-
Wellness Paano I-handle Ang Stress? Heto Ang Ilang Epektibong Paraan Ayon Sa Mga Eksperto
-
Love & Relationships 'My Husband Went Through Online Counselling To Save Our Marriage'
-
Toddler Toddler Masturbation Happens! 5 Signs When You Need To Worry
-
Labor & Childbirth Mom Believed the Opinions on Her Facebook Group. She Gave Birth to a Stillborn Baby
-
Ang Ganda! Silipin Ang Bagong Preschool Na Ito Sa Mandaluyong
Mayroon silang kumpletong learning facilities, caregivers, nurses at mga mababait na educators.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Cristine Campos
Hindi na bago sa amin ang mga ibinabahaging experiences at reviews ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na kami namamangha sa mga nahahanap nila.
Kamakailan ay ibinahagi ni mommy Cristine Campos sa Village ang experience nilang mag-ina sa Cascades International School (Facebook: @CascadesInternationalSchool). Sa kanyang post, binanggit niya na hindi typical na toddler ang kanyang anak. "He’s cautious, gentle and can easily sense danger. I secretly wish him to be more adventurous, to be reckless like the other kids his age, to try bigger slides and to run carelessly," kwento niya. Dagdag pa ni mommy, wala namang problema sa kanyang anak, hindi lang talaga ito body active.
Kaya naman masaya siya nang malaman niya ang tungkol sa Cascades International School. "It’s a Reggio-Emilia inspired center where kids are exposed to a wide variety of educational opportunities that encourage self-expression, communication, logical thinking, and problem-solving," sabi niya sa kanyang post.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWThe environment helps kids learn! Check out this beautiful play area.PHOTO BY courtesy of Cristine CamposCONTINUE READING BELOWRecommended VideosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa Cascades International School, mga batang edad 2 1/2 hanggang 5 1/2 ang magsasama sa isang classroom. Ayon sa website ng paaralan, ang ganitong setup ang magbibigay sa mga bata ng pagkakataon para makihalubilo sa iba’t-ibang types at levels ng mga istudyante. magandang paraan din ito para maranasan ng mga bata kung anong pakiramdam ng nakadepende at dumidepende sa iba.
PHOTO BY courtesy of Cristine CamposADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKwento ni mommy Cristine, "I loved the school’s approach and the environment and I believe this is where my son will flourish." Dagdag pa niya, maraming paraan para matuto.
Kids also learn independence and responsibility in this school.PHOTO BY courtesy of Cristine CamposHinangaan din niya ang mga educators sa Cascades International School dahil sa pagiging passionate nila. "You can see how they listen to your kids. And I think that’s an important aspect," pahayag ni mommy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgunit gaano man kaganda ang interior ng paaralan at gaano man kabait ang mga guro, hindi mo pa rin maaalis sa mga ina na mag-alala.
Kids are served delicious and healthy food.PHOTO BY courtesy of Cristine CamposPara kay mommy, inisip niya kung paano kapag oras na ng pagkain o hindi naman kaya ay gustong umidlip ng anak niya. Napanatag ang loob niya nang malaman niyang provided na ang pagkain ng mga bata at may mga mag-aalaga rin sa kanila. "The school provides healthy lunches, children can nap when they need to — there’s a nice room set up for kids’ down time and they can sleep comfortably," pagbabahagi niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWThey can take a nap whenever they need to.PHOTO BY courtesy of Cristine CamposMayroon ding mga caregivers at nurses sa school kaya hindi mo kailangang mangamba kung may pagkakataon mang sumama ang pakiramdam ng anak mo habang nasa school siya. Kwento pa ni mommy, kagagaling lang sa sakit ng anak niya kaya marami siyang pangamba, pero mayroong care alternatives ang Cascades International School na nakatulong.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Cristine CamposSiniguro nilang malinis ang bata at nakakainom ito ng gamot at nakakakain ng tama. Dagdag pa ni mommy, pwede ring paliguan ng mga carers ang mga bata sa school bago sila umuwi sa bahay pare diretso tulog na lang.
Sa ikatlong araw ng pagpasok ng anak ni mommy sa school, halos ayaw na nitong umuwi at active nang nakikipaglaro sa ibang mga bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng best part naman, ayon kay mommy, ay ang lounge sa school kung saan pwedeng magtrabaho at magrelax ang mga magulang. Ayon kay mommy, unlimited ang coffee, may wi-fi connection, at unlimited time din kasama ang iyong anak. "Best, best part of it all? If you don’t have a yaya like me, you can free yourself from any guilt and leave them in school to take some mama me time!" kwento niya.
Bisitahin ang Cascades International School sa cascades.ph. Pwede ka ring tumawag sa kanilang numbers: +63 927 029-3996 o +63 919 581-9862. Ang landline number nila ay (+632) 8253-1910. Bukas sila mula 8 ng umaga hanggang 6 ng gabi.
Kasalukuyan bang naka-enroll ang anak mo sa Cascades International School? Kumusta ang experience niya? I-share lang ito sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network