Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ang sakit ng ngipin, o tinatawag ding ipin ng ibang Pinoy, ay karaniwang nararanasan ng anumang edad, bata man o matanda. Kapag nakakaramdam ka ng pananakit ng ngipin, nakawawala ito ng focus at para bang buong katawan mo na ang masakit. Kaya mapapahanap ka talaga ng madaliang gamot sa sakit ng ipin.
Mahirap kasing kumilos o gumalaw kapag matindi ang sakit ng ngipin. Hindi ka pa mapakali at makatulog. Sa mga bata, iiyak din sila nang iiyak na mahirap pigilan kaya apektado rin ang mga kasama sa bahay kapag sinumpong sila ng sakit ng ngipin.
Mga posibleng dahilan ng pagsakit ng ngipin
Mahalaga na magpatingin agad sa dentista para mas matiyak kung ano ang dahilan ng pagsakit ng ngipin o pamamaga ng gilagid. Anila, ilan sa mga dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin ay ang mga sumusunod:
- Bulok na ang ngipin
- May dental abcess
- Biyak na ang ngipin
- May infection
- Problema sa braces, pasta, o jacket
Mga natural na gamot sa sakit ng ipin
Maraming bagay ang matatagpuan sa bahay na maaaring panggamot sa sakit ng ngipin. Kuwento ng writer na ito na noong bata siya, ang ginagawa ni Tatay ay magdikdik ng balat ng sanga ng malunggay hanggang lumabas ang katas nito. Pagkatapos, kukunin ang katas nito upang ipasak sa sumasakit na ngipin. Masasabing epektibo ang ganitong paraan nang maibsan ang kirot hanggang makatulog.
Bukod sa malunggay, narito ang mga puwede mong gawin sa bahay para pansamantalang maibsan ang sakit ng ngipin sakaling hindi pa makapunta agad sa dentista.
Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin
Nakatutulong ang tubig na may asin bilang natural na disinfectant. Nakatutulong din ito na maalis ang mga naipong tinga na naiwan sa pagitan ng mga ngipin.
Magdikdik ng bawang at ipasak sa sumasakit na ngipin
Ang bawang ay magsisilbing na pain reliever bukod sa napapatay rin nito ang mga bakteriya dahil sa taglay nitong antibacterial properties.
Gumamit ng vanilla extract
Maglagay ng kaunting vanilla extract sa bulak at ito ang ipasak sa apektadong bahagi. Napatunayang may antioxidant properties ito na epektibo para sap ag-alis ng sakit. Tiyakin lamang na totoong vanilla extract ang gagamitin.
Ngumuya ng dahon ng bayabas
Bilang halamang gamot sa sakit sa ngipin, ngumuya ng sariwang dahon ng sibuyas o di kaya magdikdik ng dahon at pakuluan ito. Bahagyang palamigin ang pinakuluang dahon ng bayabas saka imumog ito. May taglay itong anti-inflammatory properties at anti-microbial na nakatutulong para mawala ang pamamaga ng ngipin o sakit na nararamdaman.
Gumamit ng peppermint tea bags
Ginagamit ito para sa mawala ang sakit at maibsan ang pamamaga ng mga galagid. Bahagyang palamigin ang ginamit na tea bag bago ito ilapat sa bahaging apektado. Dapat na medyo maligamgam ito o may kaunting init pa. Puwede rin itong gawin na malamig. Ilagay lang ang gamit nang tea bag sa freezer para palamigin saka ilapat sa bahaging apektado.
Maghalo ng hyrodgen peroxide sa tubig at imumog
Tiyakin lamang na naihalong mabuti ang 3 % ng hydrogen perode sa 3% din na dami ng tubig. Gamitin itong mouthwash. Huwag na huwag lulunukin. Nakatutulong ang hydrogen peroxide sa pag-alis ng kirot at pamamaga.
Paggamit ng clove oil
Matagal na ring ginagamit ang clove na gamot sa sakit ng ngipin. Maghalo lamang ng clove oil sa carrier oil gaya ng sunflower at jojoba oil. Maglagay nito sa bulak saka ipasak sa bahaging apektado. Gawin ito ng ilang beses sa isang araw. Puwede ring maghalo ng clove oil sa baso ng tubig at imumog ito.
Maglapat ng cold compress kung namamaga ang pisngi
Ibalot lang ang piraso ng yelo sa bimpo at idikit ito sa parte ng mukha kung saan sumasakit ang ngipin. Nakatutulong ito para bahagyang maibsan ang kirot na nararamdaman at umimpis ang pamamaga.
Kung nasubukan naman ang mga nabanggit na natural na gamot pero hindi pa rin naiibsan ang sakit, ipinapayo naman ng mga dentista ang pagbibigay ng mga gamot na mabibili over-the-counter. Nagbibigay ng temporary pain reliver, halimbawa, ang paracetamol. Paalala ng mga dentista na huwag lang masyadong maging dependent sa gamot.
Mahalaga pa rin na agad magpatingin sa dentista para higit na matiyak kung ano ang sanhi ng pagsakit ng ngipin lalo na kung paulit-ulit itong nararanasan. Kailangan pa ring malapatan ng tamang gamot ito upang hindi lumala ang kondisyon. Posibleng hindi ngipin ang masakit kundi ang gums o galagid na maraming naipong tartar na kailangan nang linisin.
Ipinaalala rin nila na huwag subukang hilahin ang sumasakit na ngipin kahit na ito ay matatanggal na dahil sa sobrang bulok o mahina na ang kapit nito sa gilagid. Mas mabuti pang kusa itong matanggal na lamang. Maaari kasing maghatid ito ng impeksyon sa ngipin o posibleng magdulot din ng trauma sa bata. Kaya subukan na lang muna ang paunang lunas bilang gamot sa sakit ng ipin.
Basahin dito ang gamot sa sakit ng ngipin pambata.