Isang nanay sa Smart Parenting Village ang nagtanong anonymously sa mga kapwa niya magulang kung talaga nga bang maitim ang pribadong parte ng mga babae na kung tawagin niya ay “puchikels.”
Aniya, kahit ba maputi ang complexion ay maitim talaga ang bandang iyon at may mali ba kaya ito umiitim?
Eto ang mga nakatutuwang sagot ng mga kapwa nanay niya:
Sabi ni Mommy Ria, “Hindi naman dinidisplay sa ibang tao so I think okay lang na maitim yun.”
Sumang-ayon naman dito si Anna Ongcoy, “Even OB mo sasabihin talaga it’s normal. Colors may vary talaga, 'wag daw kasi ikumpara sa napapanood sa p*rn.”
Dagdag ni Mommy Roby Sparks, hindi dapat ma-insecure sa kanilang mga asawa kung maitim ang 'down there' nila. “Compare mo din kung ganon ba kalaki at kahaba kanya para it's a tie!”
Sabi ng isang mommy, “Pag mahal ka ng hubby mo, kahit anong color pa niyan, tanggap niya yan! Before kasi nawala confidence ko na makita niya ang pechay ko, kasi nga umitim nung nagbuntis ako. Pero siya mismo nagparealize sa akin na every inch of me is beautiful. He even kisses my CS scar, and hanggang ngayon, steamy pa din ang sexy time namin. Kaya wapakels sa maitim [na private area] at stretch marks!
Sabi naman ni Chery Inoceno-Sunglao, “Okay lang yan basta palaging malinis down there."
Biro naman ni Reyanna Marmito Arcenas, “Dim light lang po gamit ko para sa mga yan.”
Eh ang stretch marks, mawawala ba?
Nagtanong din si anonymous nanay kung paano mawawala ang stretch marks niya dahil aniya, may mga nanay na na-achieve na walang stretch marks at nakakapag-swimsuit sa beach.
Sabi ni Kat Salmos, “I’m always wearing swimsuit even before at kahit now na dami stretch marks, keri lang. Battle scars ko yun! Confidence is the key!”
Tips para sa mga nanay na gusto pumuti ang kanilang private part
Nagtanong kami sa isang dermatologist kung may paraan nga ba para mapaputi ang pribadong parte ng mga nanay.
Sa panayam ng SmartParenting.com.ph kay Dr. Winlove P. Mojica, isang Clinical Associate Professor ng Department of Dermatology ng Philippine General Hospital, sabi niya normal na mas maitim ang joint areas natin dahil brown ang skin color natin. "Tapos pag nagbuntis, pwede pang lalong umitim ang mga areas na ito, kaya relax lang," sabi niya.
Nagbigay naman si Dr. Mojica ng babala sa mga nanay na mahilig sa mga home remedies. "Avoid using vinegar and other cooking ingredients. Madalas lalo pang umiitim ang balat dahil sa irritation dala ng home remedies. Be gentle on your skin." Payo niya, "wash your private area with mild soap and water and moisturize. Ang balat na dry ay mas mukhang maitim."
Ukol naman sa stretch marks, sabi ni Dr. Mojica na kilala rin online bilang The Skin Sensei, "Hindi na sila mawawala. Forever na ang stretch marks dahil isang uri sila ng peklat. Kung mapula ang stretch marks ibig sabihin bago pa. Bigyan ng time mag lighten ito. Lagyan ng sunscreen."
"Tapos, patience and acceptance na talaga," dagdag niya.
Tingnan dito ang mga skincare products na maaaring makatulong sa pagpapaputi ng singit.