embed embed2
  • Mga Posibleng Dahilan Ng Pasmadong Kamay Maliban Sa Nabasa Ito Nang Pagod

    May ilang remedyo sa namamanhid, masakit, at pawisin na mga kamay.
    by Jocelyn Valle .
Mga Posibleng Dahilan Ng Pasmadong Kamay Maliban Sa Nabasa Ito Nang Pagod
PHOTO BY Shutterstock/JoEimaGe
  • Natural sa mga Pinoy na iwasan ang paghuhugas ng kamay pagkatapos ng gawaing gamit ang parteng ito ng katawan. Mahigpit ang pag-iwas lalo na kung may sangkot na init, tulad ng pagpaplantsa, dahil sa lamig ng tubig. Baka daw kasi mauwi sa pasmadong kamay.

    Ano ba ang pasma? 

    Ang konsepto ng pasma ay sinasabing nag-ugat sa sinaunang paniniwala na salungat ang interaksyon sa pagitan ng init at lamig. Ito raw ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng pamamanhid, pananakit, panginginig, at pamamawis.

    Nagbigay ng paliwanag si Michael Tan, isang anthropologist at writer, sa kanyang Inquirer column at libro na “Revisiting Usog, Pasma, Kulam.”

    Aniya ang pasma ay hango sa Spanish word na “espasmo,” na spasm naman ang ibig sabihin sa English, partikular ang musculoskeletal spasm. Isa raw itong folk illness na hindi nababanggit sa medical textbooks o napagu-usapan sa medical schools.

    Tinatawag din ang pasma bilang “exposure illness” sa academic paper na isinulat ni Tan at kanyang mga kasamahan na nailathala noong 2014 sa National Center for Biotechnology Information (NCBI). Iyon daw ang resulta kapag inatake ng elementong init ang elementong lamig, at vice-versa.

    Dapat daw may balanse, paliwanag ng mga manunulat ng “Cultural Beliefs on Disease Causation in the Philippines: Challenge and Implications in Genetic Counselling.” Hindi ito nalalayo sa Chinese concept ng "yin" at "yang" na tumutukoy sa “balance between the two opposite, complementary, interdependent forces of nature.”

    Mga sintomas na inuugnay sa pasma 

    Sa kabilang banda, hindi kumbinsido ang mga doktor sa konsepto ng pasma. Kaya tuloy-tuloy daw ang pananaliksik ng mga ekperto tungkol dito, sabi ni Dr. Teresita Joy P. Evangelista sa interview ng GMA-7 medical program na Pinoy MD noong 2018.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Tinitignan talaga kung may basehan na ang init at lamig, ang pagpapalit ng temperatura ay nakakasama sa katawan ng tao,” lahad ni Dr. Evangelista.

    Dagdag ni Dr. Evangelista na maaaring may ibang dahilan ang mga sintomas na inuugnay sa pasma. Pangunahin dito ang carpal tunnel syndrome, isang common condition na nagdudulot ng pagkirot, pamamanhid, at pakiramdam na pagtusok sa kamay at paa. 

    Lahad niya “Ang median nerve na dumadaan sa ating mga kamay ay naiipit dahil sa sobrang gamit ng kamay, sobrang paghawak, at sobrang taas-baba ng kamay. Kamukha sa pagpipiga [kapag naglalaba], sa paggamit ng computer.”

    Posibleng dahilan kung bakit pasmado ang kamay

    Samantala, ang pagpapawis naman ng kamay ay kilala sa medical term na hyperhidrosis. Mga posibleng dahilan nito ang hyperthyroid, gout, obesity, o di kaya menopause.

    Para makasiguro, may mga payo at paalala si Dr. Evangelista:

    • Mainam na magpatingin sa doktor nang mabigyan ng tamang diagnosis at treatment.
    • Iwasan ang pag-inom ng caffeinated drinks, gaya ng kape at soft drinks, upang mabawasan ang panginginig ng kamay.
    • Ugaliin na ipahinga ang mga kamay at huwag sobrang pagurin.
    • Nagagamot ang hyperhidrosis sa pamamagitan ng botox.

    Maaaring mabawasan ang pagpapawis ng kamay sa pamamagitan ng pagbabad ng mga kamay sa palangganang may maligamgam na tubig at halong chemical compound na alum.

    Aniya, “Ang alum ay isang magandang pampatuyo ng pawis. Nakikita ’yan sa tawas at lahat din ng drying agent, pampatuyo, kamukha ng baking soda. Puwede rin ang suka, kalamansi, o lemon.”

    Mga pinaniniwalaang home remedy sa pasmadong kamay

    Samantala, kahit walang medical basis ang pasma, marami pa rin ang patuloy na naniniwala sa kaugaliang naipapasa ito sa maraming henerasyon. Kaya kanya-kanyang diskarte sa paggamot ng pasmadong kamay bilang home remedies.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Pagmasahe o hilot nang matanggal ang lamig na bumabalot sa pasmadong kamay
    • Pagbabad ng mga kamay sa palangganan na may tubig at kinatas ng kamatis bilang pangkuskos sa kamay
    • Paglalagay ng baby powder sa mga kamay na pawisin
    • Pag-inom ng maraming tubig para bumaba ang temperatura ng katawan at mabawasan ang pagpapawis ng mga kamay
    • Pag-iwas sa pagkain ng matamis at maanghang
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles