Tagalog,gout,greener,con-00370,pagkain bawal sa gout,Pagkain Bawal Sa Gout | Smart Parenting,gout, pagkain bawal sa gout, low-purine diet, gamot sa gout, ano ang gout, arthritis, sakit sa buto,May mga pagkain bawal sa gout ang dapat iwasan nang hindi atakin ng ganitong uri ng arthritis na nagdudulot ng labis na kirot sa apektadong buto.
HealthYour Health

Bawal Ba Ang Munggo At Mani Sa May Gout? 10 Pagkain At Inumin Na Mas Dapat Iwasan

Mahalaga ang balanse ngunit low-purine diet para sa mga may gout.
PHOTO BYfreepik/our-team

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag may selebrasyon  at espesyal na okasyon, siguradong marami ang sabik na naghahanda at kumakain ng iba’t ibang putahe. Totoo namang napakaraming masarap na mga pagkain at inumin pero ilan dito ay pagkain bawal sa gout. Nagdudulot kasi ang mga ito ng mataas na levels ng uric acid sa ating katawan.

Ayon sa mga eksperto, ang excess levels ng uric acid, o pagkakaroon ng hyperuricemia ang pinakapangunahing sanhi ng gout. Ang gout ay uri ng inflammatory arthritis na nagdudulot ng pananakit at pamamaga ng joints o kasukasuan. Maaaring tumagal sa loob ng isa o dalawang linggo ang gout flares o gout attacks.

Sa mga datos na nakalap ng National Institute for Health and Care Excellence sa United Kingdom, tinatayang 2 hanggang 3% ng mga tao sa UK ay may gout noong 2021. Karaniwang mga lalaking edad 30 ang mayroon nito at mga babaeng katatapos lamang dumaan sa menopause.

Mga sintomas ng gout

Mahalaga na magpatingin sa doktor kapag nakakaramdam ng ganitong mga sintomas:

  • Pananakit ng apektadong joints
  • Mainit at naninigas na joints
  • Pamamaga at pamumula

Karaniwang sa gabi nararanasan ang mga sintomas, at nagsisimula maramdaman ang mga ito sa malaking daliri sa paa (big toe o metatarsophalangeal joint).

Mga taong prone sa gout

Ayon sa United States Centers of Disease Control and Prevention (CDC), ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkakaroon ng mataas na posibilidad na magka-gout ang isang tao:

1. Pagiging lalaki

2. Pagiging obese

3. Pagkakaroon ng health conditions, katulad ng:

  • Congestive heart failure
  • Hypertension (high blood pressure)
  • Insulin resistance
  • Metabolic syndrome
  • Diabetes
  • Poor kidney function

4. Ilang medikasyon gaya ng diuretics (water pills)

5. Labis na pag-inom ng alak

6. Labis na pag-kain ng mga bawal sa gout

Low-purine diet para sa may gout

Low-purine diet ang inirerekomenda ng mga doktor at nutrionist-dieticians para sa mga taong mataas ang uric acid sa dugo (hyperuricemia). Kapag mataas ang uric acid, mataas din ang tsansa ng pagkakaroon ng gout at bato (kidney stones).

watch now

Ang purine ay kemikal na natural na natatagpuan sa ating katawan at sa ilang mga inumin at pagkain. Byproduct ang uric acid kapag napoproseso o nabi-breakdown ng ating katawan ang purines.

Narito ang listahan ng mga pagkaing mataas sa purine, kaya dapat limitahan ang konsumo kung di man maiwasan nang tuluyan:

1. Matatamis na inumin at panghimagas

2. Mga pagkaing may mataas na fructose corn syrup

3. Beer at alcohol

Pinipigilan ng alak ang mga bato (kidneys) na tanggalin ang uric acid sa ating                 katawan, kaya dumarami lamang ito.

4. Game meats (goose, veal, venison)

5. Lamanloob (organ meats) tulad ng atay, tripe, utak, at bato

Halimbawa nito ang bopis. Ang iba pang katulad ng balun-balunan at isaw ay mataas din sa purines. 

6. Red meat (mula sa baboy, manok, at baka)

7. Shellfish:

  • Hipon
  • Crayfish
  • Alimasag
  • Alimango
  • Lobster
  • Pusit
  • Octopus
  • Oyster
  • Clam
  • Tahong

8. Isda:

  • Alumahan
  • Bangus
  • Bisugo
  • Dalagang-bukid
  • Dilis
  • Galunggong
  • Gindara (codfish)
  • Hasa-hasa
  • Lapu-lapu
  • Matambaka
  • Maya-maya
  • Sardinas
  • Tambakol
  • Tamban
  • Tanigue
  • Tawilis
  • Tuna
  • Tulingan

9. Gravy at meat sauce

10. Yeast at yeast extract

Kadalasang sinasabi na bawal ang mga buto o beans, tulad ng munggo at mani. Pero maaari pa ring kumain ng mga ito, basta limitahan lamang. 

Mayroon ding mga gulay, grains, at prutas na nakapagpapataas ng uric acid. Kaya limitahan ang pag-kain ng mga ito kung inaatake na ng gout. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Asparagus
  • Spinach
  • Beans
  • Peas
  • Lentils
  • Oatmeal
  • Cauliflower
  • Mushrooms
  • Mansanas
  • Peras
  • Peaches
  • Dates
  • Ubas

Stages ng gout

May ilang yugto bago maging ganap na sakit ang gout:

Hyperuricemia

Pagkakaroon ng elevated levels ng uric acid sa dugo at mga hugis-karayom na kristal na nabubuo sa joints. Karaniwang walang sintomas na nararanasan.

Gout flares

Sa stage na ito nakararanas ng matinding pananakit at pamamaga ng kasukasuan.

Interval o intercritical gout

Panahong pagitan ng gout attacks at walang nararamdamang pananakit.

Tophi

Late stage na ito ng gout, kung saan ang build-up ng crystals ay nasa balat at iba pang bahagi ng katawan.

Maaaring makapinsala ito nang pangmatagalan depende sa kanilang lokasyon. Maaaring sa kasukasuan at ibang internal organs tulad ng kidneys ang permanent damage. Ang pagsailalim sa maayos na gamutan para sa gout ang makaiiwas sa pag develop ng tophi.

Diagnosis at treatment ng gout

Nalalaman ang lagay ng uric acid sa katawan sa pamamagitan ng urine test at blood test. Mahalagang komunsulta sa iyong doktor nang mabigyan ka ng advice depende sa resulta ng iyong uric acid test.

Mainam na gawin ang mga sumusunod:

1. Iwasan ang mga pagkaing mayaman sa purines.

2. Magbawas ng timbang. Ang pagbabawas ng timbang ay makatutulong na mabawasan din ang pressure sa joints, partikular sa balakang at sa mga tuhod. Naiibsan din nito ang sakit, nakatutulong sa bilis at kakayahang kumilos ng pasyente, at napababagal ang pag-progress ng arthritis.

3. Protektahan ang joints sa pamamagitan ng pagpili ng mga aktibidad. Mainam ang low-impact exercises, tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, at paglangoy.

Mga dapat tandaan

Maraming healthcare providers ang nanghihikayat sa mga pasyente na magpokus sa general dietary guidelines imbes na sa pag-iwas sa halos lahat ng pagkain. Halimbawa, inirerekomenda nilang magkaroon ng iba't ibang sources ng protina. Maaari pa rin namang kumain ng karne at seafood ngunit limitahan lamang ang dami ng kinokonsumo.

Kumain pa rin ng mga prutas at gulay. Marami dito ay mababa sa purines. Kahit sa mga pag-aaral, hindi rin gaanong nakakaapekto ang prutas sa gout symptoms. I-enjoy pa rin ang grains tulad ng kanin, pasta, tinapay, at cereals. Iwasan lamang ang oats kung kinakailangan.

Pagdating sa packaged na mga produkto, tandaan na karamihan ay may mataas na fructose corn syrup, lalo kung mataas ang sugar natin.

Maaaring piliin ang sumusunod na inumin at pagkain upang maibsan ang mga sintomas ng gout:

1. Gatas

Pinabibilis kasi nito ang excretion ng uric acid sa ating ihi at nababawasan din ang inflammatory response nito sa uric acid crystals na nasa kasukasuan.

2. Cherries o di kaya cherry juice

Mayroong anti-inflammatory properties at naiibsan din nito ang sintomas ng gout. 

3. Coffee

Iba ang acid na nasa kape kaysa sa uric acid. Tulad ng gatas, napabibilis din nito ang pag-breakdown ng purine sa uric acid at pinabibilis din ang rate ng excretion.

4. Tubig

Lima hanggang walong baso ng tubog kada araw ang inirerekomenda. Hindi gaanong nakararanas ng gout symptoms ang malakas uminom ng tubig. Ginagamit kasi ng ating kidneys ang tubig sa pag-excrete ng uric acid sa ating ihi. Nakabubuti rin ang tubig sa kidney health.

Dahil nagiging uric acid nga ang purine, ang pag-iwas sa pagkain bawal sa gout ay makatutulong upang mabawasan ang uric acid sa ating katawan.

Mahalagang makipagtulungan sa iyong doktor para sa treatment o diet plan matapos kang suriin at kausapin, lalo na kung mayroon ka ring iba pang chronic conditions kagaya ng diabetes o heart disease. Mainam pa rin na alam mo ang mga pagkain bawal sa gout.

Basahin dito kung anong gamot sa gout.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close