embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ayon kay Lara Quigaman, ang pag-aalaga sa kanilang two sons ng mister na si Marco Alcaraz ay katumbas na ng gym workout. Kapag may nagtatanong daw sa kanya ng “Bakit ka pumapayat?” ang sagot lamang niya, “E sa kakahabol,” patungkol kay Noah, 7 years old, at Tobias, 1 year and 2 months. Pawang makulit at energetic daw ang two boys.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag ng beauty queen-turned-actress na “chaotic” at “overwhelming” magpalaki sa mga bata habang “rewarding” din naman. “It’s full of joy. I can’t imagine my life before, ’yong wala pa ang dalawang ito,” pahayag niya sa SmartParenting.com.ph sa isang event kamakailan, kung saan bitbit niya sina Noah at Tobias.

    Nais pa daw niyang makaisa pang anak, kahit maging lalaki pa rin ito. Gusto daw niya talaga ng malaking pamilya at nangarap pa noon na magkaroon ng isang dosenang anak. Subalit sumailalim siya sa Cesarean section kay Noah at sumunod kay Tobias kaya sinabihan na siya ng kanyang doktor na maximum na ang three kids. Naisip naman niya ang kanyang sariling ina dahil CS din ito sa kanilang apat na magkakapatid kaya baka raw makarami pa siya.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa huli, isinaalang-alang ni Lara ang opinyon ng asawa na artista din. Aniya, “Ayaw ni Marco, pagod na. E kasi mahilig kaming mag-travel, di ba? [Sabi niya] ‘Pag nag-travel tayo, sino ang hahawak sa isa?’ Sabi ko, siyempre malaki na si Noah. At saka pag sinundo daw kami ng mga friends namin, kami lang daw ang laman ng kotse. Nakakahiya daw.”

    Kuwento pa ni Lara, na nag-uwi ng Miss International crown noong 2005 mula sa beauty pageant na ginanap sa Japan, “Hindi ako hirap mabuntis, hirap ako manganak.” Noong isinilang niya si Noah ay 10 hours daw siyang nag-labor at hindi umubra ang epidural kaya nauwi siya sa emergency CS. Kaya Tobias naman ay two weeks siyang na-ospital dahil hinika siya at kinailangan maglagi sa maternity intensive care unit (ICU). Iyon daw ay pregnancy-related asthma dahil pagkatapos niyang manganak ay hindi na siya hinika muli. Mabuti na lamang ay wala itong masamang epekto kay baby. Napaaga lang ng one week ang paglabas nito ngunit hindi na kinailangan ng incubator.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pansin ng working mom, na kabilang sa ABS-CBN teleserye na Killer Bride, ay magkaiba ng personalidad ang kanyang mga anak. Kung ang panganay na si Noah ay “sobrang sweet” at “touchy-touchy” ay “medyo chill” at may “Don’t touch me” vibe naman ang bunsong si Tobias. Pero pareho pa rin naman daw ang paraan nilang mag-asawa sa pagpapalaki sa mga bata. At dahil halos six years ang age gap nina Noah at Tobias, hindi na naipasa ni kuya ang kanyang hand-me-downs sa kapatid. Masaya namang ibinalita ni Lara na hindi sila masyadong bumili ng gamit ni Tobias dahil maraming natanggap na regalo si baby.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Naaala niya noong 6 months old si Tobias ay nag-post siya ng video demo upang ipakita na one-hand use lang ang stroller. “Ang daming nag-comment. Baka daw mahulog ang baby. Parang gano’n. Ayun, wala tayong magagawa do’n. Meron talagang masasabi ang mga tao.” 
    PHOTO BY COURTESY OF APRICA

     

    Magkaiba din ang karanasan ni Lara sa breastfeeding. Six months lang daw siya nagpadede kay Noah, samantalang 11 months naman kay Tobias. Natigil lang si baby nang minsang makagat niya si mommy at napatili ito sa sakit. “So ayaw na niya tuloy,” paliwanag ni Lara. “Susubo pa lang niya, iiyak na siya. Feeling niya magagalit ako kahit hindi. Nagpa-pump ako sa taping pero hindi ako makapag-pump every three hours, hanggang naging konti na ang milk. Ngayon, tinatawanan na niya ang boobs ko.”

    Sa usaping paggamit ng social media, aminado si Lara na may pagkakataon dati na nakaramdam siya ng pressure na maging katulad ng mga nakikita niya sa Instagram. Paliwanag niya, “Minsan, meron akong nafi-feel na, ‘Bakit gano’n? Kapapanganak pa lang, payat na agad?’ Nakaka-pressure, di ba?

    “So parang as much as possible, I try to avoid na gano’n ang ma-feel ng mga mommy followers ko. So tina-try ko kung ano talaga ang nangyayari. I remember posting a picture showing stretch marks kahit three months pa lang ako nanganak. So meron talagang pressure, of course. Kaya hindi tayo masyadong nagso-social media.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles