embed embed2
  • Sobrang Kulit Ng Anak? Ito Ang Mga Tips And Tricks Ng Mga Mommy

    Gawan muna ng mga paraan bago mawalan ng pasenya.
    by Jocelyn Valle .
Sobrang Kulit Ng Anak? Ito Ang Mga Tips And Tricks Ng Mga Mommy
PHOTO BY Shutterstock
  • Sinasabing likas sa mga bata ang maging makulit, lalo na kung toddler. Pero minsan, nasusubukan talaga ang pasensya ng magulang sa kakasaway at kakasita, kaya sumasakit ang ulo kakaisip at kakagawa ng paraan kung paano pa madidisiplina ang batang makulit.

    Ganyan ang sitwasyon ng maraming mommy sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph. Kuwento ng isa sa kanila: “Baby girl ko, super kulit. She’s only 2 years old, pero grabe talaga sa kulit. Nasasaway naman, pero grabe talaga.”

    Dagdag pa niya, “My mom, who used to take care sa mga pamangkin ko, pati ’yung isa kong tita, lahat sila sinasabi na wala daw silang naalagaan na kasing kulit ng baby ko. Ask ko pedia niya kasi baka nga may ADHD.”

    Sabi naman ng isa pang mommy, “’Yung eldest ko no’ng baby pa siya, medyo makulit din, maingay pa. Akala namin may ADHD rin. Itong daughter ko, mas sobra sa kakulitan kaysa sa kuya niya. I think normal behavior lang ang kakulitan ng mga bata, pero depende ’yan sa discipline niyo sa kanila.”

    Kailan dapat mabahala sa batang makulit

    May paalala si Dr. Ma. Theresa Arranz-Lim, isang developmental and behavior pediatrician, sa mga magulang bago mag-isip ng kung ano-ano. Aniya, nagiging mali ang intindi ng mga magulang sa attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) kung masyadong mataas ang expectations nila para sa edad ng kanilang mga anak.

    Ang two-year-old daw, halimbawa, “malikot, makulit, defiant, will not obey right away.” Saad pa ng doktora, na co-founder ng ADHD Society of the Philippines sa interview niya noon sa SmartParenting.com.ph: “And that’s what a child with ADHD is like at 6 years old.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karaniwan daw lumalabas ang mga senyales ng ADHD sa panahong papasok na ng preschool ang bata. Ang 4-year-old daw kasi ay marunong nang mapagsabihan na pumirmi sa upuan ng mula 15 hanggang 20 minutes. Para sa 6-year-old, kakayanin ang isang oras na pakikinig sa klase.

    Lahad ni Dr. Arranz-Lim, "Diagnosis is around 4 to 6 years old, but parents see the trend of their child's behavior over time.”

    Mga paraan ng mommy kontra sa pangungulit ng anak

    Ibinahagi ng isang mommy ang ginagawa niyang diskarte: "Kapag di ko na kaya, si hubby na pinapa-intervene ko. Kasi sa boses pa lang ng daddy, matatakot na sila but at times na di puwede sumigaw si daddy at di puwedeng takutin ng spanking rod."

    Quiet discipline

    Dagdag pa ni mommy: "You know what i do para mag tame sila? Nagso-storytelling ako na involve ang makulit na kid tulad nila. They listen. They will shoot many questions. 'Yun 'yung time na puwede ka mag 'quiet' discipline.

    "Mahirap... sobra... paulit-ulit-ulit pa 'yan.. Pero napansin ko kasi mas overpowered mo sila kapag hindi ka sumisigaw. Patience talaga ang kailangan natin badly."

    Sang-ayon ang isa pang mommy na sikaping huwag sigawan ang bata. Iwasan din daw ang pamamalo. Bagkus ito raw ang dapat gawin: "Give them something to make them busy like construction toys (Lego set), paper and crayon. Medyo magme-mellow down 'yan."

    Talk with authority

    Makakatulong din daw kung kakausapin ang batang makulit habang ipinapakita na 'you are in command.' Diin niya, "Ipakita niyo sa kanila na pag sinabi mo, gagawin mo.  I always warn my daughter at alam niya pag galit na ako, mapapalo siya. Sa kamay lang 10 times. Siyempre with love 'yung palo pero showing that I mean it."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Komento pa niya, "Sobrang talino na ang mga bata ngayon. The more you push them, the more they'll do it.  Never say that 'you are so kulit' kasi they tend to remember that kaya nagiging makulit talaga."

    Enjoy having a toddler

    May ibang pananaw naman ang isa pang mommy: "Mami-miss n'yo ang mga kakulitan ng anak pag malaki na 'yan. 'Yun eldest ko, medyo na-miss ko na nga kasi big boy na siya."

    Pagbabalik-tanaw pa niya: "He's our baby for 7 years bago ako nagka-baby ulit.  Ngayon hindi na nagpapaakap at may sarili ng mundo." Kaya enjoy lang daw ang panahon kasama ang batang mukulit.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles