-
Mabisa Raw Itong Pampakalma Kung Lagi Kang Nalulungkot At Nag-aalala Dahil Sa Pandemic
Ginagawa na rin ito maging ng mga celebrity mommies.by Ana Gonzales . Published Jul 1, 2020
- Shares
- Comments

Marami sa atin ang natuto ng iba't-ibang skills at nagkaroon ng mga bagong hobbies sa halos tatlong buwang nakakulong tayo sa ating mga tahanan dahil sa banta ng COVID-19.
Mayroong natuto nang magluto, mayroong nakapag-aral ng mga online courses, mayroong nakapagsimula na sa wakas ng vlogs, at mayroon ding nakapagsimula ng online business.
Naging maparaan ang marami sa atin para hindi tayo malulong sa pag-aalala at tuluyan nang kainin ng anxiety. Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon pang naging patok na activity ngayon na kinahuhumalingan ng marami, maging ang mga celebrities—ang gardening o ngayon ay mas kilala bilang 'plant parenting.'
Bakit nakakakalma ang gardening ngayong may pandemic?
Nabibigyan tayo nito ng sense of responsibility
Pati na rin sense of accomplishment. Sigurado kasing karamihan sa atin ay hindi sanay na nasa bahay at walang ginagawa. Marami rin sa atin ang nawalan ng trabaho. Kaya naman nakakagaan ng pakiramdam na mayroon tayong naaaccomplish—kahit gaano kasimple o kaliit.
Naikokonekta tayo ng gardening sa ibang tao
Hiwa-hiwalay man tayo ngayong may pandemic, konektado pa rin tayo sa maraming paraan. Pinagdudugtong tayo ng mga bagay na hilig natin. Isa na riyan ang gardening. May mga Facebook groups na dedicated para sa mga 'plantitos' at 'plantitas'.
Marami ka ring makakausap online tungkol sa mga dapat at hindi mo dapat gawin pagdating sa paghahalaman. Hindi ka rin mauubusan ng payo at resources, ano man ang kailanganin mo.
Relaxing ang paulit-ulit na gawain
Maraming aspeto ng gardening ang paulit-ulit mong gagawin araw-araw. Nariyan ang pagdidilig, pagbubungkal, paglilipat sa paso at iba pa. Ang pagiging rythmic na ito ng gardening ang isa sa mga dahilan kung bakit talaga naman relaxing ito.
Kung mayroon kang tendency na mag-overthink, maaaring makatulong ang gardening para magkaroon ng katahimikan ang isip mo.
Bukod pa sa mga nabanggit, likas ding may kalmang dala ang kalikasan. Maraming mga pag-aaral na rin ang nagpapatunay na ang pagpapaaraw at pagtatalaga ng oras na napapalibutan ka ng kalikasan ay makakatulong para mag-release ang katawan mo ng mga happy hormones.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag mag-alala na baka mahawa ka ng sakit, ayon sa mga eksperto, sampu hanggang labinlimang minuto lang sa kalikasan ay sapat na.
Siguraduhin mo rin na magsusuot ka ng mask kung sakaling magpapaaraw ka sa labas. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamay madalas.
What other parents are reading
Tandaan, natural lang na matakot at makaramdam ka ng anxiety sa mga panahong tulad nito. Huwag mong pilitin ang sarili mo na maging masaya, ngunit huwag mo ring hayaan na malugmok ang sarili mo sa kalungkutan.
Kung nakakaramdam ka ng labis na pag-aalala, kawalan ng ganang kumain, pagkabalisa, labis na kalungkutan na hindi maipaliwanag, o 'di kaya ay kawalan ng pag-asa, maaari kang humingi ng tulong sa mga medical professionals. Narito ang ilan sa mga institusyong may mura at libreng konsultasyon.
What other parents are reading

- Shares
- Comments