;
embed embed2
Kasing Laki Na Ng Pinya Si Baby! Development Sa Ika-35 Weeks Ng Iyong Pagbubuntis
PHOTO BY Shutterstock
  • Pasikip na nang pasikip ang loob ng iyong sinapupunan habang patuloy ang paglaki ng baby sa iyong tiyan. Sa 35 weeks ng iyong pagbubuntis ay maikukumpara mo na ang kanyang laki sa isang pinya.

    Mapapansin mo na rin na sa halip na sumipa siya ay mas 'gumugulong' o umiikot na siya sa loob ng tiyan mo.

    Anu-ano ang mga sintomas ng pagbubuntis week 35?

    Habang lumalapit ka sa iyong due date, mapapansin mong para bang bumabalik ang mga sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan.

    Mas madalas na pag-ihi

    Sabi nga nila, parang deja vu! Sa ika-35 weeks ng iyong pagbubuntis, mararanasan mo ang mas malimit na pag-ihi.

    Ngayon, hindi na lang ito dahil sa pregnancy hormones. Ang malimit mong pag-ihi sa pagbubuntis week 35 ay dahil sa pagdiin ng ulo ng baby mo sa iyong pantog.

    Makakaranas ka rin ng tinatawag na kakulangan sa bladder control, lalong-lalo na kung ikaw ay uubo o babahing.

    Pagsakit ng iyong ulo

    Maaaring makaranas ka rin ng malimit na pagsakit ng iyong ulo lalo na kung mainit ang panahon at nasa loob ka ng isang kwartong walang maayos na ventilation.

    Pwede ring sumakit ang iyong ulo kung masyado kang pagod at kung hindi ka nakakakain nang tama at nasa oras.

    Ilan pang maaaring maging dahilan ng pagsakit ng iyong ulo ay physical at emotional stress, sinus congestion, at allergies.

    Kumonsulta agad sa iyong doktor para mabigyan ka ng gamot na ligtas para sa iyo at sa iyong baby.

    Pamamaga ng mga varicose veins

    Malimit ay hindi ito masakit at wala namang maidudulot na pahamak sa iyo at iyong anak. Mayroong humigit-kumulang 40% ng mga buntis ang nakakaranas ng pamamaga ng kanilang varicose veins.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marahil ay napansin mo na ito sa umpisa ng iyong pagbubuntis, ngunit mas makikita mo pa ito habang lumalapit ang iyong due date.

    Nangyayari ito dahil sa karagdagang volume ng dugo na mayroon sa sa katawan mo sa iyong pagbubuntis. Idagdag mo pa ang weight gain at ang karagdagang progesterone sa iyong katawan.

    Pagkakaroon ng hemorrhoids

    Maaaring maging makati at masakit ang hemorrhoids, ngunit hindi mo ito dapat ipag-alala dahil malimit itong nangyayari sa mga buntis.

    Marami ka ring maaaring gawin para maiwasan ito at kusa ring nawawala ang hemorrhoids pagkatapos mong manganak.

    Pagdugo ng iyong gums

    Para maiwasan ito, makakatulong ang pagkain ng mga prutas na mayaman sa vitamin C. Kung malimit itong mangyari sa iyo, kumonsulta ka sa iyong doktor para mabigyan ka ng supplement na makakatulong sa iyo.

    Pagkakaroon ng skin rashes

    Napapansin mo ba ang makati at umbok-ubok na rashes sa iyong tiyan? Ito ang tinatawag na pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy o PUPPP. Malimit itong lumalabas sa tiyan, hita, pwet, at braso.

    Hindi pa alam ng mga eksperto kung ano ang nagiging sanhi nito. Kung nakakaranas ka nito, pwede kang gumamit ng moisturizing lotion para maiwasan mo ang labis na pagkamot.

    Makakatulong din ang cold compress at pagsusuot ng malalambot na cotton na damit para maiwasan ang labis na pangangati.

    Bukod pa sa mga ito, mararanasan mo rin ang tinatawag na pregnancy brain. Marahil napapansin mong mas nagiging absentminded ka at madalas ay marami kang nakakalimutan.

    Paliwanag ng mga ekspero, ito'y dahil lumiliit ang iyong brain cell volume at hindi rin nakakatulong na kulang ka sa tulog.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa mga eksperto, mawawala rin naman ito Ilang buwan pagkatapos mong ipanganak ang iyong baby.

    Mararanasan mo rin ang mga tinatawag na Braxton Hicks contractions. Nangyayari ito bilang paghahanda ng iyong katawan sa pagdating ng iyong anak.

    Malimit ay mahirap malaman kung true labor na ba ang nararanasan mo o Braxton Hicks lang. Para hindi ka maalarma sa tuwing nakakaramdam ka ng contractions, payo ng mga eksperto ay bilangin mo ang intervals nito.

    Ang Braxton Hicks ay nagsisimula sa ika-20 week ng iyong pagbubuntis, ngunit mas magiging madalas ito sa ika-32 weeks ng iyong pagbubuntis.

    Anu-ano ang mga development ng baby mo sa pagbubuntis week 35?

    Malambot pa ang ulo ni baby

    Mabilis na nadedevelop ang utak ng baby mo sa iyong pagbubuntis week 35. Ngunit malambot pa rin ang kanyang bungo, para mas madali siyang makadaan sa birth canal kapag makakapanganak ka na.

    Mas bumibigat na si baby

    Ayon sa mga eksperto, malimit ay nasa 18 inches na ang laki ng mga babies sa week 35 ng iyong pagbubuntis.

    Steady lang din ang weight gain niya. Ibig sabihin, ang dating maliliit at mapapayat na kamay at binti niya ay mas nagiging mataba na ngayon.

    Anu-ano ang mga dapat ihanda sa pagbubuntis week 35?

    Paghandaan ang baradong ilong

    Naaapektuhan ng pregnancy hormones ang mucous membranes sa loob ng iyong ilong. Ito ang nagiging dahilan para magbara ang iyong ilong.

    Kumonsulta sa iyong doktor para mabigyan ka ng lunas na ligtas para sa iyo at sa baby mo.

    Maghanda ng birth plan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil malapit ka nang manganak, ito rin ang pinakamagandang panahon para maghanda ka ng iyong birth plan.

    May ilan ding mga buntis ang Naghahanap na ng doula sa panahong ito ng kanilang pagbubuntis.

    Malaki ang maitutulong ng doula para suportahan ka sa iyong panganganak, lalo na kung home birth ang balak ninyo.

    ---

    Anu-anong mga paghahanda ang ginagawa mo ngayong nasa 35 weeks ka na ng iyong pagbubuntis? I-share mo na Iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles