Tagalog,humor,funny stories,funny,humor for parents,funny anecdotes,Parents Look Back On Their Funniest Lutang Moments,school,parenting,back to school,humor,funny,mental health,Mama niyo pagod na!
ParentingReal Parenting

Tawa Muna! Parents Share Their Funniest 'Lutang' Moments: 'Pumirma Ng Cheke Sixty-S*x Nailagay Ko'

Yung totoo, parents: Kulang sa tulog o kulang sa tulog?
PHOTO BYSHUTTERSTOCK

Tinanong namin ang mga parents sa Smart Parenting community kung naaalala pa nila ang kanilang funniest lutang moments. May mga magulang na nagsundo ng anak sa school na baliktad ang pantalon, at meron ding napa-sign of the cross sa harap ni Jose Rizal.

Magpahinga muna at tumawa ngayong World Mental Health Day, dahil kahit madalas lutang at kulang sa tulog, mahalaga ka.

Funniest 'lutang moments' of parents

Back-to-school

"Naghatid-sundo ako sa school, baliktad pantalon." -Ann T.

"Long hair yung son ko, buhok niya yun mula baby hanggang mag 6 years old siya. Pinagupitan namin siya kasi mag-start na siya sa big school. Eto na, first day ng school, uwian na hinahanap ko siya. Tanaw ako ng tanaw kung asan sya. 12 lang naman sila sa batch nila pero di ko talaga siya makita. Hanggang may isang bata na lumapit sa akin, kalabit ng kalabit. Di ko sya pinapansin kasi busy ako sa paghanap sa anak ko. Narealize ko nalang tinatawag nya akong "Nanay." -Sheillanie C.

'"Yung sinundo ko anak ko sa school... nilagay na sa loob ng car yung gamit niya. Palabas na ako ng school nang makita ko yung anak ko hinahabol sasakyan namin." -Claire T.

"Yung time na-stuck ako sa traffic for almost an hour para ihatid sa school yung dalawang anak ko only to realize nung nasa school na ako na absent nga pala sila pareho. Ang tagal ko naghintay sa traffic mga mars!  -Isabel P.

"Ako ung damit ng preschooler ko naitapon ko sa basura. -Fairy B.

RELATED: These Funny Back To School Moments Are Perfect Stress Relievers!

Household chores

"Lagi akong nagsasaing sa  rice cooker tapos akala ko napindot ko ang 'cook rice,' tapos kakain na kami  walang kanin kasi bigas pa." -Marifel G.

"Yung sabi ng pinsan ko paki-plantsa yung mga pang office niya na uniform kasi may gagawin lang siya. Imbes na yung kabayo ang ilalabas ko, yung folding bed yung nilabas ko tapos nilatag ko pa. Sabi ng pinsan ko, "Ay, matutulog ka ba." -Wun Y.

"Nag-iigib ako from poso to drum. Imbes sa drum sa inidoro ko binubuhos. Na-realized ko naka-tatlong balik na ako." -Thina E.

"Nilagay ko sa ref ang tabo na walang laman." -Opal S.

watch now

"Kahit sino natatawag kong "anak" kahit matanda sa akin hahaha." -Ana C.

"Nag-saing sa rice cooker, nakalimutan ilagay ang cover." -Michelle S.

READ ALSO: Dishwashing Liquid Sa Kawali Imbis Mantika!’: Parents Share 'Lutang' Stories

Work, work, work

"Sinusian ko yung elevator gamit susi ng bahay, imbes na pindutin ko lang yung going up -Juvy A.

"Iyong pumirma ka ng cheque, imbes na sixty-six, sixty-s*x nailagay mo! Way back 2019. Kulang kasi sa tulog that time. Natawa na lang nang nireview." -Cyrus D.

"I said, "Have a nice weekend!" to my boss on a Monday morning ending a call." -Cheryl P.

"May nag-offer sa akin ng seat sa train, then after ilang stop, nakahanap siya ng vacant sa tapat ko, pagdating sa station ko, inalok ko siya ng upuan ko. Nakaupo na nga aalukin pa." -Nadia A.

"Nag-motor ako papasok ng office tapos naglakad ako pauwi. Buti na lang hindi pa ako nakakalayo nung maalala ko na nag-motor pala ako." -Karen C.

READ ALSO: Sabaw, Lutang, Mommy Brain: Totoo Lahat ’Yan, Sabi Nina Sheena Halili, Max Collins, Atbp

Mama niyo pagod na

"Kakain sana ulam Milo, tapos magtimpla ng Tang juice sa baso. Nabliktad, ang nabuhos sa kanin, imbes na Milo, yung Tang juice." -Rissa D.  

"Nagpakain sa bisita walang sinerve na inumin. Balakayodyan!" -Ron S.

"Nag-sign of the cross ako sa monumento ni Rizal sa Luneta. Saka sa guard house pagpasok ng village. -Candy R.

"Inihatid ako ng tatay ko sa sakayan ng jeep, naka-motor kami. Pagsakay ko ng jeep, nakatingin sa akin si ate at parang ngumingisi-ngisi pa sya. Di ko nalang pinansin. Maya-mayang konti naramdaman ko na parang may mabigat sa ulo ko. NAKA-HELMET PA PALA AKO. Si ate naman di man lang sinabi!" -Abbey P.

"Wayback 2019, dinner time. Kumakain ako ng dinner with my husband and my eldest. My youngest that time was 6 months old, natutulog na sa kwarto. Biglang lumindol. Kinarga ng husband ko yung eldest namin papalabas ng kitchen at ako'y tumakbo na rin palabas ng bahay. Noong nakita ako ng husband ko sumigaw siya ng, "Yung anak mo natutulog sa kwarto, bat di mo inilabas!!!!" Bumalik ulit ako sa room at kinarga ang natutulog kong baby." -Belen B. 

Sleep and mental health

Maaaring nakakatawa ang mga lutang moments na ito, pero minsan, itong mga ganitong pangyayari ay senyales ng brain fog, o may mga needs na kailangang punan ang isang tao. Maaaring tulog o pahinga. Ito ang ilan sa mga pwedeng gawin upang mabawasan ang mga ganitong moments ayon sa Very Well Mind:

1. Magkaroon ng sapat na tulog. Nasa 8-9 oras na tulog ang kailangan natin, ngunit kung hindi ito posible, siguraduhing makapag-nap o siyesta sa araw.

2. Umiwas sa multi-tasking. Nakaka-drain ito ng energy, at mas mainam pang mag-focus muna sa isang task.

3. Magpahinga. Hindi masama na magpahinga kahit ilang minuto lamang sa isang araw. Pumikit, maglakad, o magmuni-muni. Heto ang guide sa mga self-care products for moms at syempre, dads.

Tulog-tulog din pag may time, parents! Tips para magkaroon ng sapat na tulog, here.

At kung gusto niyong magkaroon ng chance na manalo ng P5,000 Lazada vouchers, sagutin lamang ang survey na ito.


Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close