parenting,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,sc24,lch-00390,Paano Maging Close Sa Anak | Smart Parenting,parenting,Ayon sa mga eksperto, epektibong pamamaraan ng pagpapalaki ng anak ang authoritative at positive parenting.
ParentingBig Kids

Paano Maging Close Sa Anak: Subukan Ang Parenting Style Na Ito

Ayon sa mga eksperto, epektibong pamamaraan ng pagpapalaki ng anak ang authoritative at positive parenting.
PHOTO BYCANVA

Sumagi na rin ba sa isip mo kung paano ba maging close sa anak mo?

Karaniwang isa ito sa mga goals ng mga magulang—ang maging malapit sa kanilang mga anak. Lalo na sa first time parents.

Ang pagkakaroon ng anak ay nakapagpabago sa buhay ng isang indibidwal kaya talaga namang gusto ng mga bagong magulang na maging maayos ang pagpapalaki sa kanilang anak. Ang sabi rin ng karamihan, ang pagiging magulang ay ang pinakamahirap ngunit pinaka-rewarding na trabaho sa mundo. Maraming sumasang-ayon dito. Hindi naman kasi talaga biro ang mga pagsubok na kasama ng pagbuo at pagtataguyod ng isang pamilya.

Ang Pinakamahalagang Relationship Ng Bata

Ang pinakamahalagang relationship ng bata sa unang mga taon ng kanyang buhay ay ang relasyon niya sa kanyang magulang at caregiver. Ang mga unang taon na ito ang pundasyon ng kanilang magiging samahan balang araw. Mahalaga sa paglaki ng mga bata ang pagkakaroon ng mapagmahal na mga magulang at pamilya. Hinuhubog ng relasyon ng magkakapamilya ang paraan ng pagtingin ng isang bata sa kanyang paligid. Malaki ang epekto nito sa kanyang development.

Dahil sa kaniyang pamilya, natutuklasan din ng isang bata ang kanyang sarili at kung ano ang buhay. Sa mga relasyon sa pamilya unang natutuklasan ng bata ang iba't ibang emosyong kaya niyang maramdaman. Sa mga damdaming naipakikita niya, nauunawaan din ng pamilya ang kanyang mga pangangailangan at mga gusto. Mahalaga kung ano ang natatanggap ng iyong anak dahil dito rin siya nakabubuo ng tiwala sa sarili at sa iba.

Kapag ang isang bata ay nakararamdam ng matibay na ugnayan sa kanyang pamilya, mas nagkakaroon din siya ng kumpiyansa sa sarili at mas buo ang loob na tuklasin ang mundo.

Halimbawa, kung ang baby mo ay nagugutom o kaya gusto ng anak mo na yakapin ka at yayakapin mo rin siya pabalik, natututuhan niya ang komunikasyon. Naiintindihan niyang nauunawaan siya sa tulong ng kanyang asal o behavior, at mga damdamin. Kung attentive ka rin sa mga kailangan ng iyong anak, tinutulungan mo rin siyang makaramdam na siya'y ligtas. Dito rin nabubuo ang bond sa pagitan ninyo o ang pagiging malapit ninyo sa isa't isa.

Parenting Style Na Nakakabuti Sa Bata

Kapag ang isang bata ay nakararamdam ng matibay na ugnayan sa kanyang pamilya, mas nagkakaroon din siya ng kumpiyansa sa sarili at mas buo ang loob na tuklasin ang mundo.

watch now

Paliwanag ng UC Davis Children's Hospital, malaki ang papel na ginagampanan ng parenting style sa pagtataguyod ng malulusog at masasayang mga bata. Positive parenting ang tawag nila sa paraan ng pag-aaruga sa anak nang may pagmamahal at kabutihan. Imbes na maging strikto, may kasamang lambing ang ganitong estilo ng pakikitungo sa anak.

Tungkol ito sa paggabay kaysa pagkontrol sa kanilang mga kilos. Hinihikayat mo rin sila at tinuturuan ng mabubuting asal. Sa ganitong pamamaraan, sinasabi mo sa anak na siya ay minamahal, siya ay mabuti, at siya ay mahalaga.

Ayon sa mga eksperto, makapangyarihan ang positive parenting. Higit na nagiging matagumpay ang mga batang lumaki sa ganitong paraan ng pagdidisiplina't pag-aaruga.

Nakatutulong ang positive parenting halimbawa sa teenagers. Ayon sa mga nadiskubre ng neuroscientists, mas nagfa-function nang maayos ang utak lalo na ang mga bahaging kaugnay ng emosyon at kognisyon ng teenagers kung sila ay lumaki sa ganitong estilo ng pagpapalaki sa kanila.

Paliwanag naman ng Harvard scientists, mayroong pangmatagalang positibong epekto ang positive parenting. Ilan dito ay mas matatatag na relasyon sa ibang tao, mas maayos na kalusugang pampag-iisip, at pagiging malusog at maayos na adult.

Authoritative Parenting: Bakit Ito Epektibo

Iba't iba ang estilo ng parenting. May isa ring parenting style na kung tawagin ay authoritative parenting. Makikita sa mga resulta ng pananaliksik na ang mga batang pinalaki sa ganitong pamamaraan ay mas maganda ang performance sa paaralan, mas kaunti ang behavioral problems, at mas maayos ang kalusugang pampag-iisip (mental health).

Karaniwang nakabubuo ng malalapit na ugnayan ang ganitong estilo dahil sa sumusunod:

  • Mayroong malinaw at reasonableng pamamaraan ng pagdidisiplina
  • Nauunawaan ng anak at magulang ang inaasahan mula sa isa't isa
  • Nauunawaan ng anak ang disciplinary methods ng mga magulang at sumusunod sila sa mga ito
  • Ang pagdidisiplina ay para sa pagsuporta sa anak, hindi bilang parusa
  • Bukas (open) ang komunikasyon ng dalawang panig

Tandaang kailangan ng effort, mahabang pasensya, at malalim na pang-unawa sa ganitong parenting style. Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamainam na paraang dapat alamin ng mga magulang kung gustong malaman kung paano maging close sa anak.

Ang authoritative parenting din ang epektibong paraan upang maging confident, responsable, at kayang mag-self regulate ng isang bata. Natututo rin ang bata na maging mas independent. Kapansin-pansing marami sa kanila ang may mataas na level ng academic achievement.

8 Paraan Para Maging Malapit Sa Anak

Narito ang walong (8) paraan upang maging malapit sa anak, ayon sa non-profit na organisasyong Family Services:

1. Ipakita mo ang pagmamahal sa iyong anak

Ayon sa mga pag-aaral, napakahalaga ng human touch at loving affection sa bawat stage ng ating buhay. Malaking tulong ang pagyakap sa anak anomang oras sa isang araw.

Ituring na oportunidad para maging close sa anak ang bawat araw na magkasama kayo.

Batiin din sila nang may ngiti at may eye contact. Masarap sa pakiramdam ng bata kapag nararamdaman niyang pinahahalagahan at mahal siya ng kanyang mga magulang.

2. Sabihin sa kanya na mahal mo siya.

Makatutulong ang pagsasabi ng 'I love you' o 'Mahal kita' sa iyong anak. Kahit pa nga sa mga pagkakataon na nakagagawa siya ng pagkakamali, mas lalong dapat niyang marinig ito.

3. Mag-set ng boundaries, rules, at consequences.

Kailangan ng mga bata ng gabay ng magulang sa kanilang paglaki.

Kausapin din sila tungkol sa mga inaasahan mo sa kanila at siguraduhing alam nila kung bakit kailangang may consequence ang kanilang mga kilos at bawat desisyon.

Age-appropriate o angkop sa kanilang edad dapat ang consequences na ito.

Kailangang maging consistent, lalo kung may mga kapatid ang bata, mainam na makita niyang patas ang trato sa bawat isa.

