embed embed2
  • Paano Gumawa Ng Picture Cards At Flashcards Gamit Ang Plantsa

    Pwede mo itong gawin kung wala kang laminating sheet.
    by Ana Gonzales .
Paano Gumawa Ng Picture Cards At Flashcards Gamit Ang Plantsa
PHOTO BY iStock
  • Malaki na nga ang ipinagbago ng maraming bagay simula nang pumutok ang banta ng COVID-19. Mula sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine at social distancing, hanggang sa online grocery shopping at homeschooling. Marami sa atin ang kinailangang mag-adjust ng mabilis para sa ikabubuti ng ating pamilya.

    Isa sa mga kasalukuyang pinoproblema at ipinangangamba ng mga magulang ay kung paano maaapektuhan ng COVID-19 ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Paano nga naman ang school kung hindi pwedeng pumunta sa school?

    More from Smart Parenting

    Sa kasalukuyan, naghain na ang Department of Education (DepEd) ng ilang mga posibleng solusyon. Kasama riyan ang paglunsad ng kanilang online learning resource na tinawag nilang DepEd Commons.

    Pinag-aaralan din ng ahensya kung makakatulong ang pag-urong ng mga klase Agosto ngayong taon, sa halip na sa nakaugaliang Mayo o Hunyo. Tinitignan din ng DepEd kung pwedeng gamitin ang telebisyon at radyo para maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral kahit hindi pumupunta sa eskwelahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Habang wala pang pinal na inaanunsyo ang DepEd, ang mga magulang muna ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak. Kaya naman patuloy ang paghahanap ng mga magulang ng paraan para maging interesado pa rin ang mga bata sa aralin kahit nasa bahay lang sila.

    Sa Facebook page na The Inspired SAHM (Facebook: @inspiredsahm), marami kang makikitang mga resources para makabuo ng mga learning materials na pwede mong gamitin kapag tinuturuan mo ang anak mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa sa mga useful tips na naroon ay kung paano gumawa ng flashcards o picture cards kahit na wala kang laminating machine.

    Paano gumawa ng flashcards?

    Materials:

    • Papel na ilalaminate
    • Laminating sheet / pouch
    • Papel
    • Makapal na libro
    • Plantsa

    Paraan ng paggawa:

    Pumili ng mga larawan sa libro na gusto mong i-laminate

    Kung may mga lumang libro ang anak mo na pinagsawaan na niya, pwede mong gupitin ang mga larawan doon na gusto mong gamitin bilang flashcard.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwedeng tungkol sa letters o animals o 'di naman kaya ay numbers—depende sa gusto mong ituro sa anak mo. May mga printable resources din online na pwede mong gamitin kung may printer naman kayo.

    Idikit ang mga ginupit mong pictures sa background

    Pagkatapos mong gupitin ang ano mang hugis, letra, o numero, ididikit mo naman ito sa isang plain na background. Kung square na ang nagupit mo, hindi na kailangan ng background.

    Ilagay ang papel sa loob ng laminating sheet

    May mga laminating pouches na pwede mong bilhin sa mga online stores tulad ng Shopee at Lazada.

    I-adjust mo ito depende sa laki ng flashcards na gusto at kailangan mo.
    PHOTO BY The Inspired SAHM
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa The Inspired SAHM, mas maganda kung 250 microns ang kapal ng gagamitin mong laminating film o pouches dahil ito ang pinakamatibay na klase.

    Kung wala ka namang mabiling laminating pouches, pwede mong idikit sa matigas na karton o illustration board ang mga cards mo at balutin ito ng scotch tape.

    More from Smart Parenting

    Ipitin ang laminating sheet sa dalawang sheets ng papel

    Dahil plantsa ang gagamitin mong pang-init, kailangan mong protektahan ang laminating sheet para hindi direkta ang tama ng init ng plantsa.

    Iiipit mo ang laminating sheet sa papel para hindi ito masunog ng direktang init ng plantsa.
    PHOTO BY The Inspired SAHM
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diinan ng plantsa ang laminating sheet na nakaipit sa papel

    Kapag naiipit mo na, saka mo lang ito pwedeng diinan ng plantsa. Limang segundo lamang ang kailangan mo sa harap at likod ng laminating sheet.

    Limang segundo lang per side, mommy!
    PHOTO BY The Inspired SAHM

    Ipitin sa makapal na libro ang finished product

    Para sigurado kang matibay ang gawa mong flashcard, ipitin mo ito sa mga pahina ng isang makapal na libro. Ayon sa The Inspired SAHM, makakatulong ito para talagang flat ang flashcard mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ipitin muna sa makapal na libro para sigurado kang flat ito.
    PHOTO BY The Inspired SAHM

    Pagkatapos ng ilang oras, mayroon ka nang flashcards para sa mga anak mo. Maraming paraan para gamitin ang homemade flashcards na ito.

    Ito ang magiging itsura ng finished product!
    PHOTO BY The Inspired SAHM
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring gumawa ng tinatawag na Montessori Sandpaper Letters na makikita mo rin sa Facebook page ng The Inspired SAHM.

    More from Smart Parenting

    Totoong nakakatakot ang panahon ngayon—lalo na't hindi natin alam kung kailan ito matatapos at kung babalik pa ba tayo sa normal. Kung sakali mang ito na nga ang tinatawag na "new normal," kailangang maging handa at maging wais para hindi makompromiso ang pangangailangan ng pamilya.

    Payo pa ng The Inspired SAHM, huwag mong madaliin ang anak mo. "Minsan kasi, na-pi-pressure tayo mga mommies sa mga friends natin na nagpopost ng learning activities ng mga anak nila sa social media at gusto na din natin ganoon ang mga anak natin," kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview. "Hindi dapat pilitin ang bata na i-learn ang mga bagay na hindi pa siya ready."

    "Gawing enjoyable at hands-on ang mga activities na ibinibigay [mo] sa [iyong] mga anak. Huwag puro written worksheets ang activities. Kailangan developmentally appropriate ang mga activities na binibigay. Ang mga bata ay mas nag-eenjoy kapag ang lahat ng senses nila ay nagagamit. Mainam na manipulatives ang ibigay na activities lalo na sa mga batang nasa early childhood na stage (3-6yo)," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw, paano mo tinuturuan sa school ang anak mo? Anu ang mga ginagamit mo kapag oras na ng pag-aaral? I-share mo lang 'yan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang homeschooling basics at techniques.

    Para naman sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles