Tagalog,adolescents,greener,board of experts,behavioral development in adolescence,Dr. Faith Alcazaren, Pediatrician,Behavioral Development In Adolescence | Smart Parenting,adolescence, puberty, behavioral development in adolescence, nagbibinata, nagdadalaga, developmental milestones,Mainam na malaman ang behavioral development in adolescence nang mas maintindihan ang anak na nagdadalaga o nagbibinata.
ParentingTweens & Teens

Nagbibinata Na Ang Anak? 5 Tips Para Harapin Ang Behavioral Development In Adolescence

Dahil hindi na siya batang-bata, pero papunta pa lang sa pagiging adult.
PHOTO BYfreepik/cookie_studio

"Hindi na bata." Iyan ang kadalasang sinasabi kapag nagdadalaga o nagbibinata na ang anak. Pero habang papunta siya sa pagiging adult, may pinagdadaanan pang behavioral development in adolescence na kailangan ding maintindihan ng magulang.

Ang adolescence ay ang yugto sa buhay na nangyayari sa pagitan ng childhood at adulthood, mula edad 10 hanggang 19, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sabi ng iba pang mga eksperto, nagsisimula ang adolescence kasabay ng puberty at nagtatapos hanggang kalagitnan ng edad 20s. Ang puberty naman ang panahon kung saan nagma-mature ang physical at sexual characteristics ng bata dahil sa mga pagbabago sa kanyang hormones.

May tatlong yugto, o stages, ang adolescence:

  • Early adolescence (10 to 14 years old)
  • Middle adolescence (15-17 years old)
  • Late adolescence (18 to 21 years old)

(Basahin dito ang tungkol sa bawat yugto.)

Base naman sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), may  developmental milestones sa panahon ng adolescence para sa young teens (12 to 14 years old) at para sa teenagers (15 to 17 years old).

Behavioral development in adolescence

Sa panahon ng adolescence, lahad ni Dr. Faith Alcazaren, napakaraming pagbabago ang nagaganap sa lahat ng aspetong development. Paliwanag ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na sanhi ang mga ito ng hormonal changes na nagre-resulta sa maraming pagbabagong pisikal at emosyonal.

Ang mga binatilyo, halimbawa, ay tinutubuan ng bigote (facial hair) at buhok sa ibang parte ng katawan (public hair) habang lumalalim ang kanilang boses. Samantala, tinutubuan na rin ng pubic hair ang mga dalagita habang nagkakasuso at dinadatnan na ng regla, o menstruation.

Sa puntong ito, mas inaalala ng mga kabataan ang kanilang itsura at body image. Kapansin-pansin ang kanilang pagiging bugnutin, o moody, at pagiging mas interestado sa barkada. Nababawasan ang paglalambing sa kanilang mga magulang at nasasabihan pa silang bastos o di kaya masungit.

Nagiging interesado ang mga kabataan na makipagsapalaran, o maging adventurous, pero hindi pa nila matantya ang kanilang mga limitasyon at kung ano ang mga mapanganib. Kaya nabubuyo silang gumawa ng mapanganib na bagay, o dangerous stunts. Sumusubok din silang manigarilyo at uminom ng alak, pati na droga kung minsan.

watch now

Normal ang lahat ng mga ito, sabi ni Dr. Alcazaren, bilang resulta o epekto ng lumalagong parte ng kanilang utak na tinatawag na forebrain. Malaki ang papel na ginagampanan ng forebrain sa pagproseso ng impormasyon na may kinalaman sa complex cognitive activities; sensory at associative functions; at voluntary motor activities.

Sa kabilang banda, nagkakaroon na ng kakayahan ang mga kabataan sa mas kumplikado at malalim na pag-iisip (complex thought). Kaya nagiging passionate sila sa kanilang mga paniniwala. Malakas ang pagkilala nila sa tama at mali, at naipapahayag ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng pananalita.

Mga dapat bantayan

"Very challenging," ika nga ni Dr. Alcazaren, ang pagharap sa adolescence hindi lang para sa mga kabataan bagkus pati na rin kanilang mga magulang. Payo ng doktor na maging alerto sa mga senyales ng depression sa iyong anak, tulad ng:

  • Labis na pagtulog
  • Biglang pagbaba ng mga grado sa eskuwelahan at iba pang pagbabago sa academic performance
  • Kataka-takang pagbabago sa eating habits
  • Kawalan ng interes sa dating hobbies o social activities
  • Paglayo ng loob sa pamilya, o ayaw makisalamuha sa bahay
  • Sobrang pagiging moody
  • Sobrang sensitive kapag napupuna o nababatikos
  • Pakiramdam na walang saysay ang buhay, o pagiging worthless

Paano matutulungan ang teenager na anak

Narito ang mga payo ni Dr. Alcazaren para magabayan ang nagbibinata o nagdadalaga sa pamilya:

1. Magkaroon ng bukas (open) at tapat (honest) na koneksyon sa anak.

Ang ganitong tiwala (trust) at kalakip (attachment) ay nahuhubog sa unang sampung taon ng buhay. Mainam na kausapin ang anak tungkol sa drugs, sex, alcohol, at depression hangga't maaga. May kabigatan ang mga ganitong paksa, pero mahalaga na malaman mo kung ano ang iniisip ng anak tungkol sa mga ito at matulungan siyang makapagdesisyon nang tama.

2. Kausapin ang anak tungkol sa kahalagahan ng pagpili ng mga kaibigan at barkada.

Sa ganitong paraan, mas pipiliin niyang makipagkaibigan sa mga nalilinya sa wholesome activities. Mas iiwasan naman niya iyong mga tumutulak sa kanyang gumawa ng mga maling desisyon.

3. Gumawa ng mga malinaw na alituntunin sa bahay.

Kung kayang ipatupad, halimbawa, ilagay ang lahat ng gadgets, TV, o di kaya laptops sa common areas para sa accountability. Kausapin ang anak tungkol sa boundaries sa bahay at sa paggamit ng internet. Gawin ito nang maaga, o iyong sa umpisa pa lang ng adolescence, para matulungan ang anak na gumawa ng "informed choices."

4. Bigyan prayoridad ang pagsasalo ng pamilya sa hapag-kainan.

Ito ang pinakamainam na oras para makapag-usap ang anak at buong pamilya.

5. Gawing regular ang one-on-one date sa anak.

Mainam itong oportunidad para makilala nang husto ang iyong binatilyo o dalagita. Kalimutan muna ang judgment at criticism nang ma-enjoy ang panahong makabuo ng matatag na bigkis, o bond. Habang tumitibay ang tiwala sa inyong relasyon, maipapakita mo na hindi siya nag-iisa sa kanyang mga pinagdadaanan, na kadalasan ay may kinalaman sa behavioral development in adolescence.

Basahin dito ang iba pang mga bagay tungkol sa pagpapalaki ng teenager.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close