-
Home Remedy At Mga Dapat Iwasan Na Gamot Kapag Masakit Ang Tiyan
Narito rin ang ilang uri ng stomach ache at ang mga posibleng dahilan nito.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Halos pangkaraniwan na ang pananakit ng tiyan, pero minsan sintomas na pala ito ng mas malalim na kondisyon. Maaaring subukan muna ang home remedy sa stomach ache nang malaman kung bubuti ang karamdaman bago mag-alala at mabahala.
May ilang uri ng stomach ache at ang mga posibleng sanhi nito. Kung ang pananakit ay may kasamang pagbigat at paglaki ng tiyan, baka kabag ito. Kung masyadong nabusog at nakakaramdam ng heartburn, baka hindi natunawan ng kinain (indigestion).
Kapag hirap sa pagdumi, constipation marahil ito. Pero kung panay naman ang pagdumi na halos tubig na ang lumalabas, habang nagsusuka at masama ang pakiramdam, maaaring diarrhea o di kaya food poisoning.
What other parents are reading
Home remedy sa stomach ache
Sa banayad pa lamang na pananakit ng tiyan, may ilang suhestiyon ang mga eksperto para maibsan ang stomach ache.
Uminom ng tubig o iba pang clear fluids
Iwasan muna kumain ng solid food. Kung nagsusuka, ang payo ay maghintay ng anim na oras bago simulang kumain ulit nang paunti-unti, halimbawa ng crackers. Huwag munang uminom ng gatas at kumain ng produkto mula dito.
Kung ang kirot ay nasa itaas na bahagi ng tiyan at nangyayari pagkatapos kumain, maaaring makatulong ang antacids, lalo na kung nakakaramdam din ng heartburn o indigestion. Tigilan muna ang mga pagkaing maasim, may sanggap na kamatis, prito o mamantika, at puro taba, pati na rin ang mga inuming may caffeine, alcohol, at carbonated.
Iwasan ang mga ilang gamot
Huwag munang uminom ng aspirin, ibuprofen, o iba pang anti-inflammatory medications at narcotic pain medications. Puwera na lang kung nireseta ang mga ito ng doktor. Kapag ang pananakit ng tiyan ay walang kinalaman sa liver condition, maaaring subukan ang acetaminophen.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGumamit ng hot compress
Hindi mo kailangan palagi ng hot compress bag. Maglagay lang ng mainit na tubig sa boteng babasagin, takpan ito, at ipatong sa sumasakit na tiyan. Magpahinga nang husto.
Uminom ng ginger tea
Maraming benepisyong hatid ang luya, kabilang na ang sakit sa tiyan. Ilaga ang ilang piraso ng luya at gawin itong salabat.
Ngumata ng menthol mint
Napag-alaman sa isang research na tradisyonal na ginagamit ang mint laban sa indigestion, diarrhea, at kabag sa mga bansang Iran, Pakistan, at India.
Haluan ng kaunting cinnamon powder ang inumin o pagkain
Nakakatulong daw ang cinnamon sa pagtanggal ng hangin sa tyan at hatid nitong pananakit at pamamanas. Mayaman kasi ang cinnamon sa antioxidants at iba pang substances na nakakabawas ng stomach acidity.
Uminom ng juice mula sa katas ng aloe vera
Lumabas sa isang study na ang mga taong uminom ng 10 ml ng aloe vera juice araw-araw sa loob ng apat na linggo ay nakaramdam ng ginhawa mula sa heartburn, flatulence, belching, nausea, vomiting, at acid/food regurgitation.
Uminom ng buko juice
Ang kailangan na buko juice ay iyong puro at walang halong gatas at asukal. Mayaman ang tinatawag ding coconut water sa potassium at magnesium, na makakatulong sa pagbawas ng kirot at hilab sa tiyan. Nakaka-hydrate din ito, lalo kapag nakakaranas ng diarrhea.
Kumain ng saging
Nakakalma ang saging ng tiyan at nakakatigas ng dumi kapag may diarrhea. Ang taglay nitong vitamin B6, potassium, at folate ay maaari ding makatanggal ng pananakit, paghihilab, at paninigas ng muscles.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKapag hindi gumaling dahil sa home remedy sa stomach ache, magpakonsulta na sa doktor. Ang biglaang pananakit sa lower right-hand side ng tiyan, halimbawa, ay maaaring tanda ng appendicitis.
Malamang na kidney stones naman kung ang kirot mula sa tiyan ay bumaba sa may groin area at nahihirapang umihi.
Isa pang babantayan ang gallstones, lalo na kung ang kirot ay sa gitnang parte ng tiyan o nasa ilalim ng tadyang sa kanang bahagi.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments