabi nga ng book author na si Mark Patterson, “The best education you will ever get is traveling. Nothing teaches you more than exploring and accumulating experiences.”

    Kaya may bitbit na ng mga magulang ang kanilang mga anak kahit maliit pa sa mga biyahe upang magsilbi itong paunang hakbang sa malawak na edukasyon. Narito ang ilang celebrity kids na nakakapaglakbay sa ibang bansa.

    Seve Soriano

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Seve ang nickname ni Severiano Elliott Gonzaga Soriano, ang unico hijo nila Toni Gonzaga at Paul Soriano. Sa edad na 3 ay marami na siyang napuntahan, kabilang ang Japan na ilang beses nang nabisita ng mag-anak. Ang huli ay nito lamang pagpasok ng bagong taon, 2020.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapunta na rin si Seve sa U.S. nang higit sa isang beses. Sa East Coast ang destinasyon nilang mag-anak noong September 2019. Kabilang doon ang New York, kung saan sila masayang namasyal, tulad sa Bryant Park.

    Bumisita din si Seve at kanyang mga magulang sa Massachusetts, kung saan naroroon ang siyudad ng Boston.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang isa pang paboritong destinasyon ng Gonzaga-Soriano family ay ang Western Europe, na binisita nilang tatlo noong October 2017 at November 2018.

    Italy ang isa sa mga bansang pinuntahan nila, at habang nasa siyudad ng Venice ay sumakay sila sa isang tourist boat. Nag-pose pa dito si Seve na para siyang kapitan ng barko.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa capital city ng The Netherlands na Amsterdam ay enjoy naman na naglakad-lakad ang bibong anak ng actress-TV host na si Toni at kanyang director-husband na si Paul.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa return trip nilang mag-anak sa France ay binisita nilang muli ang kabisera nitong Paris.

    Nagdiwang si Seve ng kanyang first birthday noong September 30, 2017 sa U.S. state na California. Iyon din ang unang pagkakataon na narating niya ang birthplace ng kanyang Daddy Paul: ang siyudad ng Los Angeles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napuntahan na rin ni Seve ang Hong Kong, noong March 2018, at bumisita sa tinatawag na “The Happiest Place on Earth”—ang Disneyland.

    Amarah Khatibi

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Amarah Klenk Khatibi ay unica hija ni Cristine Reyes (na Cristine Pascual Klenk ang tunay na maiden name) at ang kanyang estranged husband na si Ali Khatibi. Sa isang TV interview ay sinabi ng aktres na masayang kasama ang anak niyang 5 years old na sa darating na February 8. 

    Travel buddies ang mag-ina nang magbiyahe sila noong huling bahagi ng taong 2019. France ang isa nilang destinasyon, at ilan sa tourist spots na binisita nila ay ang Eiffel Tower at Disneyland.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang nasa Finland ay pinuntahan nila ang siyudad ng Rovaniemi, na kilala bilang “The Official Hometown of Santa Claus.” Dito rin sila sumubok ng winter activity na husky safari, kung saan limang aso ang humila ng sakay nilang sled. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nilubos ng mag-ina ang pagbisita sa United Kingdom sa capital city pa lamang nito na London. Nanood sila ng musical play na Lion King sa Lyceum Theater at sumubok ng indoor climbing sa isang playzone. Nagliwaliw din sila habang hawak ni Amarah ang kanyang Anna at Elsa dolls (mula sa Disney movies na Frozen at Frozen 2) at nakakilala pa siya mga bagong kaibigan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Tali Sotto

    Talitha Maria Luna Sotto ang full name ni Baby Tali, ang unica hija ni Pauleen Luna at kanyang mister na si Vic Sotto. Ang una nilang biyahe sa bagong taon ng 2020 ay sa Japan, na return trip na ng 2-year-old girl dahil ito daw ang kanilang “favorite place,” ayon sa isang Instagram post ng TV host-actress.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Japanese cities na Osaka at Nara ang ilan sa mga pinuntahan nila. Pahayag ni Pauleen sa isa pang post, “This little girl loooooves the cold weather!,” patungkol sa kanyang panganay.

    Nadala na si Baby Tali ng kanyang mga magulang sa U.S. noong April 2019.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang sa mga unang biyahe ni Baby Tali ang Hong Kong, at nangyari iyon noong January 2019.

    Pele at Vika Escueta

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang magkapatid na Pele Inigo at Vika Anaya ay mga anak ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta. Si Pele ay six years old na sa darating na February 18 at si Vika ay naman ay two years old sa May 28. 

    Nagdiwang ng holiday season ang mag-anak noong 2019 sa California, at dumalaw din sa mga kapamilya at kaibigan. Ilan sa mga pinuntahan nila ang Golden Gate Bridge sa San Francisco city at outlet stores sa Riverside city.

    Bati ni Pele sa isang Instagram post sa kanyang sariling account, “Hello po! Sana nageenjoy din kayo sa bakasyon ninyo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang sabi naman sa caption sa isang post sa official IG account ni Vika, “Ang lamig po dito sa lugar ni Tito John Joe! Ang ganda pa ng playground nila.”

    Mas malamig sa Southern California, kung saan naroroon ang snowy San Bernardino Mountains.

    Kuwento ni Jolina sa isa niyang IG post, “First time ni Pele at Vika maka experience ng snow at ang saya nila at sa puso ko ako ang pinakamasaya dahil sa kanila. Ang dami namin naiipon na magagandang memories sa vacation na ito, salamat po Panginoon. Napaka buti nyo po sa amin. Ang sarap pong harapin ang bagong taon 2020. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong hindi pa ipinangaganak si Vika ay nakabiyahe na si Pele sa Hong Kong, at pumasyal sila ng kanilang TV host-actress mother at musician father sa Disneyland noong July 2017.

    Pagbabalik-tanaw ni Jolina sa isa pang IG post, “Eto pala yung kuha nya na kahit mainit, talagang sya pa nagsasabi na ‘Mama!! Picture me!’ Haaaay! napakasarap makita ang mga ngiting yan!” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles