Tagalog,gout,greener,con-00370,anong gamot sa gout,Anong Gamot Sa Gout | Smart Parenting,arthritis, ankle, knee, gout, anong gamot sa gout, gout attack,Anong gamot sa gout ang tanong ng mga taong may ganitong karamdaman na hatid ay lubhang sakit sa hinlalaki sa paa at iba pang parte ng kasu-kasuan.
HealthYour Health

Kapag Umatake Ang Gout, Subukan Ang Ganitong Panggamot Para Maibsan Ang Sakit

Maaaring tamaan ng gout ang ibang joints sa katawan, bagamat kadalasang nangyayari ito sa big toe.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Isa ang arthritis sa iniiwasang medical conditions dahil kilala ito bilang malawak na mga sakit sa kasukasuan (joints). Ang ilan sa mga uri ng arthritis ay nagdudulot ng pamamaga, kabilang na ang gout.

Maraming mga pagkain ang dapat tanggalin sa diet ng mga mayroong ganitong karamdaman, bukod pa sa pagsunod sa kung anong gamot sa gout. Mabuti pa raw ang mga bata dahil kahit ano ay puwede nilang kainin. Habang nagkakaedad na kasi, marami nang bawal.

Mga dapat malaman tungkol sa gout

Apektado ng gout hindi lang ang hinlalaki sa paa, o big toe, ayon sa nakalap na datos ng mga eksperto tulad ng Cleveland Clinic. Nariyan din ang tuhod, bukong-bukong (ankle), kamay, pulso (wrist), at siko.

Sobrang sakit ang naidudulot ng inflammatory arthritis na ito. Sabi nga ng mga nakakaranas ng gout, napakasakit kahit tamaan lang ng kumot at may pagkakataong hindi pa makalakad. Pero hindi pa natutukoy kung anong gamot sa gout ang lubos na epektibo upang hindi na ito magpabalik-balik. 

Ang gout ay dulot ng hyperuricemia, kung saan mayroong labis na uric acid ang ating katawan. Matatalas na kristal ang namumuo sa hinlalaki sa paa o sa iba pang kasukasuan. Ang acid crystals ang nagdudulot ng mga atake, o episodes, ng pamamaga at labis na sakit na tinatawag na gout attacks.

Huwag mag-alala masyado dahil gumiginhawa rin naman ang pakiramdam sa pamamagitan ng mga gamot at mga pagbabago sa diet at lifestyle ngunit wala pang gamot para tuluyan itong mawala sa taong may mataas na uric acid.

Kahit sino ay maaaring tamaan ng gout. Karaniwang nararanasan ito ng mga babae pagkatapos ng menopause. Mas maaga rin itong nararanasan ng mga lalaki kaysa ng mga babae. Dahil mas mataas ang levels ng uric acid ng mga lalaki, tatlong beses na mas mataas ang posibilidad na sila ang magkaroon nito.

watch now

Bukod sa kasarian at edad, ilan pang risk factors ng gout ang sumusunod:

  • Congestive heart failure
  • Diabetes
  • Family history ng gout
  • Hypertension (high blood pressure)
  • Mga sakit sa kidneys at liver
  • Obesity o labis na timbang 

Ang mga umiinom ng water pills o diuretics, pati ang mga may diet na puro karne at ang mga madalas na umiinom ng alak ay mayroon ding mataas na posibilidad na magkaroon ng gout.

Mga sintomas ng gout

Ang ating katawan ay gumagawa ng uric acid sa proseso ng pag-break down ng mga kemikal na purines. Kalakip ang purines sa ilang mga pagkain at inumin. Ang karaniwang byproduct na ito ay dumaraan sa mga bato at nailalabas ng katawan sa pag-ihi.

Kung minsan, ang labis o mataas na uric acid ang napo-produce ng katawan o hindi ito nakakayang salain ng ating mga bato. Kapag may mataas na levels ang uric acid o hyperuricemia, ang uric acid crystals ay maaaring manatili sa kasukasuan. Ang buildup ng uric acid sa joints at soft tissue ay tinatawag na tophus. Ang matatalas at mala-katayom na mga kristal na ito ang sanhi ng gout. 

Mararamdaman sa mga kasukasuan ang mga sumusunod sa gout attack:

  • Labis na sakit
  • Pamumula
  • Paninigas o stiffness
  • Pamamaga
  • Panlalambot
  • Init o warmth, na para bang nag-aapoy ang kasukasuan

Maaari itong maramdaman sa iisang kasukasuan lamang o sa iba't ibang kasukasuan sa katawan. Tumatagal ito sa loob ng isa o dalawang linggo. Maaari ding walang sintomas na maramdaman sa pagitan ng gout attacks.

Gaano kadalas ang gout attacks? Mayroong ibang mga tao na madalas magka-gout attack. Mayroon ding mga tao na taon ang pagitan ng kanilang episodes ngunit mas matagal bago ito humupa.

Paano nada-diagnose ang gout?

Mainam kung magpapatingin sa isang rheumatologist. Siya ang doktor na ang specialization ay sa gout at iba pang uri ng arthritis.

Kailangang sabihin sa doktor ang sumusunod upang matulungan siyang makapagbigay ng wastong diagnosis:

  • Mga sintomas
  • Physical examination
  • Mga resulta ng lab tests
  • Imaging tests

Mahalagang malaman ng doktor kung gaano katagal at kadalas ang nararamdamang sintomas ng pasyente. Susuriin din ang apektadong joints upang matsek kung mayroong pamamaga, pamumula, at kung mainit ito. 

Sa blood tests matutukoy kung gaano karami ang uric acid sa iyong katawan. Mas mauunawaan din ng doktor ang iyong kondisyon sa tulong ng X-rays, ultrasound o di kaya magnetic resonance imaging (MRI).

Maaari ring gumamit ng karayom ang doktor upang makakuha ng fluid mula sa kasukasuan. Gamit ang microscope, mahahanap nila ang uric acid crystals o iba pang problemang nagdudulot ng pananakit ng kasukasuan. Posible rin kasing may bakterya o iba pang uri ng kristal dito.

Paano ginagamot ang gout?

Mahalagang magpatingin sa mga doktor na ang espesyalisayon ay gout. Karamihan kasi sa mga sintomas nito ay katulad ng mga sintomas ng iba pang inflammatory diseases.

Maaaring mabigyan ng treatment ang mga may ganitong medical conditions at nakatutulong din ang ilang self-management strategies.

Kasama ang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen, steroids, at ang anti-inflammatory drug colchicine. Mahalaga ring simulan ang lifestyle modifications tulad ng pagbabawas ng timbang, pag-iwas sa alak at mga pagkaing mataas sa purines, at pag-iwas sa diuretics.

Paano makaiiwas sa pamamaga ng kasukasuan?

Makatutulong ang sumusunod upang hindi ka magkaroon ng ganitong medical condition:

1. Uminom ng maraming tubig upang matulungan ang kidneys na magawa nang maayos ang kanilang trabaho at maiwasan mo rin ang dehydration. May mga nagsasabi ring nakakatulong ang pag-inom ng cherry juice base sa kanilang mga karanasan.

2. Mag-ehersisyo upang manatiling nasa normal na range ang timbang. Ang labis na timbang kasi ay nakapagpapataas din sa uric acid.

3. Iwasan ang mga pagkain at inuming mataas sa purines.

Ayon sa mga pag-aaral, ang sumusunod na mga pagkain ang dapat iwasan upang hindi tumaas ang uric acid:

  • Lamandagat o seafood (dilis, tamban, tahong, mussels, scallops, sardines, codfish, mackerel, alimasag, lobster, oysters, hipon
  • Karne (bacon, turkey, veal, venison, atay o liver
  • Mga gulay (asparagus, pati na dried beans kagaya ng garbanzo, mushrooms, peas, spinach)

Mataas din sa purines ang mga fruit juice at gravy. Mayroon ding mga gamot na maaaring magdulot ng elevated uric acid levels kagaya ng diuretics o “water pills” at immunosuppressants.

Payo ng mga ekspero na agad na magpatingin sa doktor kung mayroong matinding pananakit ng joints at iba pang mga sintomas ng gout na hindi naiibsan sa paglipas ng mga araw. Hindi dapat balewalain ang gout dahil posibleng mauwi ito sa permanenteng pinsala sa iyong kasukasuan.

Kapag nakakaranas ng gout attack, maaaring subukan ang mga sumusunod:

  • Lagyan ng yelo ang bahaging apektado ng gout kung hindi labis ang kirot
  • Para sa pamamaga ng paa, ipatong ito sa mga unan
  • Bawasan o iwasang may stress sa kasukasuan
  • Inumin ang gamot na rekomendado ng doktor sa gout o di kaya ipahid kung iyon ang tamang application.

Nakaaapekto rin ang gout sa iba't ibang aspekto ng ating buhay. Kasama rito ang trabaho at leisure activities. Tandaang mas maagang magpa-check up, mas maaga ring maaagapan ang paglala ng mga sintomas ng gout at mas mauunawaan kung anong gamot sa gout.

Basahin dito ang tungkol sa sakit sa tuhod at dito sa sakit ng tuhod gamot.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close