embed embed2
  • Maaaring Senyales Ng Mas Malalang Sakit Ang Hindi Nawawalang Bukol Sa Panga

    Posible palang sa ubo at sipon nagsisimula ang mga bukol sa katawan.
    by Anna G. Miranda . Published Nov 30, 2021
Maaaring Senyales Ng Mas Malalang Sakit Ang Hindi Nawawalang Bukol Sa Panga
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Karaniwang benign o hindi naman nakababahala at kumakalat ang namumuong bukol sa ilalim ng panga, sa leeg, sa ilalim ng baba, sa kili-kili, at sa singit. Ngunit kung hindi nawawala o patuloy na sumasakit ang bukol, mainam na magpatingin agad sa doktor.

    Upang mas maunawaan, tuklasin natin kung ano itong lymphatic system.

    Ang iyong lymphatic system ay network ng organs, vessels, at lymph nodes sa buo mong katawan. Sa Filipino, kulani ang tawag sa lymph nodes at karamihan sa mga ito ay nasa ulo at bahagi ng iyong leeg.

    Mayroong lymphocytes ang lymph nodes at ang mga ito ang lumalaban sa mga bacteria at germs na maaaring makapasok sa iyong katawan na nagdudulot ng impeksyon. "Special cells" kung tawagin ang lymphocytes na ito.

    Lahat ng tao ay may lymph nodes at kapag namamaga ang mga ito, ibig sabihin ay mayroong nilalabanang impeksyon ang katawan. Nagsisilbi itong tagapagsala upang maharang ang mga virus, bacteria, at iba pang sanhi ng mga karamdamang makapipinsala sa iyong kalusugan.

    Sa simpleng mga salita: Panlaban natin ang lymph nodes sa iba’t ibang mga sakit.

    Nakababahala ba ang bukol sa ilalim ng panga?

    Kung minsan, kasinglaki ng butil ng monggo o ng holen ang bukol na makakapa sa ilalim ng panga. Ang karaniwang tawag sa mga ito ay "swollen glands" o "swollen lymph nodes." 

    Ayon sa Harvard Health, madalas na ginagamit ang “swollen glands” bilang katumbas ng lymph nodes ngunit ang mga ito ay hindi talaga maituturing na glands kundi small bundles ng white blood cells. 

    Ang production ng white blood cells sa lymph nodes ang isa sa mga paraan kung paano nalalabanan ng immune system natin ang infections at inflammation. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pamamaga sa kulani. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas na kusang gumiginhawa at umiimpis ang bukol na ito sa paglipas ng mga araw, sa tulong ng warm compress at iba pang lunas tulad ng antibiotics.

    Makatutulong ang pagpapatingin sa doktor kapag may bukol sa panga, lalo kung ang sanhi nito ay injury, o kung tumatagal ito nang mahigit sa ilang linggo at may kasamang sintomas tulad ng lagnat, masakit na ulo, at labis na pagod.

    Mga sanhi ng paglaki ng kulani

    Sugat sa tenga, sinusitis, tonsillitis, at sugat sa ulo o mukha ang ilan sa karaniwang mga sanhi ng pamamaga ng kulani sa leeg. Kapag mayroong tumor o infection sa bibig, ulo, o leeg, normal na masundan ito ng swelling o inflammation. Posible ring dahil sa singaw, sirang ngipin, at injury tulad ng sugat o kagat, kaya nagkaka-bukol sa ilalim ng panga.

    Paliwanag ni Dr. Mary Ondinee Manalo-Igot, medical oncologist ng Asian Hospital and Medical Center, normal na lumaki ang kulani sanhi ng impkesyon tuwing may sipon at ubo. Ngunit may warning signs din kung cancerous ang pamamaga ng kulani.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kabilang na riyan ang hindi pagimpis ng namamagang kulani sa pagtagal ng panahon. (Panoorin dito ang panayam kay Dr. Manalo-Igot ng Salamat Dok dito).

    May ilang pagkakataong dapat ding magpa-chest X-ray, ayon sa mga doktor. Kung ilang buwan o taon na ang kulani, posibleng may problema sa baga, o Primary Koch’s Infection, ang pasyente. Mayroon ding iba pang seryosong impeksyon na nauuwi sa mga bukol. Narito ang ilang halimbawa:

    • bacterial infections, tulad ng Strep throat, mula sa streptococcus bacterium
    • pigsa o boil
    • viral infections, tulad ng measles, rubella, chickenpox, o mumps
    • AIDS (acquired immunodeficiency syndrome), na nangyayari sa huling  stage ng HIV (human immunodeficiency virus) infection. Inaatake ng virus na ito ang immune system, kaya nagiging mas mahirap para sa katawan na labanan ito at ang iba pang karamdaman
    • Mononucleosis (Epstein-Barr virus) o cytomegalovirus (CMV). Ang viruses na ito ang dahilan ng fever o lagnat, sore throat, at fatigue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilan pang mga sakit na maaaring sanhi ng bukol tulad ng:

    1. Lyme disease
    2. Syphilis
    3. Noncancerous o benign growths (lipoma, cyst, cystic lesions mula sa acne, ganglion)
    4. Kanser

    Kapag kanser ang sanhi, tulad ng non-Hodgkin lymphoma, kapansin-pansing matigas ang bukol at hindi ito umiimpis kahit higit sa apat na linggo na ang lumipas. Ang non-Hodgkin lymphomas ay karaniwang iniuugnay sa mga abnormalidad ng chromosomes.

    Hernias, aneurysms, o nodules

    Ang hernias o aneurysms ay bulging sections sa isang muscle o blood vessel. Ang nodule naman ay growth o tumutubo sa gland. Maaaring nararamdaman ito sa ilalim ng balat o nakakapa at hindi nakikita. Ang ganitong mga bukol ay dapat na ipasuri din sa mga doktor. 

    Lunas sa namamagang kulani

    Kusang nawawala o umiimpis ang mga bukol na ito. May mga pagkakataon ding nireresetahan ng antibiotics ang pasyente. 

    Maaaring makaginhawa ang sumusunod na home remedies:

    • Paglalagay ng ice pack o cold compress upang maibsan ang pamamaga
    • Over-the-counter (OTC) anti-inflammatories
    • Pag-iwas sa matitigas na pagkain; malalambot na pagkain na lamang ang kainin (piliin ang nakabubusog tulad ng lugaw)
    • Warm compress sa infected lymph nodes o kulani
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang matukoy ang ugat o sanhi ng iyong kulani upang higit na mabigyan ng angkop na gamot kaya ipinapayo pa rin ang pagpapatingin sa doktor.

    Paano maiiwasan ang impeksyon?

    Nangunguna pa rin sa paraan ng pag-iwas sa infections ang madalas at maayos na paghuhugas ng kamay. Kailangan ding mas palakasin pa ang immune system sa pagkain nang wasto at regular na pag-eehersisyo.  

    Mainam at mas nakapagliligtas ang pagiging maagap at maalam tungkol sa kalagayan ng sariling kalusugan.

    Sources: MedlinePlus, Mayo ClinicHarvard Health, Centers for Disease Control and Prevention 

    May nakapang bukol sa kamay? Basahin dito ang mga dapat mong malaman tungkol sa ganglion cyst.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close