-
Home How This Single Mom Became A Homeowner At 25: 'Ayaw Ko Nang Palipat-Lipat Kami'
-
Preschooler 10 Etiquette Lessons To Help Your Child Grow Up Kind, Well-Behaved, And Respectful
-
Your Health Mom Opens ‘Scream Hotline’ To Help Fellow Mothers Release Stress Amid The Pandemic
-
News Andi Eigenmann And Philmar Alipayo's Underwater Engagement Photoshoot Looks Magical
-
Subukan Ang Homeschooling Sa Tulong Ng Mga Libreng Test Booklets, Activity Sheets At Iba Pa
Kasama rin dito ang curriculum na maaaring magamit hanggang sampung linggo.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Looking for learn-at-home options and wondering about tuition fee? Head to Smart Parenting Classroom now!
Kalimitan, sa ganitong panahon, bumibili na ng mga gamit sa eskwela ang mga nanay. Karamihan sa kanila ay naghahanda na para sa pasok ng mga bata.
Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, suspendido na ang pasok ng mga bata at wala pang kasiguraduhin sa kasalukuyan kung kailan ang magiging pasukan nila.
Kaya naman ang mga magulang muna ang nagsisilbing guro ng kanilang mga anak. Buti na lang at marami nang available online learning resources ngayon na pwedeng gamitin—ang ilan ay galing mismo sa Department of Education (DepEd).
Kamakailan ay inilunsad nila ang DepEd Commons, isang website na puno ng mga aralin, educational games, at nakakaaliw na presentations, na makakatulong sa pag-aaral ng mga anak mo.
Mayroon na ring mga libreng libro at audiobook online na kagigiliwan ng mga maliliit na batang mahilig magbasa. Pwedeng-pwede rin itong gamiting resource ng mga magulang na gustong magpalaki ng booklover.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIdagdag mo pa sa listahan mo ng online resources ang Learn at Home Kit ng Vibal Group. Puntahan mo lang ang link na ito: www.vibalgroup.com/learnathome/ para ma-access ang Learn at Home Kit.
Ayon sa kanilang website, isa ito sa mga initiatives ng Vibal Group para makapaghatid sa mga magulang at guro ng mga kalidad at curriculum-aligned na learning materials na maaaring magamit hanggang sampung linggo.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos"While we know that teachers are trying their best to teach even during the quarantine and that there is a rich universe of online educational materials, parents are presently the primary educators of their children and may have difficulties adjusting to the requirements for the formal delivery of instruction," pahayag nila sa kailang website.
"The kit featured in this website is free for download. It includes printable learning supplements, activity sheets, and test booklets."
Ang mga test booklets ay may kasamang drills, exercises, at exams na mainam gamiting panukat sa mga natututunan ng anak mo. Mayroong para sa Grades 1-10. Ang mga subjects na kasama dito ay English, Filipino, Araling Panlipunan, Math, at Science.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBahagi naman ng activity sheets ang iba't ibang performance tasks at graphic organizers na nakaayos ng sunod-sunod ayon sa K-12 curriculum ng DepEd.
Mayroon ding mga learning supplements na pwede mong gamitin. Sakop na nito ang first quarter ng pag-aaral ng anak mo kung susundin ang tinatawag na budgeted learning calendar.
Mahirap na hindi mag-alala sa panahon ngayon—lalo na't wala namang kasiguraduhan ang maaaring mangyari bukas o sa isang linggo. Ngunit hanggat may mga available online resources at mga ekspertong handang ibahagi ang kanilang mga kaalaman, hindi kilangangang mangamba.
Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito. Para naman sa iba pang online learning resources at homeschooling dos and don'ts, pumunta ka lang sa aming website na smartparenting.com.ph.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network