developmental milestones,baby milestones,Tagalog,ask the doctor,greener,board of experts,baby milestones 9 months,Dr. Faith Alcazaren, Pediatrician,Baby Milestones 9 Months | Smart Parenting,developmental milestones checklist, baby milestones, developmental milestones, infant, baby milestones 9 months, growing baby,Kabilang sa baby milestones 9 months ang kakayahan ng sanggol na umupo mag-isa nang walang umaalalay.
ParentingBaby

Nakakaupo Mag-Isa, Nagpapakita Ng Facial Expressions, Iba Pang Baby Milestones Ng 9 Months

May tips ang pediatrician para matulungan ang anak na abutin ang developmental milestones.
PHOTO BYfreepik/jcomp

Habang lumilipas ng mga buwan pagkapanganak, patuloy ang iyong anak sa pag-abot ng infant milestones month by month. Mula sa 6 months baby milestones, 7 months baby milestones, at 8 months baby milestones, nadadagdagan pa ang kanyang mga kakayahan sa pagtungtong ng ika-siyam na buwan alinsunod sa baby milestones 9 months.

Sa ganitong edad, ayon kay Dr. Faith Alcazaren, kaya na ni baby na umupo at manatiling nakaupo nang walang tulong o suporta. Lahad pa ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na mas naeenganyo nang nakipaglaro ang sanggol.

Ano ang developmental milestones?

Paliwanag pa ni Dr. Alcazaren na ang developmental milestones ay mga set ng "age-specific validated checkpoints on behavior and physical development." Ito ang mga skills na nagagawa ng karamihan sa mga bata, pero wala pang 75%, ayon sa CDC guidelines.

Kahit na may nakatokang developmental milestones sa partikular na mga edad, diin ng pediatrician na hindi "hard deadlines" ang mga ito. Ibig sabihin, hindi naman kailangan sa eksaktong edad nagyayari ang mga ito. Kaya hindi kailangang ma-stress ng magulang kung hindi pa kaagad maabot ng anak ang developmental milestones.

Ika nga ni Dr. Alcazaren, gabay o guide lamang ang developmental milestones. Sinasabi lang ng mga ito ang uri ng stimulus na angkop sa edad, pati na ang environment, na makakatulong sa development ng anak. Nagsisilbi rin ang mga ito na "checkpoint" para matukoy ang mga kakaibang senyales, o red flags.

Paalala ng pediatrician na maaabot din ng mga sanggol at bata ang developmental milestones sa tamang panahon, basta mabigyan sila ng "proper environment, stimulus," at mga oportunidad na magawa ang mga ito. Pero kung may mapapansing red flags, mainam na komunsulta sa doktor.

Paliwanag pa ni Dr. Alcazaren na mahalaga ang early intervention dahil patuloy pa ang paglago ng utak, o brain, at pag-aayos ng neural pathways. Napakabilis nitong nangyayari sa unang limang taon ng bata. Kaya maaagapan pa kung may delay man sa development ng anak, basta huwag matakot na sumangguni sa developmental pediatrician, kung kinakailangan.

Baby milestones 9 months

Narito ang ilan pa sa mga kakayahan na inaasahang maabot ng sanggol, base rin sa pinakabagong guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at American Academy of Pediatrics (AAP). Paalala lang na may kanya-kanyang pace ang bawat sanggol. (Basahin dito kung ano ang mga nabago sa guidelines.)

watch now

Social/emotional milestones

  • Nahihiya, nagiging clingy, at natatakot sa mga taong hindi niya kilala
  • Nagpapakita ng iba-ibang facial expressions, tulad ng pagiging masaya, malungkot, nagagalit, at nagugulat
  • Tumitingin kapag tinatawag ang kanyang pangalan
  • Nagbibigay ng reaksyon kapag umaalis ka (halimbawa: tumitingin, humahabol, o di kaya umiiyak)
  • Ngumingiti o tumatawa kapag nilalaro mo siya ng peek-a-boo

Language/communication milestones

  • Gumagawa ng maraming tunog, gaya ng “mamamama” at “bababababa”
  • Tinataas ang mga braso para magpakarga

Cognitive milestones

  • May kinalaman ang mga ito sa pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), at pagresolba ng problema (problem-solving)
  • Hinahanap ang mga bagay na biglang nawawala sa kanyang paningin, gaya ng hawak niya kutsara o di kaya laruan
  • Pinagsasalpok ang dalawang bagay (angs two things together)

Movement/physical development milestones

  • Kusang umuupo mag-isa
  • Nililipat ang hawak na bagay mula sa isang kamay papunta sa kabilang kamay
  • Ginagamit ang mga daliri para ilapit ang pagkain papunta sa kanya
  • Nakakaupo nang walang suporta

Payo ng CDC na kapag dadalhin si baby sa kanyang regular checkup, mainam na sabihin sa pediatrician ang mga sumusunod na mga detalye sa interaction ninyong mag-ina o mag-ama:

  • Mga bagay na ginagawa ninyo magkasama
  • Mga gustong ginagawa ni baby
  • Mga ginagawa o hindi ginagawa ni baby na pinagtatakhan mo
  • Mga nagagawa ni baby na bigla niyang itinigil
  • Mga special healthcare needs ni baby

Tips mula sa pediatrician

May mga payo at suhestiyon si Dr. Alcazaren para matulungan si baby na abutin ang baby milestones 9 months at mahasa pa ang kanyang mga kakayahan:

1. Bigyan si baby mga bagay na mga kakaibang tunog dahil nahihilig siyang pagsalpukin o pukpukin ang mga bagay.

Mga halimbawa:

  • Blocks
  • Rattles, o mga laruang may kalansing
  • Laruang kutsara o di kaya lutuan na yari sa kahoy

2. Makipaglaro ng taguan, o hide and seek, gamit ang mga bagay.

Masaya itong laro para sa kanyang edad dahil natututunan na niya ang object permanence. Ibig sabihin, nagsisimula na niyang maintindihan na naririyan lang ang isang bagay kahit natatakpan o tinatago ito.

Para mas maintindihan ni baby ang object permanence, gawin ang ganitong activity: Ipakita sa kanya ang isang bagay at hayaang siyang manood habang tinatakpan mo ito ng tela o panyo. Hayaan mo rin siyang hanapin ang bagay na iyon. Kung hindi niya ito mahanap, ipasilip mo ang bagay hanggang malaman niya ang sagot.

3. Gamitin din ang oras ng paliligo para ituro kay baby ang mga bagay sa kanyang paligid, gaya ng mga bola o bath toys na lumulutang sa tubig.

4. Maging modelo sa pagtuturo kay baby ng "hi!" o "bye!" kapag papasok o lalabas ng kuwarto.

Basahin dito ang baby milestones 1o months.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close