shampoo,summer activities,Tagalog,hygiene,Smart Parenting Village,Moms Recommend These Two Shampoo Brands For Their Kids,shampoo, kids shampoo, summer, eskulin, coco haven,Moms swear by these two shampoo brands to keep their kids' hair smelling fresh even during summer
Shopping GuideKids

Kakaligo Lang Pero Amoy Adobo Agad? Here, Two Shampoo Brands Moms Swear By

'Yung akala mo ulam, yun pala pawis na ulo ng anak mo.
PHOTO BYPINTEREST / LAZADA

Real na real na talaga ang summer. Napakainit ng panahon, masarap magpunta sa beach kasama ang pamilya, pero kahit nasa bahay lang hindi maiwasang mangamoy asim sa pawis. 

Kaya naman, usap-usapan sa Smart Parenting Village kung anong shampoo ang pinapagamit nila sa kanilang mga anak.

May isang anonymous nanay na nagtanong dahil ang kanyang 7 taong gulang na anak na lalaki ay sobrang pawisin. Aniya, pag ganitong panahon, amoy ‘asim kilig’ daw ang ulo ng anak niya. Ayaw naman niya pagamitin pa ang anak niya ng adult shampoo dahil baka matapang ito.

To the rescue naman ang mga nanay, at halos lahat sila, itong dalawang shampoo ang ginagamit!

1. Coco Haven 

Madami ang nag-comment ng ‘plus 1’ dito sa shampoo brand na ito. Sabi ng isang mommy, medyo may kamahalan ang brand na ito kaya kahit body wash and shampoo ito, sa buhok lang ng anak niya ginagamit ito. Tipid hack nga naman! 

article image
PHOTO BY LAZADA

Ayon sa website ng Coco Haven, nakilala ang kanilang Subtle Touch Baby Hair and Body Wash sa mga online parenting groups noon pang 2013. 

Bagamat nakasaad sa packaging na pang-baby lang ito, ayon sa Coco Haven, pwede gamitin ang Subtle Touch Baby Hair and Body Wash hangga’t effective at hiyang pa ito sa bata. 

watch now

Sabi ni Mommy Freda Agustin, “Super love ko ito kasi nag-si-stay talaga yung amoy and mabango pa rin ang ulo ng anak ko kahit pawisan na. 6 years old na siya at pawisin talaga ang ulo niya.” 

Mabibili ang Coco Haven Subtle Touch Baby Hair & Body Wash 100mL sa halagang P210.00 sa kanilang website. Meron din namang available nito sa mga resellers sa Shopee. 

2. Eskulin 

Sabi naman ng ibang mommies, para sa kanila, Eskulin ang shampoo na subok nila dahil umaabot daw hanggang gabi na mabango ang ulo ng mga anak nila. 

 

article image
PHOTO BY Pinterest

Kahit anong variant daw ay effective, ayon sa mga mommies. 

Patotoo ni Kryzelle Tugade, “Eskulin, long-lasting ang bango hanggang gabi kahit pawisan hindi nag-aamoy asim ang hair.” 

Ang Eskulin ay isang produkto galing sa Indonesia. Ang isang bote ng 100mL ay nagkakahalagang P74.00 sa official store ng Kino sa Lazada.  

Iwas amoy asim tips

Syempre, kaakibat ng mabangong shampoo ang iba pang mga kailangang gawin upang hindi maging kasing asim ng adobo ang amoy ng ulo ng mga bata.

1. 'Wag maglaro sa labas sa oras kung kailan tirik ang araw.

Lalo na sa pagitan ng 10 a.m. hanggang 4 p.m. kung kailan matindi ang sikat ng araw at maaaring makasira ng balat. Kung lalabas man ng ganitong oras, ugaliing maglagay ng sunblock.

2. Mag-freshen up pagkatapos maglaro sa labas.

Bata pa lamang, turuan na ang mga bata na maligo o maglinis ng katawan pagkatapos maglaro sa labas. Sabi sa isang pag-aaral, nakakaapekto ang hygiene sa kanyang self-image.

3. Uminom ng madaming tubig.

Para presko ang pakiramdam ng mga bata, ugaliing uminom ng maraming tubig. Ayun sa eksperto, kailangang uminom ng mga bata ng 6 na baso (8 oz) kada araw. Iwasan din daw ang mga may kulay na inumin gaya ng soda at softdrinks. Mainam ang juice kung ito ay 100 percent fruit juice.

Nasubukan na ba ng mga anak mo ang mga shampoo na ito? Comment your experience below!

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close