-
Buong-Buo Na Ang Mukha Ni Baby Sa Week 23 Ng Pagbubuntis
Dahil fully formed na ang mukha ni baby, sino kaya ang kamukha?by Jocelyn Valle . Published Oct 31, 2020
- Shares
- Comments

-
Habang pinagdadaanan ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 23, may dalawang significant developments ang nangyayari sa iyong sinapupunan. Una, kumpleto na ang placenta, na siyang nagbibigay nutrisyon sa sanggol. Pangalawa, buong-buo na ang mukha ni baby. Mapapaisip ka tuloy kung kanino siya nagmana ng itsura.
READ MORE STORIES ON PREGNANCY:
- Buntis Ba Ako? 11 Signs of Pregnancy That You May Have Ignored
- 17 Pregnancy Symptoms Other Than Morning Sickness
Sintomas ng pagbubuntis week 23
Maaaring magpatuloy ang mga napagdaanan mo noong mga nakaraang linggo sa puntong ito ng second trimester. Mayroon din namang susulpot na bago. Kailangan mo lang tatagan pa ang iyong loob para sa kapakanan ninyong dalawa ni baby.
Itim na linya
May mapapansin kang patayong linya mua sa iyong pusod hanggang sa pubic area. Tinatawag itong "linea nigra," na kilala din bilang pregnancy line. Sanhi ito ng fluctuating hormones sa iyong katawan. Wala namang dapat ikabahala at ikatakot. Normal itong sumusulpot sa mga buntis, at nawawala ilang buwan pagkatapos manganak. Kaya hindi makakatulong ang ano mang ipahid mong produkto.
Maganang kumain
Tuloy pa rin ang appetite mo sa pagkain. Baka nasasabihan ka na ng matakaw. May punto din naman dahil kailangan mo rin pigilan ang pagkain nang marami at madali o di kaya piliin mabuti kung ano ang isusubo. Tandaan na may limitasyon ang dapat na madagdag sa iyong timbang.
Kung pasok ka sa healthy weight bago magbuntis, puwede kang magkonsumo ng mula 2,200 hanggang 2,900 calories kada araw na nagdadalang-tao ka na. May dagdag na 340 calories kada araw pagdating mo sa second trimester.
Pamamanas ng mga paa
Para mabawasan ang pamamanas ng mga paa at iba pang parte ng katawan, sikapin na dagdagan ang dami ng iniinom na tubig at dalasan ang paglakad-lakad. Makakatulong din ang elevation sa blood circulation. Kapag nakaupo, ipatong ang mga paa sa katabing upuan. Kapag nakahiga, ipatong ang mga paa sa isa o dalawang unan.
Mabahala lamang kung sa pakiramdam at tingin mo, gumagrabe ang pamamanas. Mainam na komunsulta sa doktor para malaman kung senyales ito ng pregnancy complications, tulad ng preeclampsia.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPamamaga ng mga gilagid
Kaugnay ng pamamanas ng mga paa at iba pang parte ng katawan ang pamamaga ng mga gilagid. Ingatan na lamang na huwag masaktan ang mga gilagid habang nagsisipilyo at gumagamit ng dental floss. Subukan din ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin.
Paninigas ng tiyan
Ang panandaliang paghilab o pagtigas ng tiyan ay tinatawag na Braxton Hicks contractions. Kilala din ito bilang “false labor” dahil parang pagsasanay ito para sa totoong panganganak. Pero sa sandaling dumalas, bumilis, at lumubha ang nararamdaman mo, makabubuti na tawagan ang doktor.
Pananakit ng likod
Sa paglaki at pagbigat ni baby, maaaring mahirapan ka sa pagdadala sa kanya. Ang likod mo ang sasalo ng pressure at magdudulot ito ng kirot. Makakatulong ang ehersiyo para mabawasan ang kirot at palakasin ang muscles. Dagdag pa dito ang ilang pregnancy products, gaya ng pregnancy pillow, para kumportable ka sa pagtulog.
Paghihilik
CONTINUE READING BELOWwatch nowDahil apektado ang mucous membranes sa pagdami ng fluids at pagtaas ng hormone levels sa katawan, nagkakaroon ng pagbara sa ilong. Natututo ka tuloy na humilik kahit dati namang tahimik ka lang kung matulog. Subukan ang steam inhalation para lumuwag ang bara at makahinga nang maayos.
Development ni baby sa loob ng tiyan sa ika-23 linggo ng pagbubuntis
Samantala, chill lang si baby sa iyong sinapupunan. May haba na siya ng halos 28.9 cm, mula ulo hanggang paa, at bigat na halos 500 grams. Mapula ang itsura niya dahil sa veins at arteries na patuloy sa pagtubo at paglago sa ilalim ng kanyang balat. Mawawala rin ang pamumula kapag dumami na ang kanyang fat at tissue.
Tumatatag na ang muscles ni baby, kaya mas nagiging active siya at dumadalas ang paggalaw-galaw niya. Humahaba ang kanyang mga kuko hanggang sa dulo ng kanyang mga daliri.
Nasasanay na siya sa pag aninag ng liwanag. Baka nga mag-react siya kapag tinutukan mo ng flashlight ang tiyan mo, at biglang gumalaw. Ang libangan niya lang kasi ay makinig sa iyong heartbeat at boses, pati na kung may malakas na tunog ng musika, sasakyan, o di kaya tahol ng aso.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWREAD MORE STORIES ON PREGNANCY:
- Buntis Ba Ako? 11 Signs of Pregnancy That You May Have Ignored
- 17 Pregnancy Symptoms Other Than Morning Sickness
Tunay na nakakasabik makita si baby. Pero may ilang buwan pang bubunuin at mga sintomas ng pagbubuntis sa week 23 na mararanasan. Ayusin na lang muna ang kanyang magiging lugar sa bahay o di kaya nursery room para malibang ka.
What other parents are reading

- Shares
- Comments