embed embed2
  • 5 Nanay Tips! Survival Guide Kapag Nasa Bahay Lang Ang Mga Bata Sa Panahon Ng COVID-19

    Tipid tips para hindi mainip at wais na practices para makapag-aral pa rin ang mga bata.
    by Ana Gonzales .
5 Nanay Tips! Survival Guide Kapag Nasa Bahay Lang Ang Mga Bata Sa Panahon Ng COVID-19
PHOTO BY iStock
  • Talaga namang nakakaalarma ang bilis ng pagkalat ng COVID-19. Kaya naman nang magsimulang tumaas ang bilang ng mga apektado nito, agad nagdesisyon ang pamahalaan na suspendihin ang klase sa lahat ng antas simula kahapon (March 10), hanggang sa Sabado (March 14).

    Nagbabala rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pauuwiin ang mga estudyanteng makikita sa mga malls sa mga araw na walang pasok. "I-a-advise silang umuwi. Kung kinakailangang ihatid sila ng pulis, ihahatid sila ng pulis," pahayag ng Interior Secretary na si Eduardo Año.

    Apektado rin ng COVID-19 ang routine ng mga nanay lalo na't karamiha'y hindi na lumalabas ng bahay para mamili, habang ang ilan nama'y wala nang mabili dahil sa panic buying ng iba.

    What other parents are reading

    Para 'ma-survive' ang iba't-ibang hamong dala ng COVID-19, nagtanong kami sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ng ilang tips. Narito ang mga ibinahagi nila:

    Bumili lang ng sapat para sa inyong pamilya

    Marami ang nag-panic nang makumpirma ang tumataas na bilang ng COVID-19 patients kaya marami rin ang nag-hoard ng grocery items bukod pa sa tissue, wipes, at alcohol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ng mga nanay sa Village, importante na bumili lang ng sapat dahil kawawa naman ang ibang mga magulang na namimili rin ng mga pangangailangan ng pamilya nila. Hindi lahat ay kayang bumili ng maramihan—kunin lamang ang sapat para sa inyong pamilya para magkaroon din ang iba.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi pa ng ilang mga nanay, sayang ang pagkaing naka-stock lang at masisira kung hindi naman makokonsumo agad.

    What other parents are reading

    Huwag mag-panic, but be vigilant

    Ito naman ang payo ni mommy Margarette Ong. "For correct information I followed reliable sources like the official page of the Department of Health (DOH) and World Health Orgnization (WHO)," kwento niya.

    Marami rin sa mga nanay ang masipag na inuupdate at ineeducate ang kanilang mga sarili para mas maintindihan ang mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng COVID-19.

    Maging creative pagdating sa school work

    Sabi ng mga nanay, hindi porke isang linggong walang pasok ay isang linggo ring walang gagawin ang mga bata. Pero para hindi sila tamarin sa paggawa ng mga ihinabiling homework ng kanilang mga guro, humanap ka ng paraan para maging masaya at engaging ang study sessions ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung mayroon kang toddlers, masayang magpinta at magkulay o 'di kaya ay magbasa ng mga bagong libro. Pagbabahagi ni mommy Camille Chua, kasama niya ang anak niya sa pagluluto para masaya. Mayroon din silang art activities para hindi mainip ang bata.

    Kung grade school at high school students naman ang mga anak mo, pwede kayong manood ng mga educational documentaries sa inyong paboritong streaming apps.

    What other parents are reading

    I-boost ang inyong immune system

    Bukod sa madalas at tamang paghuhugas ng kamay, importante ring malakas ang immune system ng iyong pamilya sa panahon ngayon. Kwento ni mommy Sophia Iñigo, sinisiguro niyang kumakain ng tama ang kanyang pamilya bukod pa sa pag-inom ng maraming tubig, pagtulog ng nasa tamang oras, at pag-papraktis ng tamang hygiene.

    Kwento pa niya, ipinapaliwanag din nila sa kanilang mga anak kung ano ang nangyayari. "We grab the opportunity too to teach our kids about the virus and what they need to do."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag magpakalat ng fake news

    Bago mo ibahagi ang isang post o bago mo pa man ito paniwalaan, siguraduhin mo munang galing ito sa mga lehitimong sources. Sabi nga ng mga nanay sa Village, napakalaking pinsala ang maaaring idulot ng pagpapakalat ng fake news.

    Para malamang peke ang isang balita, i-research mo muna kung saan ito nanggaling. Inilabas ba ito ng verified news channels? Reputable at mapagkakatiwalaan ba ang website kung saan mo ito nakita? Naintindihan mo ba ang post at ang pinanggalingan nito? Importante na huwag kayong basta-basta nagpapaniwala sa mga viral na posts. Huwag agad itong i-share, lalo na kung hindi mo chineck kung saan ito nanggaling.

    What other parents are reading

    Totoong nakakatakot ang panahon ngayon dahil sa mga naglalabasang karamdaman. Ang isa sa mga pinakamabisang panlaban dito ay ang pakikinig sa tamang impormasyon, bukod pa sa mga payo ng mga medical experts.

    Kumusta kayo at ang inyong mga anak ngayong nasa bahay lang sila dahil sa COVID-19? I-share niyo na ang inyong experience sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles