-
Hindi Lang Diabetes Ang Dulot Ng Problema Sa Pancreas: 4 Pang Sakit Sa Lapay
Malaki ang papel ng lapay, o pancreas, sa digestive system.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag sinabing pancreas, na lapay sa wikang Filipino, kaagad itong inuugnay sa diabetes. Pero meron pang ibang sakit sa lapay na kailangan ding bigyan ng pansin.
Mga dapat malaman sa lapay
Malaki ang papel na ginagampanan ng lapay o pancreas sa digestive system, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Matatagpuan ang pancreas sa may bandang likuran ng tiyan, at halos kasinglaki ng kamay.
Pancreatic enzymes
Habang nangyayari ang proseso ng digestion, gumagawa ang lapay ng katas, o pancreatic juices, na kung tawagin ay enzymes. Ang enzymes ang tumutunaw sa sugars, fats, at starches na mula sa mga kinain. Naglalakbay ang pancreatic enzymes mula sa lapay, sa pamamagitan ng mga lagusan, hanggang makarating sa itaas na bahagi ng small intestine. Tinatawag itong duodenum.
Araw-araw, tinatayang 8 ounces ang ginagawa ng lapay na digestive fluid na puno ng enzymes. Narito ang iba-ibang klase ng enzymes:
Lipase
Katuwang ng enzyme na ito ang bile, na gawa ng atay (liver) para matunaw ang taba sa kinakain mo. Kapag kulang sa lipase ang iyong katawan, mahihirapan itong sipsipin ang taba (fat) at ang importanteng fat-soluble na vitamins (A, D, E, K). Kabilang sa mga sintomas ng poor fat absoption ang diarrhea at fatty bowel movement.
Protease
Tinutunaw ng enzyme na ito ang protina mula sa iyong mga kinakain. Tumutulong din itong labanan ang germs na maaaring nakatira na sa iyong bituka, or intestines. Kabilang diyan ang ilang bacteria at yeast. Kapag hindi natutunaw ang protina, maaaring magdulot ito allergic reaction sa ibang tao.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAmylase
Tumutulong ang enzyme na ito para tunawin ang mga starch para maging sugar. Gagamitin ang sugar (glucose) bilang energy ng katawan. Kapag hindi sapat ang amylase, puwede kang magkaroon ng diarrhea mula sa hindi natuwan na carbohydrates.
Pancreatic hormones
May dagdag tulong ang lapay sa digestive system galing sa ginawa nitong hormones. Ang hormones ay tinatawag na chemical messagers na naglalakbay sa dugo para magawa ang kanilang tungkulin.
Tungkulin ng pancreatic hormones ang:
- Pagbalanse o regulation ng blood sugar levels at appetite, o gana sa pag kain
- Pasiglahin ang stomach acids
- Pagsasabi sa tiyan na oras nang magbawas
Kung ang pancreatic enzymes ay pinapakawalan sa digestive system, pinapakawalan naman sa dugo ang pancreatic hormones. Kabilang sa mga ito ang:
Insulin
Ginagawa ang hormone na ito sa cells ng lapay, at tinatawag na beta cells. Tinatayang 75 percent ang beta cells sa kabuuang pancreatic hormone cells. Ang insulin ang hormone na tumutulong sa katawan na gamitin ang sugar (glucose) bilang energy. Kapag hindi sapat ang insulin, tumataas ang sugar levels, na maaaring magdulot ng diabetes.
Glucagon
Ang hormone na ito ang ginagawa ng alpha cells na bumubuo sa 20 percent ng kabuuang cells sa lapay. Makakatulong ang glucagon kapag bumaba nang husto ang iyong blood sugar dahil ito ang magsasabi sa atay na magpakawala ng naimbak sa sugar.
Gastrin and amylin
Ginagawa ang gastrin sa tinatawag na G cells sa tiyan, pero meron ding ginagawa sa lapay na mismo. Ginagawa naman ang amylin sa beta cells, at tumutulong ito na kontrolin ang gana sa pag kain at pagbabawas ng laban ng tiyan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga sakit sa lapay
Apektado ang lapay sa mga ganitong problemang pangkalusugan o pancreatic disorders.
Type 1 diabetes
Nagkakaroon ng type 1 diabetes kapag wala nang nagagawang insulin. Kadalasang nagsisimula sa pagkabata, kaya tinatawag din itong juvenile diabetes.
Type 2 diabetes
Nagkakaroon ng type diabetes hindi nagagamit nang tama ang insulin. (Basahin dito ang mga sintomas ng diabetes.)
Hyperglycemia
Resulta ang hyperglycemia sobrang paggawa ng glucagon. Tumataas nang husto ang blood sugar levels. (Basahin dito ang mga sintomas ng mataas ang blood sugar.)
Hypoglycemia
Nangyayari ang hypoglycemia kapag kumonti ang nagagawang insulin. Bumababa nang husto ang blood sugar levels.
Pancreatitis
Ito ang resulta kapag nagsimulang magtrabaho ang enzymes habang nasa pancreas at hindi pa nakakarating sa destinasyon nila na duodenum. Posibleng dulot ito ng gallstones o labis na pag-inom ng alak.
May tatlong uri ng pancreatitis, ayon sa The National Pancreas Foundation:
Acute pancreatitis
Ito ang biglaang atake na nagreresulta sa pamamaga ng lapay, kaya labis na kumikirot ang itaas na bahagi ng tiyan. Maaaring tumagal ang kirot ng ilang araw at may kasamang pagkahilo, pagsusuka, pamamanas, pagtatae, at pagkakaroon ng lagnat.
Chronic pancreatitis
Isa itong progressive disorder sangkot ang pagsira ng lapay. Ibig sabihin, nangyayari ang pagkasira sa loob ng ilang panahon. Mas apektado ang mga kalalakihan, lalo na sa mga edad 30 hanggang 40.
Maaaring magsimula ang sintomas sa pananakit ng itaas na bahagi ng tiyan at pagtatae. Pero sa paglipas ng panahon, mapapansin ang pagiging malnourished at pagbagsak ng katawan. Kapag tuluyang nasira ang lapay, maaaring magkaroon ng diabetes.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHereditary pancreatitis
Ito ang resulta ng namanang abnormality sa lapay o di kaya sa bituka. Nagsisimula ang pag-atake bago pa tumungtong ng edad 30. Sa pagdaan ng panahon, maaari itong maging chronic pancreatitis.
Pancreatic cancer
Sanhi ang ganitong sakit sa lapay ng cancer cells. Maaari itong magamot sa pamamagitan ng operasyon kung maaagapan. Pero sadyang napakahirap nitong madiskubre kaagad, kaya kadalasang nagiging mahirap nang magamot.
Basahin dito ang sakit sa endocrine system.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments