embed embed2
  • Mas Lamang Pa Rin Ang Benepisyong Hatid Ng Breast Milk Kumpara Sa Panganib Ng COVID-19

    Ang antibodies na taglay ng breast milk ay maaaring maging pangga sa coronavirus.
    by Jocelyn Valle .
Mas Lamang Pa Rin Ang Benepisyong Hatid Ng Breast Milk Kumpara Sa Panganib Ng COVID-19
PHOTO BY iStock
  • Dahil bagong sakit ang COVID-19, hindi pa matukoy ng mga eksperto kung naipapasa o hindi ng inang meron nito sa kanyang pinapadedeng sanggol. Sa kasalukuyan, iilang mga sakit pa lamang ang napatunayan na may ganitong implikasyon, tulad ng human immunodeficiency virus (HIV).

    Pero ang maliwanag hindi dapat itigil ng isang ina ang pagpapadede hangga't sinusunod nang maayos ang itinaguyod na mga health protocols.

    Bagamat totoo na may mga bagong silang na sanggol ang tinamaan ng sakit gaya ng kanilang mga nanay na COVID-19 positive, hindi pa klaro kung paano naipasa ang coronavirus. Kaya kinakailangan pa ng masusing pag-aaral dito, ayon kay Dr. Patricia Kho, isang obstetrician-gynecologist, infectious disease specialist, at head ng breastfeeding clinic sa Makati Medical Center.

    What other parents are reading

     

    Ipinaliwanag ni Dr. Kho sa The Doctor Is In medical program sa CNN Philippines noong August 7, 2020 ang ilang paraan kung paano nahahawa ang sanggol. Una dito ang posibilidad ng pagiging infected in utero, o habang nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol ng ina na COVID-19 positive.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pangalawa, maaaring habang iniluluwal ang sanggol sa pamamagitan ng vaginal delivery o di kaya Cesarean section. Ang huli ay pagkatapos ipanganak at inaalagaan na ng kanyang nanay o iba pang tao. Puwedeng mahawa ang sanggol mula sa nasal secretions ng umuubo o bumabahing na nakapaligid sa kanya. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung ang ina lamang ang positibo sa COVID-19, lahad ni Dr. Kho na ang rekomendasyon ng mga pediatrician at lactation consultants ay ang magkaroon sila ng diskusyon tungkol dito. Kailangang malaman ng ina ang risks at benefits ng breastfeeding upang makapagdesisyon kung itutuloy niya ang pagpapadede.

    Tataas kasi ang panganib na mahawa ang sanggol kapag, halimbawa, malakas ang ubo ng nanay. Dapat ding iairalin ang ibayong pag-iingat nang hindi na mahawa pa ang sanggol.

    What other parents are reading

     

    Nauna nang nagpahayag ang World Health Organization (WHO) noong June na tila hindi naipapasa ang coronavirus ng breastfeeding mothers na COVID-19 positive sa kanyang newborn child. Nakita daw sa isang pag-aaral na “fragments” lamang ng virus ang detected sa breast milk at hindi live virus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya mas lamang pa rin ang benepisyong hatid ng breastfeeding kumpara sa panganib na maaaring maipasa ang sakit.

    Naglabas naman ng panuntunan ang Department of Health (DOH) para sa mga breastfeeding mothers na COVID-19 positive. Kabilang dito ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon bago hawakan ang sanggol at ang pagsusuot ng face mask habang nagpapadede. (Basahin dito ang buong DOH guidelines.

    What other parents are reading

    Kung masama naman ang pakiramdam, maaaring mag-pump ng breast milk at ilagay ito sa sa malinis na lalagyan at saka sabihan ang kasama sa bahay na hindi infected na ipadede sa sanggol. 

    Payo naman ni Dr. Kho sa lahat ng breastfeeding moms na panatilihin ang pagiging malusog para tuloy-tuloy lang ang pagpapadede. Bukod kasi sa sustansyang taglay ng breast milk ay mayroon itong antibodies na makakatulong bilang panangala ng sanggol sa maraming sakit, at maaaring kasama dito ang COVID-19.

    Dagdag pa ng doktor na piliing pumirmi muna sa bahay at iwasan ang pagtanggap ng maraming bisita bilang pag-iingat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles