attention span,ADHD,developmental pediatrician,attention deficit hyperactivity disorder,board of experts,SPV,lch-00391,Dr. Jan Harold Sia,smart parenting village live,Understanding ADHD: Common Parent Questions Answered,Medical Health,Health Conditions,Neurological Conditions,Diseases and Conditions,adhd,attention deficit hyperactivity disorder (adhd),Sa Smart Parenting Village Live noong January 17. 2025, nakapanayam ng Smart Parenting si Dr. Harold Sia, isang developmental pediatrician, at sinagot nito ang mga tanong ng mga magulang ukol sa ADHD.
ParentingKids with Special Needs

ADHD: Hindi Ito Kasalanan Ng Bata, Ayon Sa Isang Dev Ped

Ayon kay Dr. Harold Sia, hindi maganda na pinapatagal ang pagkonsulta at pag-diagnose kung may ADHD ang bata.
PHOTO BYcanva

Ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD ay isa sa pinakakaraniwang neurodevelopmental disorder sa mga bata, pero marami pa rin ang lubos na hindi nakakaunawa dito. Nariyan ang mga magulang na nag-aakalang sapat na ang pagiging hyper at may short attention span para masabing may ADHD ang kanilang anak. Mahalaga ang tamang impormasyon upang malaman kung dapat na bang kumonsulta sa doktor at kung paano matutulungan ang batang may ADHD.

Sa nakaraang Smart Parenting Village Live o SPV Live nitong January 17, 2025, nakausap ni Smart Parenting Editor-In-Chief Ronna Capili Bonifacio si Dr. Jan Harold Sia, isang developmental pediatrician at board-certified ng American Board of Pediatrics na kabilang sa Smart Parenting Board of Experts. Sa loob ng isang oras na talakayan, maraming mahahalagang tanong ang mga magulang ang nasagot ni Dr. Sia ukol sa ADHD.

Understanding ADHD: Frequently asked questions of parents 

Ano nga ba ang ADHD?

Ang ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder ay isang neurobehavioral syndrome kung saan maraming aspeto ng pag-uugali ng bata ang tinitingnan, kagaya ng pagkakaroon ng maikling atensyon, pagiging hyper o makulit, at pagiging impulsive o padalos-dalos sa pagkilos. 

Namamana ba ang ADHD?

Ang ADHD ay highly genetic. Ibig sabihin, namamana talaga ito kahit na hindi ito yung direct line.

"Halimbawa, ang tito ng nanay ay may ADHD. Yung mga kapatid nung tito,  siguro yung mother ng nanay, mga 20 to 25 percent chance na that mother will also have ADHD. And then it is passed on talaga," paliwanag niya. "Yung mga first, second, or third degree relatives, meron talaga."

"Yung mga konting makakalimutin lang, pero when you really delve into the details, there's really ADHD in the family," sabi niya. "Isa sa pagkakamali ng mga parents yung 'Hindi, ganito lang kami.' Dapat pansinin talaga na baka merong problema."

Advantage po ba na malaman agad na may ADHD ang isang bata?

Ayon kay Dr. Sia, hindi maganda na pinapatagal ang pagkonsulta at pag-diagnose kung may ADHD ang bata. Mahalaga rin na makita ng devped ang bata ng higit sa isang beses. 

watch now

"Para po ma-diagnose ang isang bata na may ADHD, kailangan yung mga ugali na na tinitignan namin, at least six behaviors of the inattentive group, or six behaviors of the hyperactive impulsive group," banggit niya.

Bukod dito, mahalagang maobserbahan kung nakikita rin ang mga ugaling ito sa higit na isang lugar, gaya ng bahay, sa paaralan, kasama ng mga kaibigan, o sa mga socializations gaya ng party. 

"Hindi po maganda na pinapatagal. Ang ADHD hindi po kasalanan ng isang bata. This is how his brain functions, and so he doesn't know what he's doing. He doesn't know if it's right or wrong. Kasi he's just acting what he knows. So what happens is that he gets into trouble because of the ADHD."

Kung hindi maagang ma-diagnose ang ADHD, maaaring makatanggap ang bata ng mga negatibong komento na siya ay makakalimutan, makulit, tamad, o matigas ang ulo. Nagiging problematic ito dahil maaaring magkaroon ang bata ng negative perception sa kanyang sarili na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon nila ng anxiety o depression kalaunan.

Dagdag pa niya, hindi raw madedetect sa newborn screening ang ADHD dahil wala itong biological marker na makapagsasabing meron ang isang tao nito. Kailangan ang clinical diagnosis para makumpirma ito.

Anong edad maaaring makita kung may ADHD ang bata?

Sabi ni Dr. Sia, hindi agad makikita sa isang sanggol ang mga sintomas ng ADHD. Ang magandang edad raw ay limang taong gulang, kung saan ang bata ay nasa Kinder. 

"Usually, what is the behavior of Kinder students to be successful in school? Di ba they should be able to follow instructions? They should be able to wait?
They should be able to get along with their peers? So, pag hindi nangyayari yun, something might be going on," paliwanag niya.

Ngunit meron din daw na tinatawag na preschool ADHD, kung saan maaaring makakita ng sintomas sa batang edad tatlo or apat na gulang. 

Paalala niya, kung ang magulang ay may kutob na na may ADHD ang anak sa edad na tatlo pa lamang, maaari nang ipakonsulta ito sa Dev Ped. 

Sapat ba na maging basehan ang pagkakaroon ng short attention span para masabing may ADHD ang isang bata?

Ang mga guro ang maaaring unang makapansin ng mga sintomas ng ADHD sa inyong anak dahil sa oras na ginugugol nito sa paaralan. Kung si Teacher mismo ay nagsabi na mabilis madistract ang iyong anak tuwing may klase, hindi naman kailangang maalarma, ngunit hindi rin dapat balewalain ito.

Ayon kay Dr. Sia, na isang fellow ng Philippine Society for Developmental & Behavioral Pediatrics, dahil nga isa sa mga pinaka-common na neurodevelopmental disorder ang ADHD, madaling sabihin na ang batang makulit at hindi mapirmi sa klase ay mayroon nitong disorder. Ngunit hindi raw sapat na isang ugali lang ang maging basehan upang i-diagnose na may ADHD ang bata.

"Tandaan po ninyo na ang pagda-diagnose po ng ADHD, maraming po kaming ugaling tinitignan. Isa lang po doon ang short attention spanNandoon din po yung makakalimutin, nandun din po siguro yung parang hindi nakikinig, nandun din po yung hindi pagiging nag-organize, tapos hyperactivity, etc.," sagot ni Dr. Sia.

Nangyayari ang ADHD sa 10 to 18 percent ng lahat ng bata. "Sa pagda-diagnose po namin, mayroon po kaming sinusundan na criteria. Magbibilang po kami ng mga ugali. May tinitignan po kami na at least six behaviors."

Hindi man sapat na masabing may ADHD ang isang bata dahil lang sa isang ugali, ang ulat ng teacher ukol sa ugali ng bata na pagiging madistracted at short attention span ay sapat na basehan para ipakonsulta ang anak.

Meron bang dietary o environmental factors na makakatulong na mag-improve ang ADHD symptoms?

Mayroon daw na konting ebidensiya na ang pagkain ng mga pagkaing may Omega-3 fatty acids ay nakakatulong sa pag-improve ng sintomas ng ADHD. Ngunit hindi raw ito treatment para dito.

Ang pinakamahalaga raw na makakatulong sa pag-manage ng sintomas ng ADHD ay parenting strategies o paggabay ng magulang. 

"How the parents take care or manage the behaviors of their child with ADHD has the most important impact environmentally," ani ni Dr. Sia.

Ano ang pinakamagandang gawin ng isang magulang kung ang anak ay may ADHD?

Ang pinakaunang hakbang ayon kay Dr. Sia ay ang pagpapakonsulta sa eksperto. Mayroon lamang 97 na development pediatricians sa buong Pilipinas, at maaaring umabot sa matagal na paghihintay para lamang makapag-book ng appointment. 

Paalala niya, hindi ito dapat maging hadlang upang hindi ipatingin ang anak. "Huwag po ninyong ipagsantabi na, 'Hindi, wala lang yan.' Pag meron po isang nag-aalala tungkol sa isang bata, be it the parent, the teacher, tito, tita, pag nagsabi sila na, 'You know, nag-aalala ako tungkol sa anak mo,' kailangan seryosohin po ninyo iyon at ipatingin ninyo sa isang doktor. That's the very first step," sabi ni Dr. Sia.

May lunas po ba ang ADHD?

Kung ang bata ay limang taon pababa, ang treatment ay tinatawag na Behavioral Parent Management Training Program. Ika niya, ang pag-aalaga ng batang may ADHD ay hindi katulad sa pag-aalaga ng mga typical na bata.

"Kailangan po matuto ng mga magulang ng mga strategies para mas maging effective po sila na mga magulang. Kasi ang mga batang may ADHD talaga, maaari silang maging annoying, di ba? Maging makulit, maging insistent, to the point na maiinis ka bilang magulang. So, hindi kasalanan ng magulang din kasi syempre nag-react lang siya," paliwanag niya.

Malaking bagay raw kung ang magulang ay maalam sa ADHD, "If the parent is aware, then he or she would know how to react to his or her child's behavior."

Para naman sa mga batang edad anim na taon pataas, hindi na raw sasapat ang Behavioral Parent Management Training lamang. Nararapat na daw na may kaakibat itong pharmacological treatment o gamutan.

Mangangailangan na raw ng medication ang bata kung anim na taong gulang na ito pataas at ang mga sintomas nito ay nakakaapekto na sa kanyang araw-araw na buhay.

Paliwanag ni Dr. Sia, sa edad na ito, ang brain connections ng bata ay hindi na mababago ng Behavioral Management Training na lang. "So, yung chemicals na nangyari sa loob ng brain, imbalance na po talaga. And so, the only solution that could help is really by chemical pa rin."

"The child would need medication already at age six. If the ADHD symptoms are really impairing. So, hindi natin pwedeng hintay na, 'Hindi kaya pa niya yan.
Bigyan pa natin ng chance kapag six years old na.' Six years old and above, it should be both Behavioral Parent Management Training and medication," ani ni Dr. Sia.

Kung ang bata ay nasa puberty stage na, maaari pa rin ba silang makaranas ng mga sintomas na kailangang ipakunsulta?

Ayon kay Dr. Sia, mayroong tatlong klase ng ADHD. "Meron yung primarily inattentive, primarily hyperactive, impulsive, and the combination. So, yung mahirap minsan is kung inattentive. Kasi these are the students who are usually quiet, in the corner, hindi nanggugulo sa klase. Yun pala, distracted na sila internally."

Ito raw ay mga batang madalas tahimik at walang imik, at lumilipad na pala ang isip nito. Madalas raw ito makita sa mga babae.

Ano ang maipapayo sa mga magulang na kakatanggap pa lamang ng diagnosis na may ADHD ang anak?

"I think the first thing that you should realize is your child is still your child," ani ni Dr. Sia. "It's not like it's the end of the world or, 'Oh no, kailangan magbago tayo ng katakutakot.'"

Dagdag niya, "Embrace your child. I think that's a very good first step to really show your child that you love him and you care for them. And then if apologies are needed, kasi napapagalitan siguro before, apologize. And then you have to reassure your child that this is not your fault."

May karagdagan ba kayong katanungang para kay Dr. Harold Sia? Gusto niyo bang maging parte ng mga susunod na Smart Parenting Village Live? Sumali sa Smart Parenting Village Facebook group dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close