-
‘Limit SocMed Access’ At Iba Pang Paraan Ng Mga Nanay Para sa Healthy Body Image Ng Anak
Narito ang ilang expert advice at practical tips.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Bagamat mas nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan ngayon kumpara noong mga nakaraang henerasyon sa trabaho at lipunan, parehas pa rin ang expectation na maging maganda at kaagaya-aya.
Ang nangyayari tuloy ay bata pa lang, meron na silang nararamdamang pressure na, kung minsan, tumutulak sa kanilang mas bigyan ng halaga ang panlabas na itsura. Nariyan pa ang social media na, kung hindi nagagabayan ang bata, nagiging sukatan ng pagiging likeable at acceptable.
Mga puwedeng gawin para sa healthy body image
Kaya paalala ni Dr. Gail Saltz, isang psychiatrist at psychologist, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog sa mga anak upang lumaking "healthy, well-round adults." Aniya sa kanyang column sa Child Mind Institute, may mga paraan na puwedeng gawin.
Makinig sa hinaing ng anak
Kadalasang nagsisimula ang insecurity kapag nagdadalaga na at nagiging conscious dahil nakukumpara sa mga kaedad. Kaya mainam na huwag balewalain ang pagsabi ng anak na ayaw niya ang mga braso o hita niya dahil masyadong malaki o maliit. Ipagtapat ang sarili mong insecurity nang mapag-usapan ninyo ang topic na iyan.
Ipakita ang pagiging kumportable sa katawan
Kahit na may sarili kang insecurity, mahalaga na ipakita sa anak na nilalabanan mo ito. Hindi kasi makakatulong sa bata kung panay din ang reklamo mo, halimbawa, sa pagiging overweight at pagiging problematic kung paano magmukhang sexy. Ganyan din sa pagkain, dapat daw para ito sa enjoyment at hindi punishment ng pagiging mataba.
Hingin ang tulong ni daddy
Malaki ang nagagawa ng positive comment ng tatay sa anak na babae hindi lang tungkol sa panlabas na itsura bagkus pati sa iba pang mga bagay. Kabilang diyan ang angking talento, sipag, at disposisyon sa buhay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIwasan ang "sexualizing"
Hangga't maaari raw ay bawasan ang exposure ng bata sa pop culture na masyadong nagbibigay ng importansya sa pagiging sexy. Nagkakaroon kasi ng maling pananaw ang bata tungkol sa kanyang katawan.
Palakasin ang loob ng bata
Malaki ang maitutulong mo na malampasan ng anak ang mga pinagdadaanan niya ngayon para maging mas handa siya sa adulthood. Ang simpleng pagsasabi na huwag paghinaan na loob ay malayo raw ang mararating sa pagtaguyod ng kanyang self-reliance.
Mag-exercise
Mainam na paraan ang exercise para masabi sa anak kung bakit mahalaga na magkaroon ng magandang pangangatawan. Ito ay para maging healthy at fit. (Basahin dito kung paano mae-enganyo ang anak na maging active.)
Magbigay ng limitasyon sa pananamit ayon sa edad
Kaunting paalala lang sa bata tungkol sa pananamit na hindi umaabot sa pagiging provocative pero nakukuha pa rin niya ang ninanais na self expression.
Sa kabilang banda, nagbigay din ang mga miyembro ng Smart Parenting Village Facebook page ng kanilang mga opinyon at suhestiyon na makakatulong sa pagkakaroon ng healthy body image ng batang babae.
Sabi ng isang mommy: "I limit their access to soc med bec to see is to absorb and then get disappointed by 'expectation vs reality. I show them what a real woman is by being present without filter. It starts with the main female influence in real life."
Sabi ng isa pang mommy tungkol sa dalawang anak na babae: "We seldom praise their looks but we always compliment their actions/personality/ behavior." Mga halimbawa raw:
- "You're a great debater."
- "I envy your Math skills."
- "The bracelets you created are so pretty."
- "This drawing is unbelievable."
- "Ang sarap naman ng niluto mo/n'yo."
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKuwento naman ng isa pang mommy, one year old pa lang ang anak niya, pero pinaghahandaan na niya ang pagtuturo ng "positive body image." Na-bully daw kasi siya noon sa pagiging chubby, kaya ayaw niya itong maranasan paglaki ng kanyang anak.
Aniya, "I promised myself that my daughter will hear compliments based on her achievements and behavior. I will instill positive body image and teach her how to be inclusive.
"If time comes na she will have body issues, Iwill remind her that she is more than all those things that she doesn't like. It is my hope that we raise a daughter who is compassionate and kind."
Basahin dito para sa iba pang tips sa pagpapalaki ng teenagers.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments