;
embed embed2
  • Most Adorable In Pajamas, Plaid, At Sweaters Ang Mga Pamilyang Ito!

    Tunay na makulay at masaya ang Pasko.
    by Jocelyn Valle .
Most Adorable In Pajamas, Plaid, At Sweaters Ang Mga Pamilyang Ito!
PHOTO BY Instagram/abettinnacarlos, coleen
  • Masaya at makulay ang Christmas portraits ng ilang celebrity families dahil nagsuot sila ng coordinated outfits.

    Karamihan sa kanila ay pumili ng pajamas na may cute design, habang plaid o checkered top naman ang iba at meron din iyong tinatawag na ugly sweaters. Alamin kung sino-sino sila.

    Andi Eigemann’s Extended Family

    Pagkatapos ng engagement kamakailan ni Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo sa isang beach resort, balik-siyudad sila para sa Kapaskuhan. Kapiling nila ang kanilang anak na si Lilo at panganay niyang si Ellie.

    White ang suot na pantulog ng girls at dark blue naman sa only boy. Parating pa lang kasi ang isa pang boy dahil ipinagbubuntis ni Andi ang second baby nila ni Philmar. 

    Sa iba pang mga litrato na ibinahagi ni Andi sa Instagram, kasama nila ang nanay niyang  si Jaclyn Jose at kapatid na si Gwen, pati na ang mga kapatid niya sa late dad niyang si Mark Gil.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang si Gabby Eigenmann, na kasama naman ang asawa niyang si Apples at kanilang mga anak: Josh, Liam, Gabbie, at Mattie

    Pahayag ni Andi sa caption, “Happy to have my sibs, pamangkins, and nanay join the Happy Island Fam for our first actual Christmas together! (And my first as a fiancee, hehehe) Merry Christmas from our fam to yours.”

    The Garcia-Crawfords



    Christmas theme na green pajama set ang gayak nila Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang baby boy na si Amari. Personalized ang kanilang jammies dahil nakaburda ang kani-kanilang mga pangalan dito.

    Mapapansin ding napatingin na lang ang fur baby nilang si Tamomo dahil wala siyang suot na pajama.  

    Pagmamalaki ni Coleen sa caption, “This little family of ours will always be my favorite gift and biggest blessing.” Masayang komento naman ni Billy, “Amari’s first Christmas is full of love. Thanks to You, Father!”

    Diana Zubiri and Family

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Christmas theme na black pajama set naman ang kanila Diana Zubiri, mister na si Andy Smith, at mga anak na sina King, Aliyah, at Amira. Isang simpleng pagbati ang hatid ni Diana sa kanyang Instagram followers: “Maligayang Pasko!!!”

    Bangs Garcia and Family

    Pulang-pula ang pajamas ng pamilya ni Bangs Garcia sa pagkalamig-lamig na United Kingdom. Kabilang dito ang asawa niyang si Lloyd Birchmore at kanilang two daughters na sina Amelia at Isabella.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Base pa sa Instagram post ni Bangs, red pajamas din ang suot ng pamilya noong Christmas 2018. Iyon nga lang, unica hija pa si Amelia noon dahil wala pa sa kanilang hinagap si Baby Isabella, na ipinanganak nitong July 2020 lamang.

    Manilyn Reynes and  Family

    Kumpletos rekados ang holiday getup ni Manilyn Reynes, kanyang asawang si Aljohn Jimenez, at kanilang three sons: Kyle, Kirk, at Kael. May suot silang red-and-black plaid pajamas na may “Merry Christmas” gray top. Katerno nito ang red-and-black socks at reindeer headband.

    Ibinahagi ni Manilyn ang kanilang dasal para sa lahat. Aniya, “Pasko at Bagong Taong punong-puno ng pagmamahal at pag-asa.”

    Paulina Sotto and  Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pula rin ang napusuang kulay ni Paulina Sotto para sa pajama set nila ng asawang si Jed Llanes at kanilang baby girl na si Sachi. May paalala siya sa lahat: “Let’s not forget that we’re still in the middle of a pandemic. As much as I want Sachi to experience the love and support of family and friends, that has to wait.”

    Dagdag pa ng visual artist at anak ni Vic Sotto, “It angers and disappoints me to see so many people acting like everything is back to normal just because they’re not directly affected. The only way we’ll get through this is to ALL stay vigilant. So please stay safe! We can still enjoy Christmas with our closest loved ones.” 

    Ai-Ai de las Alas and Family

    Hitik sa Christmas symbols ang red pajamas ni Ai-Ai-delas Alas, kanyang mister na si Gerald Sibayan at kanyang adopted son na si Seth. Aniya sa caption, hangad niya ang “hope, love, positivity, and joy” para sa lahat ngayong Kapaskuhan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ryza Cenon and Family

    Ugly Christmas sweaters ang napiling theme ni Ryza Cenon para sa family portrait nila ng partner na si Miguel Cruz at kanilang baby boy na si Night, pati na ang fur baby niyang si Mallows. Pero kahit Star Wars ang design ng mga sweater nila, swak pa rin sa makulay nilang Christmas tree. 

    Divine Lee and Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Checkered o plaid ang motif  ng Christmas outfits ni Divine Lee, kanyang asawa na si Blake Go, at kanilang mga anak na si Baz at Blake. Biro niya sa caption na nakahanap din siya ng “best photo out of 1535363 takes,” at iyon ang posted sa kanyang Instagram account.

    Bettinna Carlos

    Plaid din ang napiling isuot ng newlywed na si Bettinna Carlos, kanyang husband na si Mikki Eduardo, at kanyang 9-year-old daughter na si Gummy. Aniya sa caption, “Blessed Christmas from The Eduardos!!! Sabi nga ng anak namin, ‘we are complete.’ Salamat Hesus!!!”

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles