-
News Safer Batteries: Panawagan Ng Nanay Ng Nasawing Anak Dahil Sa Nalunok Na Button Battery
-
Preschooler 10 Etiquette Lessons To Help Your Child Grow Up Kind, Well-Behaved, And Respectful
-
Wellness Moms Ang Malimit Na Nakararanas Ng Revenge Bedtime Procrastination
-
Love & Relationships Husbands, Listen: Here's How to Make Your Stay-At-Home Wife Feel Appreciated
-
Naghahanap Ka Ba Ng Guro? May Mga Volunteer Teachers Sa Online 'Bookstore' Na Ito
Pwede kang makipag ugnayan sa mga gurong ito online.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pixabay
Hindi biro ang maging guro. Napakalaking responsibilidad ang maatasan kang busugin ang kaisipan ng mga kabataan.
Ngayong walang pasok ang mga bata dahil sa banta ng COVID-19, tayong mga magulang ang nagsisilbing mga guro nila. Buti na lang, may mga kumpanya nang nagpamahagi ng mga free online resources na bukod sa madaling gamitin ay nakakaengganyo rin sa mga bata.
Pero kung kailangan mo pa ng dagdag na tulong pagdating sa pagtuturo sa mga anak mo, pwede mong subukan ang proyekto ng Brighter Future Bookstore (Facebook: @TheBrighterFutureHQ).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi lang sila basta-basta bookstore kung saan ka makaka-order ng mga pre-loved books. Bawat halagang makukuha kasi nila sa bawat librong naibebenta nila ay tumutulong tustusan ang pag-aaral ng mga batang nangangailangan—nakabili ka na ng libro, nakatulong ka pa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNgunit sa pagkakataong ito, hindi pagbebenta ng libro ang focus nila, kundi ang paglulunsad ng Project Parent-Teacher Connection Ph o Project PTC.
Madali lang itong gamitin. I-click mo lang ang link na ito: tinyurl.com/ProjectPTC. Dadalhin ka niyan sa isang Google Sheet kung saan mo makikita ang pangalan ng mga volunteer teachers pati na rin ang kanilang mga email addresses, contact numbers, at ang kanilang rates. Karamihan sa kanila ay tumatanggap ng kahit anong halaga lang.
Nakalista na rin sa link na iyan ang kanilang mga teching experiences pati na rin ang kanilang mga schedules at kung available pa ba sila o puno na ang listahan ng kanilang mga tuturuan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong kausapin ang mga guro para magpatulong na turuan ang mga anak mo sa subjects tulad ng English, Mathematics, at Science (Grades 1-12). Mayroon ding mga gurong handang magturo ng Araling Panlipunan, computer programming, Social Studies, at Filipino—makikita mong lahat ng ito sa listahang inayos nila.
Bukod pa riyan, isinama na rin nila sa sheet ang maraming libreng online resources na pwede mong gamitin. May read-aloud stories, may audible books, at may printable worksheets din para sa mga preschoolers. Inilista rin nila ang accessible apps na pwede para sa mga batang visually impaired, deaf, dyslexic, at may iba pang reading difficulties.
Kaya naman kung nahihirapan kang siguraduhing natututo pa rin ang iyong mga anak ngayong wala silang pasok dahl sa community quarantine, huwag ka nang mag-atubiling bisitahin ang kanilang listahan.
Kayo? Paano niyo sinisigurong natututo pa rin ang iyong anak kahit nasa bahay sila? Anong mga techniques ninyo? I-share lang sa comments section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito: https://www.spot.ph/covid-19
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network