chest pain,Tagalog,greener,con-00370,sakit sa dibdib,Sakit Sa Dibdib | Smart Parenting,sakit sa dibdib, chest pain, health problems, medical issues, heartburn,May ilang sanhi ng sakit sa dibdib hindi lang heart problems pero pati na iba pang health issues.
HealthYour Health

Sakit Sa Dibdib: 8 Dahilan Na Walang Kinalaman Sa Puso

Hindi lang heart problem ang nagdudulot ng pananakit ng dibdib.
PHOTO BYPexels/Engin Akyurt

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Naranasan mo ba ang minsang pagsakit ng iyong dibdib na pakiramdam mo ay may nakadagan, may kirot, o tila tinutusok ang dibdib, at nahirapan kang huminga? Eto pa: Para kang aatakihin sa puso pero hindi naman? Hindi mo rin matiyak kung saan nanggagaling ang sakit sa dibdib, kung sa loob o sa labas ba.

Bakit sumasakit ang dibdib

Maraming tao na nakararanas ng pagsakit ng dibdib ang naga-akala na meron silang sakit sa puso. Pero ang totoo, may iba’t ibang posibleng dahilan nito. Maaaring hindi naman ito mapanganib sa iyong kalusugan o kaya naman maaaring sanhi ng mga seryosong kondisyon na nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

May paliwanag ang MedlinePlus, ang health information site ng United States National Library of Medicine. Anila, ang pagsakit ng dibdib ay damay sa pagkirot ng anumang parte sa harapang bahagi ng iyong katawan, kadalasan sa pagitan ng leeg at itaas ng tiyan.

Ayon naman sa Johns Hopkins Medicine, may iba-ibang posibleng dahilan ang pagsakit ng dibdib gaya ng pagkabatak ng muscle at pagkakaroon ng asthma. Iba-ibang sintomas din ang nararanasan gaya ng paninikip ng dibdib, pag-ubo, pagbahing, at pakiramdam na may kirot.

Sa mga bata, ang sakit sa dibdib ay napakadalang na maging sintomas ng seryosong sakit sa puso. Hindi ito nagdudulot ng anumang problema at agarang gamutan. Kadalasan din, kusa itong nawawala pero dapat pa ring ipagbigay-alam sa doktor lalo na kung may kasama itong hirap at paghahabol ng hininga, pagbabago sa kulay ng labi, mabilis na tibok ng puso, pagkahilo, o pagkahimatay.

Mga sanhi at sintomas ng sakit sa dibdib

May ilang dahilan kung bakit kumikirot ang parteng dibdib.

Indigestion o di kaya heartburn

May pagkakataon na napadami at napabilis ang pag kain mo kaya hindi natunawan, at indigestion ang resulta. Nagkakaroon ka ng pakiramdam na busog o puno ng hangin ang tiyan, at umiinit ang dibdib. Heartburn naman ang tawag diyan, na sintomas din ng acid reflux. Ito iyong pag-akyat ng stomach acid papunta sa esophagus at lalamunan.

watch now

Kapag napapadalas ang atake ng acid reflux, posibleng mauwi ito sa gastroesophageal reflux (GERD).

Sprain sa dibdib

Nagsisimula pagkatapos makaranas ng injury sa dibdib o dahil sa sobrang page-ehersisyo na nagagamit nang labis ang dibdib. Makabubuti kung maipapahinga ito muna bago mag-exercise ulit.

Pagkabalisa o panic attack

Nati-trigger ito kapag matindi ang paga-alala o labis na nababahala, kaya nakakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso, pinapapawisan, at pagkahilo.

Impeksyon sa dibdib o pneumonia

Mas tumintindi ito kapag humihinga, umuubo na may kasamang dilaw o berdeng plema, at mataas ang temperatura.

Shingles

Pagkakaroon ito ng mga sugat sa balat o rashes, at pangangati ng balat.

Constochondritis

Pamamaga ang mga litid na nasa rib, ito ang karaniwang dahilan ng pagsakit ng dibdib ng mga bata at kabataan na madalas kusang nawawala naman.

Contusions

Nangyayari ito kapag nabangga ang dibdib na nagdudulot ng problema sa soft tissue na nasa ilalim ng balat pero hindi nito nasisira ang balat.

Tietze disease

Pamamaga ito ng mga kasu-kasuan kung saan nakakonekta ang itaas na rib sa breastbone. Magdudulot ng pakiramdam na parang may nakatusok o nakadagan sa dibdib na inaakala ng ibang tao na aatakihin sila sa puso. Hindi naman ito mapanganib at kusang nawawala rin. Nararanasan ito pag patuloy ang pag-uubo, may injury sa dibdib, o labis na mga pisikal na gawain, gaya ng pagbubuhat at pag-eehersisyo.

Bukod pa sa mga nabanggit, maaaring makapagdulot din ng sakit sa dibdib ang pagtulog nang patagilid na naiipit ang dibdib o kaya naman ang maling pag-upo na nakahukot at nakayuko.

Kung ang nararanasang pagsakit ng dibdib ay nasa bandang kaliwa posibleng ito ay dahil sa heartburn o pangangasim, costochondritis o sakit sa buto, at cardiac ischemia o pagkakaroon ng bara sa puso. Kapag nakapa mo ang iyong dibdib at napisil mo ang iyong buto at masakit ito, mabuti ito paliwang ng mga eksperto dahil ang sakit sa dibdib na nararanasan mo ay  galing buto lamang at hindi sa puso.

Pagsakit ng dibdib dahil sa sakit sa puso

May mga uri ng sakit sa puso na nagdudulot talaga ng pagsakit ng dibdib gaya ng pericarditis na kadalasang nagdudulot ng biglaan pagsakit ng dibdib at parang may tumutusok na mas tumitindi kapag humihinga nang malalim o nakahiga; at ang angina o atake sa puso na may pareho ring sintomas pero mas nakababahala ito sa kalusugan at sa buhay ng tao.

Mga dapat gawin kapag masakit ang dibdib

Pinakamahalagang gawin kung sumasakit ang dibdib ay magpahinga. Ipahinga ito upang makaramdam ng ginhawa. Maaari ding gawin ang mga tips na ito:

Kapag may nakapa na nodule sa bahagi ng rib, masahiin ang bawat rib nang 5 hanggang 10 minuto. Dahan-dahan lamang at may tamang diin para lumuwag ang pakiramdam.

I-stretch ang dibdib nang bahagya para medyo lumuwag din ito. Puwede ring igalaw-galaw o ipaikot ang mga balikat at ibukas paharap ang dibdib para ma-expand ito. Makapaghahatid ito ng ginhawa sa pakiramdam.

Paliwanag din ng mga eksperto na maraming sakit sa dibdib na galing lamang sa mga buto-buto at kalamnan sa dibdib. Kaya walang labis na dapat na ipag-aalala pero hindi rin naman ito basta dapat balewalain lang.

Agad namang magpatingin sa doktor kung pababalik-balik ang nararanasang sakit sa dibdib at nakakaramdam ng sakit sa dibdib pero agad na nawawala naman. Mahalagang komunsulta sa doktor para makahingi ng tamang payo at makatiyak na walang anumang malalang kondisyong pangkalusugan na kaakibat nito.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/A-to-Z-Symptom-Chest-Pain

https://www.nhs.uk/conditions/chest-pain/

https://medlineplus.gov/ency/article/003079.htm

---

Basahin dito tungkol sa bukol sa dibdib at dito kung paano mawala ang pimples sa dibdib.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close