pregnancy,pregnancy risks,Tagalog,pregnancy complications,pagbubuntis,greener,con-00370,pregnancy complications after 30,Pregnancy Complications After 30 | Smart Parenting,prenatal care, preeclampsia, reproductive health, fertility, female infertility, pregnancy complications after 30, pregnancy complications, pagbubuntis lampas 30, pagbubuntis kumplikasyon,May paniniwala na hirap nang mabuntis kapag lampas trenta na ang edad dahil sa pregnancy complications after 30.
PregnancyGetting Pregnant

6 Pregnancy Complications Na Dapat Malaman At Paghandaan Kung Lampas 30 Years Old Na

Hirap na raw magbuntis kapag wala na sa kalendaryo ang edad.
PHOTO BYfreepik/pch.vector

Sabi nila kapag higit ka na sa trenta (30) anyos, mahihirapan ka na raw mabuntis o kaya naman magiging delikado na. Pero nagiging posible pa rin ito sa iba at nagiging matagumpay ang pagbubuntis may tulong man o hindi ng siyensya. (Basahin dito ang ilang celebrities na naging nanay nang lampas 40 years old).

Kung iisipin, tila medyo huli na nga rin ang ganitong edad dahil magiging mas mahirap na ang pagpapalaki sa iyong baby at ang pagsubaybay sa kaniyang paglaki. Magiging malayo na rin ang agwat ng edad ninyo na maaaring hindi mo lubos na mae-enjoy na rin ang kanilang paglaki. Idagdag pa ang mga posibleng pregnancy complications after 30.

Ayon sa website ng Cleaveland Clinic, tinatawag na advanced maternal age ang pagbubuntis nang higit sa 35 ang edad. Iba ang paraan ng pamamahala sa pagbubuntis sa ganitong edad kumpara sa mas bata. Mas double ang pag-iingat at mas malapitan at matindi ang pagmo-monitor na ginagawa ng ob-gyn.

Hirap sa pagbubuntis kapag nagkakaedad na?

Ayon sa mga pag-aaral, sa edad na 30, ang fertility o kakayahang magbuntis ay nagsisimula nang bumaba. Mas bumaba pa ito kapag lalong nagkakaedad kaya nagiging mahirap sa isang babae ang magbuntis nang natural.

Naaapektuhan din ng edad ang pagkakaroon ng bilang ng eggs sa obaryo. Bumababa ang bilang at kalidadad ng egg cells kapag tumatanda o maaaring ang mga naiiwang egg ay may abnormal chromosomes.

Gayundin naman, habang tumatanda ang babae mataas ang tsansa sa pagkakaroon ng problema sa reproductive system na makaapekto sa fertility gaya ng pagkakaroon ng myoma o uterine fibroids at endometriosis.

Mga posibleng komplikasyon

Dahil sa advance na technology sa panahong ito at pagkakaroon ng mga available na gamot, ang mga pregnancy complication after 30 ay maaaring masolusyunan at matugunan. Posible pa rin ang pagbubuntis pero dapat bantayan ang mga puwedeng problemang mararanasan.

Gayundin, mahalagang maunawaan din ang mga komplikasyon na maaaring maranasan sa pagbubuntis nang higit sa edad 30. Karaniwang na komplikasyon sa pagbubuntis sa ganitong edad ang mataas na tsansa na makunan, magkaroon ng birth defects, pagdanas ng preeclampsia, pagbubuntis ng kambal, gestational diabetes, at hirap sa pagle-labor.

watch now

Miscarriage o makunan

Malaki ang tsansa na makunan sa simula pa lamang ng panahon ng pagbubuntis para sa mga may edad na. Kadalasan na nasa kalagitnaan ito ng first trimester dahil sa pagkakaroon ng problem sa chromosome sa baby. Tumataas ang problema sa chromosomes dahil sa edad ng ina kaya posibleng makunan kapag higit sa 30 ang edad.

Birth defects

Gaya ng nabanggit sa una, dahil sa edad ng ina nagiging problema ang chromosomes sa pagbubuntis. Dahil dito, malaki ang tsansa na kapag nagpatuloy ang pagbubuntis ay magkakaroon ng birth defects, tulad ng Down syndrome.

Pagbubuntis ng kambal

Dahil sa nagkakaedad na ang babae, tumatanda rin ang ovaries, mas malaki ang pagkakataon na maglabas ito nang higit sa dalawang egg cells kada buwan. Bagaman, mabuti naman ang pagbubuntis nang kambal, mataas lamang ang tsansa na manganak ng mas maaga o kulang sa buwan.

Pagdanas ng preeclampsia

Malaki rin ang posibilidad na maranasan ang preeclampsia sa pagbubuntis. Maaaring maapektuhan din ang ipinagbubuntis. Nararanasan ito sa kalagitnaan ng pagbubuntis pagkaaraan ng 20 weeks.

Magkakaroon ng pagtaas ng blood pressure, protein sa ihi, pagmamanas, pagsakit ng ulo, at panlalabo ng paningin. Isa itong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Gestational diabetes

Ito ang uri ng diabetes na nadedebelop sa pagbubuntis kapag tumaas ang blood sugar. Kadalasan na nararanasan ito sa kalagitnaan ng pagbubuntis, nasa pagitan ng 24 at 28 weeks. Nangyayari ang gestational diabetes bunsod ng pagbabago sa hormones at ang kung paano nagagamit ng katawan ang pagkain sa enerhiya.

Hirap sa pagle-labor

Maaaring mahirapan sa pagle-labor o hindi maging madali ang panganganak, kaya malaki ang posibilidad na maging Cesarean delivery. Maaaring mapaaga rin ang panganganak o kulang sa buwan ang isisilang na sanggol.

Anong dapat gawin para mabuntis?

Kung nais mong magbuntis sa edad na higit 30, mahalaga na magpatingin sa ob-gyn para sa iyong malusog at ligtas na pagbubuntis. Maaaring magsagawa ng prenatal testing na makatutulong para malaman ang anumang chromosome problems at iba pang posibleng genetic birth defects.

Ilan sa mga test na isasagawa ay blood tests, ultrasound, chorionic villus sampling (CVS), amniocentesis, at cell-free fetal DNA. Sa kabilang banda, matutulungan ka rin ng iyong ob-gyn para sa maayos na pagpaplano ng iyong pagbubuntis. Maaaring magbigay s aiyo ng mga gamot na kailangan mong inumin.

Sa personal kong karanasan, kaming mag-asawa ay pinayuhan na uminom na ng folic acid nang nagpaplano kaming magbuntis. Ito ay para din daw maging malusog ang aming mabubuong baby. Binigyan din ako ng payo ng aking ob-gyn tungkol sa aking diet at lifestyle.

Mahalagang tandaan na bago pa man ang pagbubuntis mahalaga ang regular na prenatal checkup. Ito ay para maayos na ma-monitor ang iyong kalusugan at ang posibilidad ng iyong ipagbubuntis. Makabubuti rin ito para maagapan ng ob-gyn ang anumang magiging problema at agad na mapamahalaang mabuti ang mga pregnancy complications after 30.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Advanced Maternal Age

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22438-advanced-maternal-age

Having a Baby After Age 35: How Aging Affects Fertility and Pregnancy

https://www.acog.org/womens-health/faqs/having-a-baby-after-age-35-how-aging-affects-fertility-and-pregnancy

Risks of Pregnancy Over Age 30

https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=90&contentid=P02481

---

Basahin dito ang study na nagsasabing ang mga nanganak nang lampas 30 ay nagkakaroon ng mga matalinong anak.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close