Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sino Ang Pinaka-Relatable Celebrity Mom? 5 Na Maaaring Sabihin They're (Almost) Like Us

    Hindi sila nalalayo sa kanilang online followers na kapwa nila mga ina.
    by Jocelyn Valle .
Sino Ang Pinaka-Relatable Celebrity Mom? 5 Na Maaaring Sabihin They're (Almost) Like Us
PHOTO BY @rochellepangilinan @and andieigengirl via Instagram
  • Celebrity sila Andi Eigenmann, Chynna Ortaleza, Saab Magalona, Rochelle Pangilinan, at Pokwang, pero hindi sila ganoong naiiba sa mga tulad nilang mga ina. Batay sa kanilang mga Instagram feed, marami silang ibinabahaging motherhood experiences, concerns, at joys na swak sa mga pinagdadaanan at inaalala din ng mga kapwa nila mommies. Madalas na kinapupulutan sila ng aral at kinagigiliwan ng kanilang followers. 

    Andi Eigenmann

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilang isang breastfeeding mom ay naniniwala si Andi Eigenmann na “breast is definitely best,” ayon sa isa niyang Instagram post. Ngunit diin niya na “no judgments” sa mga hindi nagpapasuso dahil ang panganay niya na si Ellie ay “formula fed from 2 months up” at lumaki naman daw itong matalino at malusog.

    Sa kanyang second baby girl na si Lilo, tuloy-tuloy siya sa pagpapasuso simula nang ipanganak ito noong July 2019. Inamin niya na isa iyon sa kanyang struggles, lalo na kapag nasa public place sila at humingi ng gatas ang sanggol. Mabuti na lamang daw at nalampasan na niya ang parteng iyon.

    Lahad niya, “Now I can even feed her as I am wearing her. Hehe also figured out my way around the pumping switch. I just stopped using the electric pump and stuck to the manual one, AND specially the glorious haakaa! Life saver. I get to collect 4 oz in just 5 minutes or less!”  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Chynna Ortaleza

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nanganak si Chynna Ortaleza sa second baby nila ng kanyang mister na si Kean Cipriano noon lamang September 2019. Kahit na maraming demands ang pagiging mom kay Baby Salem, sinisikap niya na buo pa din ang pagtingin sa panganay nila na si Stellar, 4 years old sa darating na April. 

    Sa isang Instagram post ni Chynna, ipinapakita ang hilig ni Stellar sa pagsasayaw at pakikiuso sa Tala dance craze, na inspired sa dance moves ng “Tala” singer na si Sarah Geronimo. Gusto din ng bata na sabayan siya ng kanyang mga magulang sa pagsasayaw, kahit pa aminado ang GMA-7 actress at TV host na mas marunong gumalaw ang asawa niyang rock star at aktor din.

    Pahayag ni Chynna, “Napasubo kami e! Pag sinabi ni Stellar na dance with me Mommy & Daddy wala kaming choice. Dito pa lang surrender nako...mas magaling si @kean magsayaw kesa sakin. Hahahahahaha!”

    Dagdag pa niya sa supportive nilang head of the family, “Mahal ka namin Daddy! Hindi ka namin ipagpapalit kahit kanino.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Saab Magalona

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga para kay Saab Magalona hindi lamang ang kalusugan ng kanyang katawan ngunit pati rin ang pagmamahal dito. Kaya naman three months pagkatapos niya isilang noong September 2019 ang second baby nila ng kanyang mister na si Jim Bacarro ay bumalik sa siya sa kanyang fitness routine. 

    Aniya sa isang Instagram post, “I’m still 20 lbs overweight at 3 months postpartum. I started working out again today not because I want to ‘bounce back’ or get rid of my ‘mom bod.’ In fact, I am in love with my body.”

    Dugtong niya, “I am in absolute awe of the thin scar below my belly. Of the shiny, squiggly lines that mark the carriage of 3 beautiful children. Of the dark green ones that are on proud display as my milk flows freely.”

    Halos dalawang taon bago ipanganak ang second baby niyang si Vito ay ipinagbuntis ni Saab ang fraternal twins na sina Pancho at Luna, pero ang panganay na si Pancho lamang ang nakaligtas nang isilang sila noong February 2018.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Saab sa pagbabalik sa kanyang fitness routine, “I started working out again because I want this body to stay strong for my boys. As they say, the strength of a mother is second to none.”

    Rochelle Pangilinan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula nang iluwal ni Rochelle Pangilinan ang unica hija nila ng mister na si Arthur Solinap noong February 2019 ay naging laman na ito ng kanyang Instagram feed. Isa ito sa mga paraan na naipapakita ng dancer-turned-actress ang lubos niyang pagmamahal at pag-aalaga sa batang tinatawag nilang Shiloh Jayne

    Pahayag ni Rochelle sa isang Instagram post tungkol kay Baby Shiloh, “You are truly an angel who has brought so much happiness to our lives.”

    Ang mga laro nilang mag-ina ay sadyang nakakatuwa. Aniya sa isa pang Instagram post, “Masakit pero masaya. Magpapindot sa ilong.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pokwang

    Maraming mommies ang nakaka-relate sa Instagram posts ni Pokwang na nagpapakita ng kakyutan at kakulitan ng kanyang bunsong anak na si Malia, 2 years old sa January 18. (Ang ate ni Malia na si Mae-Mae ay 23 years old habang sumakabilang-buhay ang kanyang kuya Shin noong 1998). 

    Nariyang uutusan ang anak na kumanta o di kaya ay kakantahan ang anak. Sambit niya sa isang video post, “Yung mas marunong pa sayo kung ano dapat kantahin? Hahahahaa naku #tisayngmasa @malia_obrian sarap mo kagatin!!!!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinatawag ni Pokwang na Tisay ng Masa ang kanyang anak dahil ibang lahi ang tatay nitong si Lee O’Brian, isang American actor na current partner naman ng ABS-CBN comedienne.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles