parental controls,internet safety,con-00391,data privacy act,data privacy,sc24,lch-00391,Data Privacy: Lahat Ng Dapat Mong Malaman,Politics,Political Issues & policy,People & Society,Social Issues & Advocacy,internet safety,Narito ang mga dapat mong malaman ukol sa data privacy.
ParentingReal Parenting

Data Privacy: Karapatan At Responsibilidad Ng Lahat

Gaano ka kasiguradong secured at hindi basta-bastang nagagamit ng iba ang personal information mo online?
PHOTO BYADOBE STOCK

“Safety starts with awareness; awareness starts with you.” Geographe Safety Compliance Services, 2018

Madali at mabilis ang paghahanap ng mga impormasyon sa tulong ng internet. Kasama rito ang mga impormasyon tungkol sa mga tao sa ating paligid, personal man natin silang kakilala o hindi. Dahil dito, komplikadong usapin ang data privacy. Bilang mga magulang, kailangang naituturo din sa mga anak kung gaano ito kahalaga. Sisikapin natin sa artikulong ito na talakayin kung ano ang data privacy at makapagbigay ng ilang tips para maprotektahan ang personal na mga datos na available online tungkol sa ating mga pamilya.

Ano ba ang Data Privacy?

Ayon sa United Nations, ang privacy ay nananatiling karapatang pantao sa digital age. Data privacy ang tawag sa proteksyon para sa personal na mga impormasyon. Kabilang dito ang implementasyon ng mga sistema at pamamaraang nakapag-iingat sa mga impormasyong ito laban sa malisyosong paggamit o pag-access sa mga ito nang walang permiso mula sa mga indibidwal.

Kasama sa mga personal na impormasyong ito ang sumusunod:

Contact Details
- Buong pangalan
- Email address
- Phone numbers (landline, mobile)
- Social media accounts

ID Numbers
- SSS number
- Driver's license
- Passport
at iba pa

Browsing History
- Online activities
- Search queries
- Mga binibisitang website

Financial Information
- Bank account numbers
- Credit card information
- Financial transactions

Health Records
- Medical history
- Treatment records
at iba pang mga impormasyong may kaugnayan sa kalusugan ng mga indibidwal.

Biometric Data
- Fingerprints
- Facial recognition data
- Iris scans

Online Activity
- Online interactions
- Social media posts
- Online purchases
- Digital communications

Kasama rin sa mga impormasyong ito ang kasarian, petsa ng kapanganakan o kaarawan, edad, civil status, at device information (laptop, PC, mobile at iba pa).

Karaniwang naka-post sa social media platforms ang ilan sa mga nabanggit na impormasyon. Pati ang mga larawan ng family vacations, mga negosyo, at iba pang pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Sa Pilipinas, mahigit sa 80% ng mga Pilipino ang gumagamit ng social media, na pangunahing dahilan naman ng paggamit ng internet ng karamihan.

watch now

Bakit Mahalaga ang Data Privacy?

Nakatutulong ang data privacy na protektahan tayo laban sa identity theft, cyberbullying, at iba pang panganib na dala ng internet. Ilan pa sa online threats ang hacking at data breaches. Lalong iniingatan ang mga kabataan na higit na aktibo online.

Mahalaga rin ang data privacy para sa mga negosyo. Kailangang ingatan ng mga kompanya ang impormasyon tungkol sa kanilang mga kliyente o customers.
Dahil universal concern ang data privacy, mayroong mga regulasyon at batas na nabuo ukol dito. Habang may General Data Protection Regulation (GDPR) noong 2018 ang European Union, taong 2012 naman naging batas ang lokal na Data Privacy Act, RA 10173.

Ang hindi pagsunod o paglabag sa mga ito ay mayroong karampatang parusa o penalties.

Bukod sa Data Privacy Act of 2012, nananatili ang bisa ng Konstitusyon, ng Civil Code of the Philippines, The Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, Human Security Act of 2007, at ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Makatutulong ding mas maipaliwanag sa mga Pilipino ang data privacy gamit ang sarili nating wika upang mas maunawaan ito ng nakararami. Katulad ng tinatalakay sa article na ito ng Ateneo de Manila, mas mapahahalagahan ng isang tao ang bagay na kanyang nauunawaan.

Ilan lamang ang talagang nakauunawa kung ano-ano ang mga nangyayari sa personal data na kinokolekta, ginagamit, at itinatago ng apps at websites na ginagamit natin.

May mga pagkakataong mahirap unawain dahil legal language ang gamit sa pinababasa sa atin. Sa ilang mga papel pananaliksik, ibinabahagi ng mga awtor na importanteng pagtuunan ng pansin ang data privacy upang makabuo ng ligtas at ethical na data ecosystem.

Ano-ano ba ang mga Karapatan natin bilang Data Subjects?

Sa ilalim ng Data Privacy Act, mayroong walong karapatan ang data subjects.

  • the right to be informed
  • right to access
  • right to object
  • right to erasure and blocking
  • the right to rectify
  • right to file a complaint
  • right to damages
  • the right to data portability

Kailangang alam natin kung ano ang ginagawa, saan, at paano ginagamit ang personal nating mga impormasyon. Hindi makatarungan ang pangongolekta at pagpo-proseso sa data nang walang consent ng mga indibidwal. Kailangan ding ipaalam sa data subjects kung mayroong breaches o kompromisong nangyari o nangyayari sa personal nilang data.

Para sa karagdagang mga detalye, maaaring bisitahin ang website na ito.

Ilang Paalala sa mga Magulang

1. Maingat at Responsableng Paggamit ng Internet

Kailangang alam mo kung ano-anong impormasyon ang ibinabahagi ng iyong anak online. Turuan silang itago ang sensitibong mga impormasyong maaaring magamit sa iba't ibang scams at modus online.

2. Privacy Policies at Pagbibigay ng Consent

Turuan din silang basahin ang privacy policies at unawaing mabuti ang permissions na ibinibigay nila sa apps at websites.

3. Kahalagahan ng Passwords at Security Features

Paalalahanan ang mga anak na gumamit ng passwords na hindi madaling hulaan ng ibang tao. Strong at unique passwords ang makatutulong sa pagpapanatiling ligtas at private ang kanilang accounts. Hindi rin nila dapat na ibinibigay ang passwords ng kanilang accounts sa kanilang mga kaibigan. Mainam din ang pagiging maingat sa pagpo-post sa social media. Ang paggamit ng two-factor authentication ay nakapagbibigay rin ng ekstrang seguridad sa accounts.

4. Monitoring at Parental Controls

Maaaring gumamit ng parental control tools upang ma-monitor ang online activities ng iyong mga anak. Maaari ditong ma-limitahan ang kanilang screen time, ma-block ang hindi kanais-nais na content, at ma-track ang websites na kanilang pinupuntahan. Basahin dito ang parental control tools para sa Google at Instagram. 

Ipaliwanag din sa kanila kung bakit kailangang alam mo ang kanilang online activities.

5. Security at Anti-Virus Programs

Siguraduhing updated ang devices at software na gamit mo at mayroong epektibong anti-virus at iba pang software na makapagpapanatili sa maayos at ligtas na paggamit dito. Basahin naman dito kung ano ang dapat gawin kung ikaw o ang anak mo ay na-scam.

6. Privacy Settings at Online Safety

Maging updated din sa mga online threats at sa wastong paggamit ng privacy settings ng iba't ibang apps at websites. Maraming mababasang mga artikulo tungkol dito. Mayroon ding mga workshops o lectures tungkol sa online safety at data privacy.

7. Maingat na Pag-Access sa Internet

Mag-ingat din sa paggamit ng Public Wi-Fi. Convenient man ito sa ilang pagkakataon, hindi pa rin tayo nakasisigurong ligtas itong gamitin. Iwasan din ang paggamit ng public wifi sa pag-access sa bank accounts at iba pang sensitibong mga impormasyon.

Bilang mga magulang, kailangang manatiling proactive at makipagtulungan sa komunidad, paaralan, at gobyerno na mapanatiling ligtas ang mga anak sa kanilang paggamit ng internet. Marami na ring tools na magagamit ngayon at resources upang mas maunawaan pa ang data privacy.

Alam mo bang bawal mag-post ang mga guro ng impormasyon ukol sa iyong anak sa social media? Basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close