People & Society,Family/Children,sc24,con-00432,Tahi ng Bagong Panganak: Para sa NSD at CS,Family/Children, People & Society,Alamin ang mga importanteng detalye kung gaano kaagal gumaling ang tahi ng bagong panganak at paano pangalagaan ang sugat.
PregnancyLabor & Childbirth

Tahi ng Bagong Panganak: Mga Dapat Malaman

Ilan lamang ito sa mga impormasyong dapat tandaan.
PHOTO BYAdobe Stock

Pagkatapos manganak ng isang ina, isa sa mga pangunahing dapat alalahanin ang paghilom ng sugat. Mahalaga ito para sa mommies, maging normal spontaneous delivery (NSD) o caesarian man ang naging paraan upang mailuwal ang kanilang sanggol sa mundo. Sa artikulong ito, malalaman natin kung gaano katagal bago gumaling ang kanilang mga tahi pati na rin ang ilang tips kung paano mapabilis ang proseso ng paggaling. 

pregnancy
PHOTO BYShutterstock

Ilang araw bago gumaling ang tahi ng bagong panganak?

Ang tahi ng bagong panganak na nag-undergo sa cesarean section ay kinakailangan ng mahabang panahon upang gumaling kumpara sa mga inang sumailalim ng vaginal birth. Maaari itong magtagal ng apat hanggang anim na linggo. Sa ibang kaso, mas nagiging matagal ang paggaling ng sugat, depende sa iba pang kundisyon ng ina.

Para naman sa mga bagong panganak na sumailalim sa NSD, mas mabilis gumaling ang kanilang mga tahi kumpara sa mga dumaan sa cesarean section. Maaari itong magtagal ng tatlo hanggang limang linggo.

Paano alagaan ang tahi ng bagong panganak na na-CS?

Kapag isa ka sa mga CS moms, narito ang ilan sa mga maaari mong gawin:

Panatilihing Malinis ang Sugat

Regular na linisin ang sugat ayon sa inirekomenda ng iyong healthcare provider. Karaniwan itong nangangailangan ng paghuhugas ng sugat gamit ang maligamgam na tubig at banayad na sabon, at maingat na pagpapatuyo gamit ang malinis na tuwalya.

watch now

Iwasang Mabasa ang Sugat Nang Matagal

Iwasan ang paglubog sa tubig (tulad ng swimming pool o bathtub) hanggang sa sabihin ng iyong doktor na ligtas na itong gawin.

Sundin ang Dosage sa Mga Resetang Gamot

Kung nagreseta ang doktor ng antibiotic o pain reliever, siguraduhing sundin ang tamang dosage at schedule ng pag-inom.

Iwasan ang Stressful Activities

Iwasan ang mabibigat na activities at pagbubuhat ng anumang bagay na mas mabigat pa sa iyong sanggol sa loob ng ilang linggo pagkatapos ng operasyon.

Magsuot ng Kumportableng Damit

Pumili ng maluwag at komportableng damit na hindi direktang kakaskas o maglalagay ng pressure sa iyong sugat.

Kumain ng Masustansiyang Pagkain

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protein, fiber, bitamina C at E, at zinc upang suportahan ang mabilis na paggaling ng sugat.

Regular na Mag-Inspeksyon ng Sugat

Regular na suriin ang iyong tahi para sa mga senyales ng impeksiyon, tulad ng pamumula, pamamaga, paglabas ng nana, o hindi pangkaraniwang init sa paligid ng sugat.

Humingi ng Tulong sa Iyong Support System

Ang pag-aalaga sa sugat ay maaari ding magdulot ng stress, kaya't mahalagang humingi ng suporta mula sa pamilya, kaibigan, o sa iba pang mga support groups mo kung kinakailangan.

Konsultahin ang Iyong Doktor Kung May Pag-aalala

Kung mayroong anumang hindi pangkaraniwang sintomas o kung ang sugat ay hindi gumagaling gaya ng inaasahan, agad na kumonsulta sa iyong doktor.

Paano alagaan ang tahi ng bagong panganak na NSD?

Narito naman ang mga tips para sa NSD mommies na may episiotomy:

Panatilihing Malinis ang Sugat

Hugasan ang sugat gamit ang maligamgam na tubig tuwing pagkatapos gumamit ng banyo. Gumamit ng gentle spray bottle o sitz bath kung inirerekomenda ng doktor. Tiyaking patuyuin ito nang dahan-dahan gamit ang malinis na tuwalya. Maaari ring gawin ang air dry method.

Iwasang Mapressure ang Sugat

Iwasan ang masyadong mahabang panahong nakatayo o nakaupo. Kapag nakaupo, gumamit ng malambot na unan o donut pillow para mabawasan ang pressure sa sugat.

Pagpalit ng Sanitary Pads

Regular na palitan ang sanitary pads tuwing ilang oras para mapanatiling tuyo at malinis ang area. Pumili ng pads na walang fragrance o dyes upang maiwasan ang irritasyon.

Paggamit ng Sitz Bath

Ang pag-upo sa maligamgam na tubig (sitz bath) sa loob ng 15-20 minuto, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw ay makakatulong sa paggaling at pagbawas ng pamamaga.

Pag-inom ng Sapat na Tubig at Kumain ng Fiber-rich Foods

Ang tamang hydration at diet na mayaman sa fiber ay makakatulong upang maiwasan ang constipation, kung saan ang pag-iri ay maaaring magdagdag ng pressure sa sugat.

Pangangalaga sa Hygiene

Palaging maghugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang sugat upang maiwasan ang impeksiyon.

Magpahinga at Iwasan ang Mabigat na Aktibidad

Bigyan ng sapat na oras ang iyong sarili upang magpahinga. Iwasan ang mabibigat na gawain hanggang sa payuhan ka ng iyong healthcare provider na maaari mo na itong gawin.

Kumunsulta sa Doktor

Magkaroon ng regular na konsultasyon sa iyong doktor para sa check-up ng iyong sugat. Siguraduhing sundin ang anumang partikular na payo o treatment na irerekomenda nila.

Paggamit ng Pain Relief

Sumunod sa inirekomenda ng iyong healthcare provider tungkol sa pain relief medications para mabawasan ang discomfort habang nagpapagaling.

Basahin ito para sa mga pros at cons ng C-Section at NSD.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close