embed embed2
  • 5 Paraan Para Makasubok Ng Libreng Gym O Fitness Studio!

    Ang oras na inilalaan sa exercise o fitness routine ay nararapat na panahon sa sarili o “me time.”
    by Jocelyn Valle .
5 Paraan Para Makasubok Ng Libreng Gym O Fitness Studio!
PHOTO BY Geert Pieters/Unsplash
  • Mahalaga ang exercise upang maging malusog ang pangangatawan hindi lamang para sa sariling pakiramdam at pagtingin ngunit pati na rin magampanan nang maayos ang mga tungkulin sa tirahan at trabaho.

    Ang oras na inilalaan sa exercise o fitness routine ay nararapat na panahon sa sarili o “me time.” Dito, kung hindi man nawawala ang mga problema at alalahanin ay lumilinaw ang pag-iisip at maaari pang makagawa ng solusyon. Malaking tulong din ito sa pagtanggal ng stress at pagiging masaya dahil sa hatid nitong feel-good hormones, tulad ng endorphins, dopamine, at serotonin.

    Mga gym o studio na may libreng trial period

    Kung naghahanap ka ng puwede mong exercise, magandang sumubok ng mga gym o studio, pero madalas may kamahalan ang membership fee. Ang good news may ilan na nagaalok ng tinatawag na trial period na affordable at minsan pa nga free ang service. Gamitin ang pagkakataong ito upang malaman kung paano magkaroon ng exercise program na swak sa schedule at budget.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    ClassPass

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang ClassPass ay isang fitness subscription service na may downloadable mobile app at website din. Sundin ang registration process para makapagsimula. May listahan dito ng kanilang partner gyms at studios, kung saan makakapili ng fitness routine na angkop sa iyong hilig at oras. Gamitin lang ang booking procedure na magbibigay access sa gym workouts, boxing, yoga, pole, aerial arts, martial arts, at marami pang iba. Mayroong free trial period na tumatagal mula isang linggo hanggang isang buwan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fitness First

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang global chain of health and fitness club ang Fitness First, at may mga branch dito sa Pilipinas na karaniwang matatagpuan sa mga mall. Bukod sa individual gym workouts ay may mga group exercises, tulad ng yoga at dance. Meron din para sa cardio, strength, at conditioning. Bisitahin ang website para sa free trial.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Anytime Fitness

    International gym franchise din ang Anytime Fitness, na kilala sa pagbibigay ng 24-hour access sa kanilang members. Sa trial period ay may saktong oras lamang ng paggamit, at ito ay kasama pa ang trainer na siyang magbibigay ng fitness assessment. Sa loob ng panahon na ito ay maaaring sumali sa group exercises. Para malaman kung paano makakuha ng free trial at saang branch, bisitahin ang website.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Celebrity Fitness

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroong dalawang branch ang Celebrity Fitness, na kaanib sa network ng gym clubs sa Indonesia, Malaysia, at India. Ang isa ay matatangpuan sa Ayala Avenue sa Makati City at ang isa pa ay sa Bonifacio High Street sa Taguig City. Bisitahin ang website para sa free trial at alamin kung alin sa group fitness classes ang puwedeng salihan. May iba-ibang klase ng cardio, strength, at conditioning exercises, pati na ang yoga, dance, at Zumba. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    YogaPlus

    Para sa first-timer sa yoga studio na YogaPlus, kahit nakasubok na ng yoga sa ibang paraan, ay eligible sa free one-week trial period. Bisitahin lamang ang website at mag-register dito. 

    Ang benepisyo ng yoga ay para sa body, mind, at spirit. Habang nababanat ang katawan, nakakalma naman ang isip at nagigising ang diwa. May simple o mabagal (yin yoga) at mas magalaw o active (yang yoga). Sa active yoga, nariyan ang popular na Vinyasa at Ashtanga. Puwede rin kung saan ang kuwarto ay may init na mula 32-34°C (hot flow) at 36-38°C(hot). Meron pang yoga class na gumagamit ng hammock, o parang telang duyan, at tinawag sa studiong ito na Trapeze.   

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles