discipline strategies,teenagers,Tagalog,discipline tips,evergreen,discipline techniques,Discipline Technique Na Hindi Epektibong Gawin Sa Teenagers,how to discipline teens, discipline strategies for teens, confiscating phones, paano disiplinahin ang anak, pagdisiplina sa teenager,Hindi inirerekomenda ng mga eksperto sa mga magulang na gamiting panakot ang pagtatago ng cellphone bilang parusa o paraan ng pagdidisiplina sa anak.
ParentingTweens & Teens

Pagkuha, Pagtago Ng Cellphone: Hindi Epektibong Pagdisiplina Sa Teenager

Ayon sa ilang eksperto, mas nakakasama kaysa nakakabuti ang ganitong discipline technique.
PHOTO BYshutterstock

Sinasabi na isa sa mga pinakamahirap na parte ng pagpapalaki ng anak ang kanilang teenage years. Nariyan ang konsepto ng 'teenage angst' gayundin, dito umano nagsisimula ang 'rebellious stage.'

Sa ganitong edad, maaaring mas mahirap silang pasunurin o mas nagkakaroon ng mga pagkakataong sumusuway sila sa mga magulang.

Ano man ang edad ng anak, may paniniwalang epektibong paraan ang pagbibigay ng parusa upang maituro ang disiplina. At sa kaso ng mga teenager, isa ang pagkuha at pagtatago ng kanilang cellphone sa mga madalas na ginagawang parusa ng mga magulang.

Bakit sinasabing hindi epektibong discipline technique ang pag-confiscate ng cellphone

Hindi masisisi ang mga magulang sa pag-aalala kapag nakakapansin sila ng hindi kaaya-ayang pagbabago sa ugali ng anak nilang teenager. Normal na gumawa sila ng paraan upang maitama ito.

Pero kung paparusahan ang anak, iwasan umanong gamitin ang pag-confiscate ng kanilang cellphone bilang discipline technique. Ayon kasi sa Child Mind Institute, maaaring makasama pa ito, kaysa makabuti ng relasyon ng anak at magulang.

Paliwanag ng nasabing non-profit organization, maaaring maisip ng mga magulang na mabisang paraan ito upang matuto ang sumuway na anak lalo't mas madalas na nakatutok sa mga cellphone nila ang mga kabataan at ayaw nila itong mawala.

Ngunit ito rin daw mismo ang dahilan kung bakit imbes na makabuti, makasama pa ang ganitong discipline technique.

"When their phone is taken away, they associate this as taking away a part of themselves rather than a punishment for bad behavior."

Ayon kay Danah Boyd, PhD, isang principal researcher sa Microsoft Research New England, sa panahon ngayon, maihahalintulad ang oras na ginugugol ng kabataan sa cellphone at internet sa oras kung kailan sila nakikihalubilo sa mga kaibigan sa mall at iba pang pasyalan.

Dagdag pa ng kapwa niya researcher na si Alice Marwick, PhD, co-director sa McGannon Center for Communication Research sa Fordham University, malaki ang naiaambag ng social media ngayon sa development ng mga teenager lalo kung sasabayan ng paggabay ng mga magulang.

Ani pa ni Dr. Marwick, "They (teenagers) try on identities, they posture, they perform. And many of those things, when parents take them out of context, may seem problematic—when they’re posting profanity, slang, selfies—but when you actually see what the young person is doing, they’re experimenting with an identity, which is a very typical and healthy part of adolescent development."

watch now

Mahalaga rin daw para sa mga teenager ang pagkakaroon ng linya ng komunikasyon sa mga kaibigan na nabibigay ng kanilang mga cellphone.

Ano ang maaaring negatibong epekto ng ganitong parusa?

Imbes na matugunan maaaring lumaki pa ang problema kung puwersahang ihihiwalay ang anak sa kanilang cellphone.

Babala ng psychologist na si Beth Peters, PhD, kapag inalis ng magulang ang linya ng komunikasyon ng anak sa kanilang mga magulang, pwede itong maging sanhi ng "major emotional backlash, a breakdown of the parent-child relationship."

Maaari rin umano itong maging mitsa ng pagiging hindi tapat ng anak sa magulang. "You’re really setting yourself up for a dishonest teen because they need that contact and will resort to sneaky behavior to get it," paliwanag ni Dr. Peters.

Sang-ayon dito ang tech writer na si Delfina Forstmann. Sa kaniyang blog, pinaliwanag niya kung ano ang nasa isip ng isang teenager kung kukunin o itatago ng magulang ang kanilang cellphones.

"They (teens) consider their phones as an extension of themselves which allows them to perform various tasks and interact with members of their social circle.

"When their phone is taken away, they associate this as taking away a part of themselves rather than a punishment for bad behavior. To them it’s unjust."

Sa kabila ng mga ito, kailangan ma-klaro na kailangan pa rin ng mga magulang na bantayan ang paggamit ng cellphone ng mga anak. Sa tamang paggabay, marami ang mabuting naidudulot ng cellphone at ng internet sa kaalaman ng bata. Ngunit gaya ng sa ibang mga bagay, lahat ng sobra ay masama.

Kung hindi pagkuha ng cellphone, ano ang maaaring gawin ng mga magulang?

1. Magbigay ng naaangkop na parusa

Ayon sa parent-teen communication researcher na si Andy Earle, imbes na gawing 'go-to punishment' ang pagkuha ng cellphone ng anak, mas makakabuti umano kung i-aaayon ang parusa sa nagawang pagkakamali.

Halimbawa niya ay kung hindi sumasabay ang anak sa pagkain, ang mas naaangkop na consequence nito ay huwag magtabi ng tirang pagkain at hayaan ang anak na magluto ng sarili niyang makakain.

Paliwanag ni Earle sa isang article, "If they simply lose their phones for every mistake they make, they will get used to losing their phones instead of thinking about how to change their actions."

2. Magkaroon ng mahinahon na pag-uusap

Mas mainam din umano na idaan sa usapan kung may nagagawang hindi maganda ang anak. Madalas na nauuna ang pagpuna kapag sumusuway ang mga anak, pero hindi dapat dito natatapos ang usapan. Mahalaga na maipaliwanag ng magulang ang ginawang mali ng anak.

Sa ganitong paraan mas naipaparamdam sa anak na hindi ka nagiging judgmental at concerned ka talaga sa kaniyang kalagayan.

Sa huli, ang mga magulang pa rin ang may desisyon kung ano ang nararapat na pagdidisiplinang dapat gawin sa anak. Ngunit mahalagang alalahanin ng mga magulang na magkakamali at magkakamali ang kanilang mga anak at pag-unawa higit sa pagpuna at pagpaparusa ang kanilang kailangan.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close