embed embed2
Sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-9 na Linggo: Maaaring Marinig Mo ang Heartbeat ni Baby!
PHOTO BY iStock
  • Kapit lang mga nanay! Konti na lang malalampasan mo na ang first trimester ng pagbubuntis sa ika-9 na linggo. Lampas kalahati ka na ng first trimester mo at nasa first week ng third month mo. Pinag-aaralan mo na ba kung paano ang step-by-step plan mo sa buong panahon ng iyong pagbubuntis? Sa ngayon, nagpaplano ka na ring magsabi sa mga taong close sa iyo na hindi mo kapamilya, gaya ng friends or boss mo. Malapit na maging obvious ang tiyan mo!

    Senyales ng pagbubuntis ika-9 linggo 

    Para sa ibang babae, nagiging halata ang pagbubuntis nila pagsapit ng week 9, yung tipong parang lumaki nang konti ang midsection. Pero may mga babae na pumapayat, lalo na kapag matindi ang nararanasang morning sickness o yung hyperemesis gravidarum, na kailangang ikonsulta sa doctor. Pagdating ng ninth week mo, dodoble ang size ng iyong uterus para i-accommodate ang paglaki ng baby. Mapapansin mo rin na mas matigas o mas firm ang lower abdomen mo, kung nasaan ang area ng uterus.

    Morning sickness

    Nakakaranas ng morning sickness ang maraming nagbubuntis. Ito yung mga panahon na nasa peak na ang nararanasang pagkahilo o pagsusuka. O kung swerte ka, pwedeng papahupa na ang mga ito dahil halos patapos na ang first trimester mo. Narito ang ilan na pwedeng makatulong sa nararanasang morning sickness: ginger tea, vitamin B-6 supplements, mga pagkaing walang lasa o pakonti-konting kain.

    What other parents are reading

    Madalas na pag-ihi

    Dahil sa nagsisimula nang lumaki ang iyong uterus, natatamaan nito ang iyung kidneys. Nagkakaroon na rin ng increase sa blood flow sa iyong pelvic area kaya mas napapadalas ang iyong pag-ihi. Kung masakit ang iyong pag-ihi, pwedeng mayroon kang urinary tract infection, kaya kumonsulta agad sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fatigue

    Wala nang pahinga ang katawan mo dahil nagpo-produce ng dugo 24/7, kaya normal lang na makaramdam ka na laging pagod o kaya mabilis mapagod kahit konting kilos lang. Kaya hinay-hinay sa pagkilos. Pakiramdaman ang iyong katawan. Importante ang magpahinga at matulog at manatili sa higaan nang buong araw kung kinakailangan.

    Nasal congestion

    Kasabay ng pagpo-produce ng katawan ng mas maraming dugo ay ang pagpo-produce din nito ng body fluids, gaya ng sipon sa nasal passages.

    What other parents are reading

    Breast tenderness

    Yung pakiramdam na parang bumibigat ang dibdib mo, mas malaki ang areola o ang buong nipple area. Lahat ito ay senyales ng preparasyon para sa pagpo-produce ng gatas.

    Heartburn and indigestion

    Makakaranas ka ng heartburn dahil ang muscle valve sa pagitan ng tiyan at esophagus ay mas relaxed. Kumain nang dahan-dahan at uminom lamang kapag natapos nang kumain. Iwasan ang spicy, greasy, at fatty food para maiwasan ang heartburn.

    Sakit ng ulo

    Ang sakit ng ulo ay dahil ito sa pagtaas at pagbabago ng hormone levels. Pwede ring makaranas ng headache dahil sa pag-iwas sa kape o yung caffeine withdrawal. Pwedeng dahil ikaw ay dehydrated o gutom dahil hindi makakain dulot ng morning sickness. O kaya baka kailangan mo lang ng mas mahabang tulog.

    Pwedeng makatulong ang warm o cold compress para mabawasan ang sakit ng ulo. Kung matindi ang sakit ng ulo at kailangang uminom ng gamot, kumonsulta muna sa doktor. Ipaalam din sa iyong doktor kung bukod sa sakit ng ulo ay nagkakaproblema din sa paningin.

    What other parents are reading

    Bloating, gas, and constipation

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Dahil sa pagbubuntis, mas mabagal ang muscle contractions na tumutunaw ng pagkain sa iyong bituka. Pwede ring dahil ito sa iron mula sa iyong supplement. Uminom ng maraming tubig at kumain ng pagkain mayaman sa fiber.

    Nagiging mahilig o maselan sa pagkain (paglilihi)

    Nakakaranas ka ng pregnancy hormone situation kaya naman sobrang sensitive ng iyong pang-amoy, dahilan para maging maselan pagdating sa mga amoy at pagkain. Magkakaroon ka rin ng craving sa matatamis o maaalat na pagkain, yung weird ang kombinasyon kahit sa madaling araw.

    Mood swings

    Magkakaroon ka rin ng extreme moods dahil sa pag-iiba ng iyong hormones. Maaring mas mainitin ang iyong ulo o kaya basta na lang iiyak kahit na mababaw na dahilan. Pero konting tiis lang. Pagkatapos ng first trimester ay pwedeng matapos na rin ang pregnancy symptoms.

    What other parents are reading

    Ang paglaki ni baby sa Linggo 9 ng pagbubuntis 

    Kung hindi ka pa nagpapa-ultrasound, magpa-schedule sa iyong doktor ng transvaginal ultrasound sa pagitan ng Week 8 hanggang 12. Patapos na ang embryo phase ng iyong baby at magiging fetus na. 

    Ayon sa What to Expect, sa week 9, ang iyong sanggol ay kasing laki ng cherry, o ubas, o medium green olive, o lima bean. May laki itong 0.6 inches at nagtitimbang ng 0.7 ounces. Nagkakatimbang na ang iyong baby dahil buo na ang mga paa at kamay nito at nagsisimula nang mabuo ang kanyang muscles.

    Nagsisimula na ring mag-function ang mahahalagang organs ng sanggol — puso, utak, kidneys, at liver. Mas nagkaka-form na rin ang mukha nito. Nakakabuo na rin ng kamao ang sanggol at maaaring magsimula nang mag-thumb suck. Pwedeng na-develop na rin ang kanyang fingerprints. Nagsisimula na ring mabuo ang iba pang vital organs, gaya ng pancreas, gallbladder. Nagde-develop na rin ang kanyang reproductive organs, pero hindi pa rin made-detect sa ultrasound.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masyado ring maaga para maramdaman ang sipa ni baby, pero nagagalaw na niya ang kanyang mga kamay at paa. Ang maaari mong marinig ay ang heartbeat niya gamit ang doppler. Kung hindi ito marinig ng inyong doktor, huwag mangamba. Pwedeng ito ay dahil sa posisyon ni baby sa iyong uterus. Asahang mas lalakas ang heartbeat ni baby sa paglipas ng mga araw.

    What other parents are reading

    Mga dapat gawin sa ika-9 na linggo ng pagbubuntis

    Dapat i-schedule ang iyong unang prenatal checkup sa iyong doktor, gayundin ang unang ultrasound. Piliing mabuti ang iyong obstetrician-gynecologist. Ang isang magandang basehan ay kung masasagot niya ang lahat ng iyong mga tanong, kahit na nakakatawa man ito, at maipapaliwanag sa iyo nang maayos ang iyong pagbubuntis para hindi ka na mag-aalala.

    Kung nabisita mo na ang iyong doktor, posibleng kinakailangan mong sumailalim sa pregnancy tests kagaya ng blood test, urinalysis, screening tests para sa Hepatitis B at Syphilis at pap smear. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na sumailalim sa genetic testing, na tipikal na ginagawa sa mga high-risk pregnancies o yung may family history o genetic condition. Makakatulong ito sa doktor para maalagaan ka nang maayos at ang iyong dinadala. 

    Kausapin nang masinsinan ang iyong partner para planuhin ang iyong mga gastusin sa mga unang buwan ni baby. Pwede ring makipag-usap sa iyong boss tungkol sa kondisyon mo. Makipag-usap sa human resource department ng iyong kumpaya tungkol sa pagpa-file ng maternity leave. 
    Bukod sa mga ito, alagaan din ang iyong kalusugan. Huwag kalimutan ang iyong prenatal vitamins at iwasang ma-stress.

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa

    Pregnancy Symptoms Week 9: You May Just Hear Your Baby's Heartbeat!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close