RELATED: Can Sibling Rivalry Be Avoided? 10 Easy To Do Tips From A Family Expert

4. Pakinggan mo ang iyong anak.

Makatutulong din ang pakikinig at ang empathy. Nagsisimula kasi ang koneksyon sa pakikinig. Kapag tinatanggap at nauunawaan mo ang nararamdaman ng bata, malaking bagay sa kanya ito. Epektibong paraan ito sa kung paano maging close sa anak.

Hindi na siya magtatago ng lihim o matatakot na ibahagi sa iyo ang kanyang nararamdaman at naiisip. Magiging malinaw rin sa kanyang nariyan ka upang tulungan siya at hindi upang manghusga.

Subukan mo ring tingnan ang mga bagay sa kanyang perspektibo. Sa pamamagitan nito, ang pakikinig sa kanya at pagdamay na rin sa kanyang nararanasan (anoman ito) ang magiging paraan para maging mas malapit pa kayo sa isa't isa. Dito rin nabubuo ang mutual respect.

5. Makipaglaro ka sa iyong anak.

Napakahalaga ng laro sa buhay ng bata. Mainam ito para sa kanyang cognitive, emotional, social, at kabuuang development. Isa itong epektibong tool para matutuhan ng isang bata ang sumusunod:

  • language skills
  • emotional intelligence
  • creativity o pagkamalikhain
  • social skills

Kasama ang paglalaro sa mga karapatan ng mga bata.

Kinilala na ito ng United Nations High Commission for Human Rights ang kahalagahan nito sa buhay ng mga bata (kahit pa nga ng mga mas nakatatanda.)

6. Maging available at bigyan siya ng oras (distraction-free).

Kung kaya mong maglaan ng kahit sampung minuto araw-araw para sa kanya, napakalaking tulong na nito. Iwasang buksan o hawakan ang telepono sa oras na ito.

Paraan ito ng pag-establish ng good communication habits. Matuturuan mo rin ang anak na magbigay ng buong atensyon sa iyo at magkukuwentuhan lang kayo.

RELATED: Parents’ Screen Time Can Affect Children’s Development Too, New Study Finds

Patayin ang TV, itago muna lahat ng distractions, at maging libre lang para makasama ang bawat isa. Kailangang malinaw sa anak mo na priority mo siya higit pa sa iba ring importanteng mga bagay sa inyong buhay. Malaking tulong ito sa kabuuang development at wellbeing ng mga bata.

7. Kumain nang magkakasama.

Ang pagsasalusalo ay epektibong paraang kung paano maging close sa anak. May oras at espasyo kasi para makapag-usap at maging malapit sa isa't isa. Magandang oportunidad din ito para maturuan ang anak tungkol sa wastong nutrisyon at balanced diet.

8. Bumuo o lumikha ng parent-child rituals.

Kung higit pa sa isa ang anak, siguraduhing may oras ka para sa bawat isa. Quality one-on-one time ang sagot para bawat isa sa kanila ay makaramdam na mahalaga sila at walang favoritism sa inyong pamilya.

May mga magulang na nagse-schedule pa nga ng espesyal na “date nights” kasama ang bawat anak sa magkakahiwalay na araw. Puwedeng simpleng activities ito tulad ng paglalakad sa buong subdivision, paglalaro sa playground, o panonood ng pelikula sa bahay. Anoman ang gusto o interes ng anak, suportahan ang bawat isa sa kanila.

Conclusion

Tandaang ang walong paraan na ito at siguradong makikita mo ang magandang resulta habang lumalaki ang iyong mga anak.

Kung kailangan din ng karagdagang payo at suporta, alamin sa inyong komunidad ang mga programang tumutulong sa mga pamilya upang maging mas matatag at masaya. Napakahalaga ng mapagmahal, mapagkakatiwalaan, at responsive na relationships para sa mas maayos at mapayapang paglaki ng iyong anak.

Maaari kang makabuo ng positibong parent-child relationship sa pamamagitan ng pagiging present sa buhay ng iyong anak. Kapag nakakasama ka niya at may quality time kayo, mas nakabubuo rin siya ng magagandang alaala kasama ka. Bukod dito, pareho din kayong mag-e-enjoy kasama ang isa't isa.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close