-
Paano Magpalaki Ng Mga Batang Matipid At Responsable
Magandang umpisahang ituro sa kanila ang mga ito habang bata pa sila.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kapag sinabi mong "nanay" isa sa mga katangiang unang papasok sa isip mo ay ang pagiging matipid. Sa hirap kasi ng panahon ngayon, kailangan talagang maging wais pagdating sa pagmamanage ng pera ng pamilya—hindi pwedeng maging maaksaya at pabaya.
Kaya naman, pagdating sa pagpapalaki sa kanilang mga anak, itinuturo talaga ng maaga ng mga nanay ang pagiging responsable at masinop sa pera.
Isa na riyan si mommy Jan Heather Muro Aguila, miyembro ng aming Facebook page na Smart Parenting Village. "Having kids is so magastos! Aminin na natin," sabi niya sa kanyang post sa Village.
Para makatulong sa kapwa niya mga nanay, ibinahagi ni mommy ang mga paraan kung paano niya tinuturuang maging matipid at responsable ang kanyang mga anak.
Sabi ni mommy, ito ang kanyang sikreto kung paano maging matipid—lalo na noong mga panahong pwede pa tayong gumala sa mall at unli pabili ang mga bata.
"Here are some tips kung paano tayo makakatipid sa mga anak natin," pagbabahagi niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSubukan ang 'One Toy Only Policy'
"We have the One Toy Only Rule," kwento ni mommy. "Kapag bumili na ng damit, hindi na pwedeng bumili ng toys. Kapag naman bumili ng toy, isa lang." Ayon kay mommy, naniniwala sila sa kasabihang ito: "One is okay, two is too many, and three is for the Christmas tree."
Siguro, mahihirapan ang anak mo na mag-adjust sa umpisa, lalo na kung nasanay siya na kahit ilang laruan ay pwede niyang makuha. Pero kalaunan, masasanay din siya na isang laruan lang ang pwede.
Ayon din sa mga eksperto, ang pagtatalaga ng limit ay isang magandang paraan para ituro sa mga bata na kung gusto nila ng bagong laruan, kailangan muna nilang bitawan ang iba sa mayroon na sila.
Okay lang maging OA!
Kwento ni mommy, madali lang namang maniwala ang mga bata sa mga sinasabi natin. Sabi ni mommy, noong mga panahong pwede pa silang pumunta sa malls, kapag nagpapabili ang anak niya ng mahal, sinasabi niyang hindi maganda ang laruan na iyon.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Madali naman silang maniwala. Pero kapag tipong Php100 lang o naka-sale, aba jackpot! OA na dapat ang reaction mo, wow kung wow! Para 'yun ang bilhin!" masayang pagbabahagi niya.
Iwasang manood ng mga toy reviews
"Kung ano ang napanood, gustong ipabili," sabi ni mommy. Tipikal na ito sa mga bata. "Kung walang napanood na bagong usong laruan, walang idea 'yan kung anong ipapabili," dagdag pa ni mommy.
Kaya naman dapat bantay-sarado ka sa mga anak mo kung nanood sila ng mga videos online—para sure ka na wala silang makikitang toy reviews na pwedeng pagmulan ng pagpapabili nila.
What other parents are reading
Books over toys!
"I usually invest on books than toys," sabi ni mommy. "I always search for educational toys as much as possible." Ayon kay mommy, matibay ang mga educational toys at pwede ring ipasa kung sakaling magkaroon man ng kapatid ang mga anak niya.
Hindi rin matatawaran ang matututunan ng mga anak mo mula sa mga libro at educational toys.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBigyan sila ng sarili nilang wallet
"I gave my daughter her own wallet when she was two and a half years old," kwento ni mommy. "Naiintindihan na niya. I gave her chores every day. Magwalis, maglinis ng laruan nya, mag mop kahit parang laro-laro lang, magpatuka ng manok, at magpakain ng baboy. Then I give her Php5 per chore," dagdag pa niya.
Ayon kay mommy, kailangan din niya ng timing para matiyempuhan na good mood ang mga anak niya. "Hindi po ito child labor o child abuse," pakiusap niya. "This is just the way we teach our kids—through hands-on experience."
Kwento pa ni mommy, isinasama niya ang kanyang mga anak sa trabaho niya para makita ng mga ito na masipag magtrabaho sina mommy at daddy para makabili ng mga kailangan nina baby.
Noong nakakapunta pa raw sa mall sina mommy at ang kanyang pamilya, nagdadala ang anak nila ng wallet at hinahayaan ni mommy na sila ang magbayad sa mga gusto nilang bilhin. "Kapag kulang, she knows that she needs to work harder. Natatawa na lang ang nasa cashier sakin, but that's a great way for them to learn about the value of money," pahayag ni mommy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNegosyante si mommy Jan. Aminado rin siya na kuripot siya kaya naman maaga niyang tinuturuan ang mga anak niya na maging wais sa pera. Siyempre kapag pasko at birthday ng mga bata, game naman siyang gumastos. Pero hanggat maaari, kung hindi naman necessary ang mga expenses, hindi na nila ito pinagkakagastusan.
"Sabi nila, "Happy wife, happy life." Pero naniniwala din akong "Kapag ang misis ay wais, si mister ay laging nakaumis."
May mga kwento rin ba kayong tungkol sa pagtitipid? Anu-anong mga techniques ninyo para turuan ang mga anak ninyo na maging masinop sa pera? I-share niyo lang sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
What other parents are reading

- Shares
- Comments