embed embed2
  • TIGNAN: 7 First-Time Celeb Dads Na Ayaw Mawalay Sa Paningin Ang Anak

    Sila ay nagdidiwang ng Father's Day sa unang pagkakataon ngayong 2020.
    by Jocelyn Valle .
TIGNAN: 7 First-Time Celeb Dads Na Ayaw Mawalay Sa Paningin Ang Anak
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

    Ngayong 2020, ilang celebrity dads ang nagdiriwang ng Father’s Day sa unang pagkakataon. Kilalanin silang pito at tignan ang adorable photos kasama ang kanilang babies.

    Nico Bolzico

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagong taon nang isilang ng misis ni Nico Bolzico na si Solenn Heussaff ang una nilang supling. Baby girl ang panganay ng Argentinian businessman at Filipina-French actress/artist na pinangalanan nilang Thylane Katana.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aminado si Nico na nakuha ni Baby Thylane ang itsura ng mommy nito kaya #MiniSolenn daw ang sanggol. Biro niya pa sa kanyang Instagram post na hinihintay pa niya ang DNA results para makasiguro na kanya ang bata. Dagdag pa niya na gagawa na siya kaagad ng YouTube videos kung paano makaiwas sa mga magtatangkang manligaw pag nagdalaga na ang kanyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Erwan Heussaff

    Katulad ng kanyang brother-in-law, ito ang unang Father’s Day ni Erwan Heussaff, ang food vlogger/entrepreneur at younger brother ni Solenn. Nanganak ang kanyang movie-TV star wife na si Anne Curtis noong March 2 sa Australia. Dahlia Amelie ang ipinangalan nila sa kanilang baby girl.

    Habang nasa Australia silang mag-anak, sinamantala nila ang pagkakataon na tumutok sa pag-aalaga kay Baby Dahlia. Ipinasyal na rin nila ang sanggol sa mga kakahuyan ng bansa kung saan ipinanganak at lumaki si Anne.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Baron Geisler

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nahulog ang loob ni Baron Geisler nang makita niya sa unang pagkakataon ang panganay nila ng misis na si Jamie Evangelista pagkatapos itong isilang noong January 20. Ika nga ng aktor sa kanyang social media post, “in love” siya sa baby girl na pinangalanan nilang Talitha Cumi

    Sa iba pang posts ni Baron, sinabi niyang "mas in love" siya kay Baby Tali kesa kay Jamie, kaya humingi siya ng paumanhin sa kanyang Cebuana wife. Dugtong pa niya na nakakagigil sa pagiging cute ang kanilang sanggol.

    JC Santos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Puno ang Instagram account ni JC Santos ng mga litrato ng unang supling nila ng asawang si Shyleena Herrera, na nanganak noong March 23. River Altheia ang pangalan ng kanilang baby girl, ngunit tinatawag din siya ng kanyang daddy na “my little sunshine,” “my funny little cream puff,” “little mocha cheeks,” at #BossBaby.

    Sinusunod kasi ni JC kung ano ang gusto ng anak na para niyang boss. Kaya halos nakaw na sandali lamang ang pagtingin ng aktor sa kanyang mobile phone at panonood ng TV habang nagbabantay sa bata. Sa isip na lang din siya nagwo-work out dahil #DaddyDuties muna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Alex Medina

    Pagiging daddy ang bagong papel na ginagampanan ng aktor na si Alex Medina. Isinilang ng kanyang partner na si Monique Tolentino ang kanilang panganay noong May 23. Pinangalanan nila ang baby girl na Alexandria Mercedes, at Allie ang palayaw nito.

    Slater Young

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay ng babala si Slater Young sa kanyang Instagram account na invaded na ito ng “cutie pie” na nagngangalang Scott Knoa, at may palayaw na Scottie. Si Baby Scottie ang panganay ng Pinoy Big Brother 2012 winner at kanyang vlogger wife na si Kryz Uy

    Simula kasi nang manganak si Kryz nitong June 2 ay si Baby Scottie na ang laman ng social media platform in Slater, o kaya ang kanyang daddy duties. Kaya naman sambit niya sa caption, “Wala na kayong Slater na makikita dito.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Phil Younghusband

    Naging ganap na ama ang Filipino-British football sensation na si Phil Younghusband nito lamang June 12, Araw ng Kalayaan. Nagsilang ang kanyang misis na si Margaret Hall-Younghusband ng baby boy na tinatawag na nila ngayong Philip James

    Ibinahagi ni Phil ang magandang balita sa Instagram. Aniya, “Very proud to introduce Team Younghusband’s new signing Philip James Younghusband, named after his Grandad and Dad. Born in the early hours of June 12th. Mummy and Baby Philip are both very well and healthy. Margaret Younghusband and I are both overwhelmed with emotion for our bundle of joy. Thank you Baby Philip for making us the happiest Mummy and Daddy in the world.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles