-
Your Kid’s Health Mga Red Flags Kung Nahulog Mula sa Kama o Mataas na Lugar ang Iyong Anak
-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
News Naging Bikitima Ng Scam Si Jolina Magdangal Ng Isang Online Plant Seller
-
Love & Relationships 3 Reasons People in Happy Relationships Cheat And How to Move On
-
Wala Dapat Bayaran Sa Newborn Screening Kung Philhealth Member Ka
Layon ng newborn screening ang matukoy ang ilang genetic at metabolic conditions.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY iStock
Hindi dapat mabahala ang mga magulang na may bagong baby para sa pagdadaanan nitong mga test alinsunod sa Newborn Screening Act of 2004.
READ MORE ON NEWBORN CARE AND PHILHEALTH
- How To Check If Baby Is Too Cold Or Warm, According To A Doctor
- 'Pag Wala Ng PhilHealth: Benefits You Need To Pay Out Of Your Own Pocket
Nilalayon ng newborn screening na matukoy sa pinakamaagap na paraan ang ilang genetic at metabolic conditions na maaaring magdulot ng intellectual disability o di kaya kamatayan kung hindi kaagad magamot.
Mga dapat tandaan sa pag-claim ng Newborn Care Package
Sagot ng PhilHealth ang gastusin sa ilalim ng Newborn Care Package, na pinalawak pa simula noong January 6, 2019. Ang coverage nito ay umakyat na sa Php2,950 (mula sa basic na Php550 at naging Php1,750) sabay sa pagsulong ng National Comprehensive Newborn Screening System.
Ito ang pahayag ni Dr. Anne Remonte, ang pinuno ng PhilHealth Millennium Development Goals (MDG) Benefit Products team, sa radio program na “Doctor’s Orders” nitong Friday, October 2, 2020. Siya ang panauhin ng programa nila Dr. Jaime Galvez Tan, dating Department of Health secretary, at nurse-broadcaster Nathalie David sa DWWW 774. May kinalaman ang panayam sa pagdiriwang ng “Newborn Screening Week” tuwing unang linggo ng October.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosPaalala ni Dr. Remonte na may ilang panuntunan sa pagki-claim ng Newborn Care Package:
Eligible PhilHealth member ang alin man sa magulang
Kinikilalang aktibong miyembro ang mga regular na naghuhulog ng buwanang kontribusyon. Pero bukas din ang ahensya sa pagtulong sa tinatawag na no-billing balance eligible members tulad ng mga kasambahay at indigent.
Nanganak ang ina sa accredited facility
Kinikilalang accredited facility lamang ang mga ospital, birthing home, infirmary, at lying-in clinic na lisensyado hindi lamang para magpaanak bagkus bilang newborn screening center din. Kaya ang mga baby na ipinanganak sa bahay ay hindi saklaw ng enhanced Newborn Care Package.
Gayonpaman, ayon kay Dr. Remonte, kailangan pa rin ng mga baby na isinilang sa pamamagitan ng home birth na sumailalim sa newborn screening sa alinman mang accredited facility. Iyon nga lang, sa bulsa na ng mga magulang mangagaling ang pambayad sa gastusin.
Huwag naman daw mag-alala ang mga inang inabutan sa sasakyan, kalsada, o parking lot ng pupuntahan sanang accredited facility. Maaari nilang iapela ang kanilang kaso at bibigyan ng konsiderasyon ng ahensya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsagawa ang newborn screening sa loob ng 24 hanggang 72 oras pagkapanganak ng sanggol
Paliwanag ni Dr. Remonte na delikado na para kay baby kapag lumipas na ang 72 hours o halos tatlong araw at hindi pa ito sumasailalim sa newborn screening test.
Mga kondisyon na matutukoy sa newborn screening test
Ang kailangan lang naman daw ay ilang patak ng dugo na karaniwang nakukuha sa pagtusok sa paa ng sanggol. Ilalagay ang dugo sa filter paper para masuri ito. Matutukoy sa test ang ilang kondisyon, kabilang ang mga sumusunod:
- Endocrine, amino, at fatty acid disorders
- Organic acid
- Urea cycle defect
- Cystic fibrosis
- Hemoglobinopathies
- Biotinidase deficiency
Bukod sa test, kalakip sa enhanced Newborn Care Package ang supplies para sa essential newborn care, tulad ng:
- Vitamin K
- Eye ointment
- Vaccines para sa Hepatitis B at BCG
- Newborn hearing screening test
- Fees ng attending healthcare professionals
READ MORE ON NEWBORN CARE AND PHILHEALTH
- How To Check If Baby Is Too Cold Or Warm, According To A Doctor
- 'Pag Wala Ng PhilHealth: Benefits You Need To Pay Out Of Your Own Pocket
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung small term o preterm ang sanggol nang ipanganak, pagkakalooban pa rin siya ng enhanced Newborn Care Package, lahad ni Dr. Remonte. Ngunit ang pangangailangan niya para sa incubator o iba pang apparatus ay icha-charge na sa case rate. Kasama na dito ang pag-ulit sa newborn screening na kadalasang isinasagawa pagkatapos ng dalawang linggo.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network