;
embed embed2
Handa Nang Magkapamilya? 5 Paraan Para Tumaas Ang Tyansang Mabuntis Nang Mabilis
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Karaniwan sa mga bagong kasal ang mag-asam na magkaroon ng anak para tunay na makumpleto ang kanilang pamilya. May ilan na nagnanais na magbuntis agad para sa tinatawag na “honeymoon baby." Ngunit mayroon din namang mga mag-asawa na nahihirapang makabuo kahit gusto na nilang magkaanak.

    Paano mabuntis ng mabilis

    Kung handa ka at ang katuwang mo sa buhay na magkapamilya, may mga paraan na maaaring subukan at posibleng makatulong kung paano mabuntis ng mabilis. Ito ay ayon sa mga eksperto at medical resources.

    Manatiling malusog ang pangangatawan

    Mahalaga sa mag-asawa na maging malusog para maiwasan ang anumang komplikasyon na maaaring magdulot sa mahirap na pagbubuntis. Makaaapekto sa mabilis na pagbubuntis kung may mga komplikasyon din sa reproductive system ang mag-asawa kaya makatutulong ang pagpapatingin din sa doktor para makatiyak sa sitwasyon ng inyong kalusugan. 

    Maaaring idagdag din sa inyong lifestyle ang pag-eehersisyo. Maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na timbang na nakaapekto rin sa pagbubuntis nang mabilis. Magdudulot kasi ng hormonal imbalance at insulin resistance ang sobrang timbang na makababawas sa kakayahan na magkaroon ng normal na ovulation para sa babae.

    Isa sa mga hormonal disorder ang polycystic ovary syndrome (PCOS), na posibleng dahilan din ng insulin resistance. (Basahin dito ang mga paraan para mabuntis ang may PCOS.)

    Samantala, ipinapayo ng mga eksperto na bawasan din ang mga labis at mabibigat na workout lalo na sa babae dahil makaapekto ito sa ovulation. Sa kabilang banda, kung masustansiya rin ang pagkain na kinakain makatutulong ito sa inyong fertility. Iwasan din ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo o pag-inom ng alak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasan ipinapayo rin ng mga doktor ang pag-inom ng folic acid sa mag-asawa kung nagpaplano ng pagbubuntis. Nakatutulong ito na maprotekhan ang anumang komplikasyon sa ipagbubuntis kaya mabuti itong inumin bago pa man.

    Alamin ang panahong fertile

    Makatutulong ang pag-alam kung kailan fertile ang babae. Ang pagmo-monitor ng iyong ovulation ay malaking bagay para matiyak mo ang iyong regular na cycle. Ang panahon ng ovulation kasi ang pinakamainam na pagkakataon para makasigurong mabubuntis ka.

    Mahalaga rin na alam mo ang mga senyales ng iyong ovulation gaya ng pagbabago sa iyong cervical mucus. Puwede ka ring gumamit ng ovulation prediction kit. Makabubuti rin ang pagkakalendaryo ng iyong menstruation para mas matiyak mong mabuti ang panahon kung kailan ka fertile.

    Subukan ang iba-ibang sex position

    May mga nagsasabing walang kinalaman ang sex position para mabilis na mabuntis. Hindi raw ito nakapagbibigay ng garantiya na mabubuntis ka kung hindi ka naman din fertile. Pero maaari mong subukan ang mga sex position na makapagbibigay ng malalim na penetrasyon sa pakikipagtalik sa iyong asawa. Dito, mas makatitiyak na makapapasok at makalalangoy ang semilya papunta sa iyong cervix.

    Narito ang 13 sex positions na sinasabing magpapataas ng tyansang mabuntis:

    • Missionary
    • Doggie style
    • Rear entry
    • Leg on shoulders
    • Raise it up
    • Side-lying missionary
    • Glowing triangle and the bridge
    • Spooning and scissors
    • The linguini
    • Cowgirl or reverse cowgirl

    Walang makasasama kung susubukan ang mga ito. Sabi rin ng mga eksperto, kung magsasabay ang inyong orgasm pa ng inyong mag-asawa habang nagtatalik, makatutulong din ito na mabuntis ka.

    Bukod pa rito, ipinapayo rin na pagkatapos ng pakikipagtalik sa iyong asawa manatili ka munang nakahiga nang 10 hanggang 15 minuto na hindi kailangang nakataas ang paa. Ito ay para makalangoy ang semilya papunta sa cervix. Makakatulong din daw ang paggamit ng menstrual cup, ayon sa mga nakasubok na at tuluyang nabuntis (basahin dito).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag masyadong araw-arawin

    Paalala ng mga eksperto na hindi nakapagbibigay ng mataas na garantiya na mabubuntis ka kung aaraw-arawin ang pakipagtalik sa iyong asawa sa panahong fertile ka. Mas mainam daw na gawin ito ng kada paglipas ng isang gabi at mas makatutulong ito sa pagpapataas ng tyansa na mabuntis ka.

    Nabubuhay kasi ang semilya sa loob ng katawan hanggang sa loob ng 5 araw. Kaya mas mainam na mungkahi ay gawin lang ito ng regular sa panahon na nag-o-ovulate ka o kahit hindi. Makabubuti ring sundan ang pakiramdaman ang iyong katawan. Gawin ito sa mga pagkakataong gusto ng iyong katawan.

    Mag-relax lang at hintayin ang tamang panahon

    Payo rin ng mga eksperto na huwag masyadong madaliin na magsimula ng pagpapamilya o magkaanak. Hintayin lamang ang panahon na darating din ito at ipagkakaloob ng Diyos sa inyong mag-asawa ang pagkakaroon ng anak. Samahan ng dasal ang inyong pagsasama at maging ang inyong pagtatalik na mabiyayaan ng malusog na anak.

    Mabuting ihanda rin ang sarili para dito maging sa aspektong pinansyal, pisikal, at emosyonal dahil hindi madali ang pagkakaroon ng anak. Huwag rin masyadong mapag-stress sa tanong ng mga kamag-anak o kaibigan na “kalian kayo magkakaanak?” Mas mabuting mag-relax lang at mag-enjoy sa inyong ginagawa. Nakabawas ng tyansa na madaling mabuntis kung stress. Kaya talagang ipinapayong iwasan ito.

    Sa lahat ng nabanggit, pinakamainam pa rin na magsagawa ng preconception checkup nang sa gayon matingnan at masuri kayo ng inyong doktor para matiyak kung pareho kayong healthy ng iyong asawa. Gayundin, mabibigyan kayo ng tamang payo at gabay sa dapat ninyong gawin para makabuo agad sa mas ligtas na paraan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na maraming bagay na nakaapekto rin sa mabilis na pagbubuntis gaya ng edad, hormonal imbalance, o kung may iba pang kondisyong pangkalusugan. Kaya naman, ang unang hakbang kung paano mabuntis ng mabilis ay malaman na malusog kayong mag-asawa!

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles