developmental milestones,baby milestones,Tagalog,ask the doctor,greener,board of experts,baby milestones 6 months,Dr. Faith Alcazaren, Pediatrician,Baby Milestones 6 Months | Smart Parenting,raising kids, infant, parenting tips, gentle parenting, baby milestones 6 months, developmental milestones,Sa tuloy-tuloy na paglaki ng sanggol, marami na siyang bagong nagagawa, tuld ng baby milestones 6 months, kaya payo ng pediatrician na maging alerto.
ParentingBaby

5 Signs Na Handa Na Si Baby Sa Solid Food Bilang Bahagi Ng 6-Month-Old Milestones

Ano pa ang mga nagagawa ni baby sa ganitong edad?
PHOTO BYUnsplash/Hui Sang

Sa paglipas ng mga buwan pagkapanganak, patuloy ang iyong anak sa pag-abot ng infant milestones month by month. Mula sa 3 month baby milestones at 4 month baby milestones, nadadagdagan pa ang kanyang mga kakayahan sa pagtungtong ng ika-anim na buwan alinsunod sa baby milestones 6 months.

Sa ganitong edad, ayon kay Dr. Faith Alcazaren, mas naglilikot na si baby sa paligid ng kanyang higaan. Lahad pa ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may kumpiyansa na si baby na gumulong mula sa kanyang tiyan papunta sa likuran. Kaya nababawasan ang panganib ng sudden infant death syndrome (SIDS).

Mas ligtas na rin na tabihan ang anak sa kama sa pagtulog. Pero paalala ni Dr. Alcarazen na madali na rin mahulog si baby mula sa kama dahil mas naglilikot na siya. Kaya mainam na maging alerto para sa kaligtasan ni baby.

Siguraduhin, halimbawa, na may nagbabantay sa sanggol kahit natutulog ito sa kama. Pero mas mabuti kung ilagay ang anak sa kanyang crib at huwag nang gamitin ang bouncer nang maiwasan ang aksidenteng pagkahulog ni baby. (Basahin dito ang health-related myths sa mga sanggol at bata.)

Sa ganitong edad din nagkakaroon ang sanggol ng pagkabalisa kapag binabati ng hindi niya kilala, o ang tinatawag na stranger anxiety. Huwag mag-alala, sabi ni Dr. Alcazaren, dahil isa itong mahalagang social milestone na nagsasabing alam ni baby ang mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Baby milestones 6 months

Narito ang ilan pa sa mga kakayahan na inaasahang maabot ng sanggol, base rin sa pinakabagong guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at American Academy of Pediatrics (AAP). Paalala lang na may kanya-kanyang pace ang bawat sanggol. (Basahin dito kung ano ang mga nabago sa guidelines.)

Social/emotional milestones

  • Kilala ang mga taong pamilyar sa kanya
  • Naaaliw tignan ang sarili sa salamin
  • Tumatawa

Language/communication milestones

  • Sumusunod sa iyo sa paglikha ng tunog
  • Paglabas ng dila habang humiihip (tinatawag ito na blowing “raspberries”)
  • Gumagawa ng matinis na ingay (squealing noises)

Cognitive milestones

May kinalaman ang mga ito sa pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), at pagresolba ng problema (problem-solving)

watch now
  • Pagsubo ng bagay na mahawakan para isipin kung ano iyon
  • Pag-abot sa napupusuang laruan para mahablot ito
  • Pagtikom ng bibig para ipakita na ayaw na niyang kumain

Tips mula sa pediatrician

Sa edad anim na buwan, lahad ni Dr. Alcazaren, nagsisimula na ang weaning. Ibig sabihin, paunti-unti nang tumitigil si baby sa pag-dede sa kanyang mommy at tumitikim na ng solid food. Sumasabay ito sa pagtubo ng una niyang ngipin, o teething.

Simulan nang tama ang feeding journey ni baby

Sa ganitong paraan mo matutulungan na magkaroon ang anak ng healthy feeding behavior pagkatapos ng infancy. Malaking tulong ito para hindi rin maging pihikan at mahirap pakainin si baby sa pagtungtong nito sa early childhood.

Narito ang mga senyales na handa na si baby na pakainin siya ng solid food:

1. Kaya na niyang panatiliing nakataas ang ulo sa posisyong steady at upright.

2. Kaya na niyang umupo nang maayos kapag may suporta.

3. Gumagawa ng tunog na ngumunguya.

4. Nadadagdagan nang tama ang timbang, kadalasan doble sa kanyang birthweight.

5. Nagpapakita ng interes sa kinakain ng ibang tao.

Tulungan si baby sa language at communciation skills

Magagawa mo ito habang ginagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain, basta kausapin nang kausapin si baby. Kapag pinapakain mo siya ng patatas o mashed potato, halimbawa, maaari mo siyang tanungin kung gusto niya ang hinain mo ("Do you like it?) at ilarawan ito sa kanya ("It's mushy!"). Pagkatapos, ayain siyang subukan it ("Go ahead touch it! Here’s your spoon, have a go!).

Ang layunin ng ganitong gawain, paliwanag ni Dr. Alcazaren, ay turuan si baby ng mga simpleng pagkikipag-usap (basics of conversation). Tandaan na isa itong two-way communication. Tandaan din na mas mahalaga ang pagpapakita kay baby ng mga bagay na tumutukoy sa mga salita, imbes na academic topics gaya ng alphabet at colors.

Iwasang hadlangan si baby sa kanyang exploration

Paalala ni Dr. Alcazaren na ito ang edad kung saan nahihilig si baby na isubo ang kahit anong mahawakan niya bilang bahagi ng baby milestones 6 months. Kaya imbes na sawayin ang anak sa kada subo niya ng bagay, siguruhin na lang na nasa safe space siya.

Mga halimbawa:

1. Linisin ang mga laruan bago ibigay ang mga ito sa kanya.

2. Siguraduhin na walang mga natatanggal na parte ang mga laruan para maiwasan ang choking.

3. Siguraduhin na mas malaki ang mga laruan para hindi niya malulon ang mga ito.

Basahin dito ang 1-year-old baby milestones.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close